Prologue

16.8K 293 9
                                    


The Complicated Us

Mighty Jocks # 01

A novel by xxakanexx

Prologue: Pabulosok

"


Ang buhay ni Dindin, pabulosok..."

Palagi kong naririnig ang pangungutya ng mga tao sa paligid ko na ang tanging layunin lang ay para ibaba ang paniniwala ko sa aking sarili. Hindi ko kasalanang ipinanganak akong hindi mayaman, pero kasalanan ng mga tao sa paligid kong lalo nila akong ibinababa dahil mababa na ako. Huh! Akala nila ganoon na lang basta ang buhay? Hindi dahil mababa ako, hindi dahil mahirap ako, hahayaan ko silang apihin ako. Hindi na uso ngayon ang nagpapaapi. Saka sino bang may sabing mahirap ako? Lumaki man ako sa isang maliit na bahay, maaga man akong naulila sa nanay, pero anak ako ng isa sa pinakamayamang tao sa Metro.

Hindi ko basta palalagpasin iyon. Kukunin ko ang para sa akin. Kahit anong mangyari, saan man ako makarating, sinoman ang taong makabangga ko. Kukunin ko ang para sa akin. Tawagin man nila akong oportunista o kung anupaman, ipinangako ko kay Mama na kukunin ko ang rightful place ko at iyon ay ang maging tagapagmana ng Castillo Group of Companies.

I did all that I could to claim my rightful place, pero bago mangyari iyon, kailangan kong makapasok sa mundo ng mga taong iyon. The richest of the rich, the top of all tops, crème of crop and all that shit. I studied so fucking hard to be granted by that golden scholarship from that prestigious school where my father is a stake holder. Hindi naman ako nabigo dahil pagkatapos ng senior high school, natanggap ako sa eskwelahang iyon. I had the golden scholarship – it means that all my needs will be provided by the school, kahit na ang dorm. Ang saya – saya ko. Mabilis pa sa alas kwatrong inayos ko ang lahat ng kailangan ko at umalis sa maliit na bayan ng Zambales.

In my head, I will be leaving this town that I hate so much, and I will be living the life that I wanted and later on, I will live the life that had always been for me.

May isang problema nga lang...

My father, Rogelio Ciriaco Castillio has a son and as of right now, he is the sole heir of the multibillion-dollar company that belong to my father – well, our father. Magkapatid kami sa ama. Ipinakilala siya sa madla noong 21st birthday niya bilang tagapagmana ng kompanyang iyon. Hindi ako makakapayag. Kailangan mabawi ko ang akin.

Akin ang lahat ng iyon. My father – well, our father – only married my half – brother's mom for convenience. Ang Mama ko ang totoong mahal ng tatay namin. Paano ko nalaman? My mother said so. Naniniwala ako dahil nabasa ko ang mga sulat na iniwanan ni Mama sa akin noong namatay siya. Ang mga sulat ni Papa sa kanya ay puno ng pagmamahal at paghanga. Alam ko at ramdam ko na si Mama lang ang mahal niya at Malaki ang posibilidad na mahal niya pa rin si Mama hanggang ngayon. Hindi ko alam kung nabalitaan niya ang pagkamatay ni Mama. Siguro hindi. Ni hindi nga niya alam ang patungkol sa akin – which is okay – kahit na magiging mahirap ang pagpasok ko sa buhay nila, magiging maayos ang lahat. Kapag nagawa ko ang lahat ng plano ko, makukuha ko ang buhay na para sa akin. Alam kong gagawin ni Papa ang lahat para sa akin kapag nalaman niya ang katotohanan.

I just really need to enter their lives, and how will I do that, if you ask?

Well, the first step is for my presence to be known. I've been in this school for a month now and I've been eyeing my dear half-brother – Jacobo Amberto Perez – Castillo. Sobrang cliché ng buhay ni – na mas kilala bilang J.A.P – hindi Jap kundi J.A.P. sobrang pangit ng nickname niya.

He belongs to the popular side of the school. Lahat yata ng babae – maski na lalaki ay gustong mapansin ni Jacobo Amberto. It's cute really. Nagpapansin sila kay Jacobo unang – una dahil gusto nilang maambunan ng kayamanan nito. Napansin ko rin na si Jacobo ay may mga constant friends na palagian niyang kasama. He seemed so comfortable with them. Siyempre, tulad ni Jacobo, mayayaman din sila. Hindi ko lang alam kung ano – anong kompanyang hawak ng mga iyon pero sila iyong tipo ng mga tao na kapag ginustong mag – milk tea, instead of going to the mall, they can go to Japan to get one and that is fucking amazing.

I will let my presence known by Jacobo soon but right now, may sarili akong problemang kailangan kaharapin.

"What do you mean I cannot stay at my dorm? I've been staying there for a month now." Mababa ngunit halata sa tinig ko ang pagkairita sa registrar na kausap ko. She just looked at me, nakataas ang kilay niya at tila mainit ang ulo.

"Rebecca Quizon requested for your removal. You can just find somewhere else to stay."

"But! But! It's the middle of the term! Where can I get a room?" Ayoko man aminin ay kailangan ko talaga ng kwartong iyon. I don't have money. As in wala talaga. Umaasa lang ako sa libreng silid at pagkain sa dorm. I have no money, saan ako pupulutin nito? Gusto kong maiyak. Bakit pagdating sa akin ay napaka-unfair ng mundo?

Suddenly, the registrar closed her window. Napanganga ako. Bakit sa mahihirap na estudyante, ganito sila?

"Divina Grace Santos..." I heard a familiar voice behind me. I had to look because the voice gave me goosebumps. Kunot na kunot pa ang noo ko lalo noong paglingon ko ay natagpuan ko si Jacobo Amberto. Napanganga ako. What the hell is he doing here? Why is he looking at me weirdly? Para saan ang ngiting iyon? Why does he know about me?

"Do you know me?" I asked. My heart is beating so fast. I swallowed hard. Nakakaramdam ako nang paninikip ng dibdib. Sabi ko, sa oras na makaharap ko si Jacobo ay pamumukhaan ko siya. Inagaw niya ang buhay na para sa akin, but here I am and I don't know what to do.

"I saw your form." Malalim ang boses niya. Lalong tumindi ang goosebumps na nararamdaman ko. "You need a home? I have a huge couch."

"Wh-what?" Is he offering me a place to stay? Nagkibit – balikat siya.

"Father always tell me to help the needy. You need a place to stay, I have a huge couch. It's a win – win situation."

Lalo akong naguluhan. Does he know what he's doing? I have an agenda, a bad one and he is opening his home to me. Hindi niya ba naisip na baka tulad ng lahat ng tao sa paligid niya ay oportunista ako? I had always wanted this to happen but now that it is happening, hindi ko naman alam kung nananaginip baa ko o totoo ba ito.

Have I been so good in my past life that the Heavens is now rewarding me by making it easier for me to enter their lives and take my rightful place?

"So, what do you say?" Jacobo casually asked me again.

What do I say?

Well I fucking say: "What's the catch?" 

The Complicated UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon