Plans
Dindin's
I ENVY those people who call themselves a morning person because I am fucking not. The moment I opened my eyes, I was greeted by the sunlight that shines directly on my face. Silaw na silaw ako. Dapat pala ay isinara ko ang mga kurtinang iyon. Tuwang – tuwa kasi ako kagabi sa view ng city lights. I had never imagined myself to be in this place, let alone IN the house where my half – brother lives – just the person that I need to be with. Hindi ko alam kung anong nakain ni Jacobo Amberto at niyaya niya akong tumira sa bahay na ito, pero mas pinadali niya ang lahat. Isip ako nang isip kung paano ako makapapasok sa buhay nila. Hindi ko alam kung anong nangyayari, but he literally opened the door for me, he let me in and now, all my plans are in motion. Kung paano ko sisimulan ang plano, hindi ko pa alam. Hindi ko nga rin alam kung buo nga ba ang loob ko para gawin ito, pero mas malakas sa akin ang urgency na makuha ang buhay na dapat naman para sa akin.
Hindi ko kasalanan na ipinganak akong mahirap, pero malaking kasalanan kung mahirap pa rin akong mamamatay. I will live with that motto: All is fair in love and war. Wala naman akong kahit anong nararamdamang pagmamahal para sa lalaking iyon. I don't even consider him as a brother, para sa akin, mang-aagaw siya. Inagaw niya at ng nanay niya ang buhay na para sana sa aming mag – ina. Wala akong emosyong nararamdaman para sa kanya kundi galit, inggit at panghihinayang. Galit dahil hindi ko nakuha ang buhay na mayroon siya, inggit dahil akin dapat ang lahat ng tinatamasa niya ngayon, panghihinayang dahil hindi naranasan ni Mama ang buhay na mayroon ang naging asawa ng Papa ko.
Jacobo's mother died in a car accident when he was only eight years old. Sab isa research ko, his mother was dead on the spot but Jacobo suffered a lot of injuries and was in a comma for a month and then he woke up. Dinala siya sa America para sa mas maayos na treatment. Wala naman sinabi sa records kung anong naging injury ni Jacobo, but he came back a two years later and he's fine. Rogelio – our father – have then decided that it's time to train his one and only son to handle the company.
Jacobo is an achiever. He was always on top of his classes. Kahit sa mga contests na sinasalihan niya ay hindi siya kahit kailan natalo. When he aims to be the best, he comes out the best. Doon ko na-realize na kung patutunayan ko kay Rogelio Castillo na mas karapat – dapat ako kaysa sa nakasama niyang anak, then I must be on top of my game too. Nag – aral akong maigi. Tulad ni Jacobo, tuwing may sasalihan o papasukin akong isang bagay, I will come out the best. Wala akong pakialam kung dahil sa pagiging ambisyosa ko ay wala akong naging kaibigan. Wala akong pakialam kung kapag nakikita ako ng mga kaklase ko at mga kasing edaran ko noon sa probinsya ay tinataasan ako ng kilay at pinagbubulungan nila ako. For me, those people aren't enough. They will only be hindrance to my plans. Wala akong panahong makipagkaibigan at makipag-plastic-an sa kanilang lahat. I only want one thing and that is to be on top of it all. Titingalain nila akong lahat. Lahat ng nang – api sa aming mag – ina noon, lahat sila, titingalain nila ako, hahanga at magsisisi dahil minsan sa buhay nila, inapi at pinamukhaan nila kaming dalawang mag – ina.
Alam kong punong – puno ng galit at inggit ang puso ko. Bad as it may be, but only those two things fueled me. Kung hindi dahil sag alit at inggit na iyon, wala ako rito ngayon.
I sat up and gave out a sigh. Napakaganda ng view mula sa penthouse na ito. I stood up and walked near the window. I could see the whole city from where I am standing. Busy na ang lahat sa ibaba, habang ako, iniisip ko pa kung anong mangyayari sa akin ngayong umaga. Nakatulugan ko na lang kagabi ang mga senaryo ng plano ko, sa isipan ko, kahit saan ako mapunta, anuman ang maging tingin sa akin ng lahat, wala akong pakialam, I will get what I want.
"But first, breakfast." Napahikab pa ako habang nag – iinat. Gising na kaya si Jacobo? Pwedeng oo, pwedeng hindi, pwede ring nakikiramdam lang siya sa mga galaw ko, but I don't care. Gagawin ko ang dapat kong gawin para naman wala siyang masabi sa akin. Utang na loob ko pa rin ang pagpapatira niya sa akin rito, kailangan gawin ko ang end of the deal ko. Ayoko pa namang tumatanaw ng utang na loob sa ibang tao.