KABANATA 3

48 16 0
                                        

———



"Boss, 'di pumasok si Amoricia!"

Parang sinindihan ng posporo ang tenga ko nang marinig ang sigaw na 'yon ni Ace. Tinignan ko siya habang papasok sa pinto ng classroom namin.

Amoricia never absent. "Bakit, tinanong mo ba kung bakit?" Pag tatanong ko rito, "'Di ba kilala mo ang mga kaibigan no'n?"

He nodded, "Tatanong ko sana sa blockmate niya, kaso nakita ko ro'n si Ate Jasmin, natakot ako kaya umalis na 'ko."

Jasmin, hmm, her friend? Kilala ko 'yon dahil naikwento na ni Amoricia sa akin. Alam ko rin na 'yon ang nag momonitor sa kaniya.

"Balitaan mo 'ko pag may balita ka na kung bakit absent siya ngayon, okay?" Nang tumango ito sa akin ay nginitian ko ito.

Umuwi agad ako after class, wala nga si Amoricia sa room nila dahil hindi ko naman siya nakitang lumabas noong lunch. Sinubukan kong pumunta sa unit ni Rheena pero natakot ako nang makita ko si Bry at Jasmin.

"Oh, hello there, little brother!" Masiglang bati sa akin ni Reed, obviously my brother na sana hindi na lang, "How's school?"

I snorted, "Come on. Don't ask as if you're really interested in knowing how my day goes." I rolled my eyes, "And, oh" napangiti ako nang mapansin ko ang kaba sa mga mata nito, "Why are you sweating bullets? Bumagsak ka na naman ba?"

Reed furiously grabbed my uniform, "Don't you disrespect me!" Madidiing saad nito, "I have a card against you, and it will surely bring your world down, fucker." Sabay bitaw nito.

Inayos ko ang damit ko bago pumasok sa kwarto ko at doom nag kulong. Tangina, nakakasawa sa bahay na 'to, laging ako na lang ang mali kahit kitang kita naman kung gaano ka walang respeto si Reed sa akin at sa kahit kanino. So unfair.

I suddenly remember Amoricia, kumusta na kaya siya?

@chadsonems_
-how r u, 'di ka raw pumasok?

@chadsonems_
-do u want some coffee?

Hindi siya online kaya hindi niya iyon na replyan. Pinatay ko ang cellphone ko bago inayos ang sarili. I remember na may kausap pala ako tungkol sa isang unit na binebenta near Amoricia's dorm, by buying that unit, mas mapapalapit ako kay Amoricia at mas madalas ko siyang makikita o makakasabay sa pag pasok.

"Five million," the seller said, "Eight kung pati ang mga appliances ay gusto ko, kasali na ro'n ang water and electric bills for six months."

The unit has two rooms that are both in vintage color, ang sala naman ay black, brown and white ang kulay, white ang sofas and black ang mga unan habang ang mini stairs naman ay brown.

"7.5 million," tawad ko rito, "Deal?"

Umiling ito habang tatawa tawa, "Seven Million Eight Hundred thousand, closed." He chuckled, "Kidding, fine, deal. 7.5"

I gave him the cheque, nang ibigay niya sa akin ang card key ay umalis na rin kami agad, umuwi ako para kuhain ang mga gamit ko. They don't care about the things I will do, kahit gastusin ko pa lahat ng pera na bigay ni Lola, wala silang pake dahil hindi naman nila pera 'yon, and also because I am not Reed.

Pag akyat ko sa hagdan ay isang babae ang naka salubong ko pababa, she's wearing an acid wash colored jeans and black t-shirt for her top. Magulo ang buhok niya at mukhang nag mamadali. Fuck. Bakit may babae rito?!

Dali-dali akong umakyat sa kwarto ni Reed but I froze down when I saw a familiar feature that is facing the wall while sobbing. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga pasa na nasa braso niya at ganoon din ang gulo niyang buhok. Magulo rin ang bistidang suot niya, and knowing this woman, ayaw niyang magulo ang damit niya.

My legs are trembling, habang palapit ako sa kaniya ay pilit kong binubura sa isip ko ang mga posibleng nangyari. Did Reed hurt her?

"A- Amoricia..." Halos mamaos ako nang humarap ito sa akin, "Anong nangyari... ano ang nangyari rito?"

Agad siyang humarap at yumakap sa akin, kasabay no'n ay ang pag iyak niya sa dibdib ko. Iniyakap ko lang ang braso ko sa ulo niya at hinayaan siyang umiyak. Bago pa man kami makita ni Reed ay ipinasok ko na siya sa kwarto ko.

"What happened?" I started, "D- did Reed hurt you? Saan? Paano? Bakit? Tell me... kaya ba hindi ka pumasok?"

But she didn't speak, patuloy lang siyang umiyak at yumakap sa akin.

Nang kumalma ay inaya ko na siyang umuwi, pero ayaw daw niyang umuwi sa dorm at sinabi rin nitong may away sila nila Celeste.

Ah, that woman. Ang secretary ni Uncle.

"Gusto mo bang sa akin muna umuwi?" Alok ko rito habang nasa sasakyan kami, "O may iba ka pa bang titirahan? Ihahatid kita-"

"Pabigat na ba 'ko, Chad?" Biglang pag tatanong nito habang nakatingin sa kawalan, "Masama na ba 'ko? Hindi na ba 'ko tulad ng dati?"

Agad kong hinawakan ang kamay niya at hinalikan iyon, hindi ko alam kung tama ang ginawa ko pero iyon kasi ang sinasabi ng nararamdaman ko.

"No, Amoricia. You are a good person, you are special. At kung tinatanong mo kung pabigat ka, sa akin hindi. Kahit kaylan, hinding hindi..." Pag papaliwanag ko rito, "Gusto mo na bang umuwi? Kain muna tayo sa labas o lulutuan na lang kita?"

Amoricia cried again. And it hurts, seeing her cry in front of me, patuloy lang nala- laglag ang mga luha niya kahit hindi siya nag sasalita o humihikbi.

I want to know her. Sa lagay niya ngayon, parang ang hirap hirap ng bitbit niya, hindi niya 'ko makausap, siguro dahil na rin sa sakit o kung ano.

"Kain ka na..." Ako na ang nag desisyon sa pagkain namin. Inuwi ko na lang siya sa bahay para makapag pahinga at para na rin malibang siya sa bagong unit ko, "I cooked this for you. And kung gusto mong mag stay, aayusin ko na ang kwarto rito para sa 'yo, dalawa naman kaya-"

"Bakit... bakit ka ganiyan?" Her voice was broken, "Bakit... bakit kaylangan mo maging ganiyan? Naa-awa ka lang ba sa akin?" Pag tatanong nito habang patuloy na umiiyak.

Agad akong umiling, "Amoricia, gusto kita. At kung sa ganitong paraan ko maipa-pakita na gusto talaga kita, hindi 'to magiging abala..." I showed a smile.

I saw how her eyes widened a bit before hugging me again tightly, "Gusto rin naman kita... pero... pero kasi... bawal pa ako." Utal utal nitong saad habang himihikbi sa dibdib ko, "I am unstable-"

"I know." Putol ko agad.

"My mental health-"

"I'll take care of you." Sabi ko ulit.

"Baka mahirapan ka..." Humina ang boses nito.

"Kung para sa 'yo, kahit kaylan hindi 'yan mangyayari." Ngumiti ako sa sarili ko bago halikan ang buhok niya, "Don't think too much. Rest now, ako na ang bahala sa 'yo..."




end

THE MONTECRISTO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon