CHAPTER 42

3 0 0
                                    

Yvonne's pov

Patapos na ko sa pagiimpake ng pumasok si Reve sa loob ng kwarto. He stayed with us for the past few days. Wala naman akong problema don dahil naging daan yun para mawala ang awkwardness sa pagitan namin.

"Tara na kanina ka pa nagiimpake jan" Mataray na sabi nito sakin kaya inikutan ko ito ng mata at hindi na sya pinansin.

Gusto daw ako pero hindi umaarte na parang may gusto sya sakin. Bahala sya jan.

"Ito na nga!" Sigaw ko dito at binuhat ng ang bagahe ko. Kinuha nya ito sakin at sya na ang nagdala ng mga ito palabas.

Si Reve ang nagplano ng vacation na ito para samin dahil ilang araw akong wala sa isip ko mabuti nalang ay hindi na nagtanong pa sina mama kung bakit ako nagkakaganun.

"Anak! Excited nak!" Natatawang lumapit ako kay papa na hindi na mapakali sa kanyang pwesto. "Tara na pa, baka maihi ka pa sa short mo" Sumimangot lang ito sakin at tinalikuran nako.

Anong nangyayari sa tatay ko? Hindi naman yan ganyan. Napatingin ako kay Reve na tumatawa habang nakatingin kay papa. Lumapit ako dito at hinampas sya sa braso. "Ikaw ang lakas talaga ng impluwensya mo" Kinurot ko sya sa tagiliran kaya napalayo ito habang hinhimas ang kanyang bewang.

"Anong ako!?" Ang galing talaga umarte nitong hayuf nato. "Sa lahat ng pwede mong maimpluwensya tatay ko pa talaga"

"Porket ganun lang umarte si tito ako na agad may kasalanan." Tinalikuran ako nito matapos sabihin yun. "Nakakasakit sa heart ha!" Madrama na naman nitong hinawakan ang kanyang dibdib.

Ayan na naman sya sa kaartehan nya. I rolled my eyes at him before getting in the car. "Ako magdadrive. Wag kang bida bida" Pinigilan ako nito ng sa driver's seat ako uupo. "Dun ka sa passenger" Hinila ako nito at binuksan ang pinto ng passenger seat at marahan akong itinulak papasok.

"Ang cute nyong dalawa anak" Kinikilig na sabi ni mama kaya napailing ako. Sabi na eh masamang ideya na iwan ko ang mga magulang ko kay Reve. Tingnan nyo epekto.

"Ma naman! Maghunosdili ka nga" Asar na sabi ko kay mama pero sa kaloob looban ko ay natutuwa akong makitang masaya ang mga magulang ko.

Sumakay na si papa at Reve sa loob ng sasakyan at nagsimula na kaming bumyahe. Di ko alam kung saan kami pupunta pero wala na kong paki dahil malaki ang tiwala ko kay Reve.

Umabot ng halos limang oras ang byahe namin mula tatay hanggang batangas. Nagpunta kami sa isang resort dito sa batangas. This lookes like a little boracay.

Even thought I haven't been to boracay.
Can you believe it with all the money I have I still wasn't able to go to boracay.

Parang mga batang tumakbo sina mama sa buhangin at naglaro doon. Di ko napigilan na mapangiti habang nakatanaw sa kanilang dalawa. They looked so happy. This is what I wanted to see everyday of my life.

How the face of my love one's lit up whenever I did something that made them happy. Hinanap ng mga mata ko si Reve na seryosong nakikipag usap sa staff ata ng resort.

Mukhang may problema kaya lumapit ako sa kanilang dalawa. "Sorry sir, po kasi ng double booking." Nakayuko na sabi ng staff. Napahinga ng malalim si Reve at tumango sakanya.

"Do you perhaps have any available rooms here. Kahit yung pinakamahal, walang problema" Tuluyan na kong nakalapit kaya napatingin sakin si Reve. He smiled at me before looking back to the staff.

"Fully book po kasi kami ngayon sir lalo na at summer. Sorry talaga sir." Hinawakan ko sa balikat si Reve.

"Ilang rooms ba ang binook mo?" Tanong ko dito. "I booked three kaso nagkaron ng double booking." I nodded at him and looked at the staff.

Loving You Near MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon