---
TW: DRUGS.
Luminga ako sa paligid nang makarating kami rito sa kapatid ni Ayi. Masukal ang daan kaya iniwan ko ang sasakyan ko sa dulong iskinita ng kalsada, nilakad na lang namin papasok dahil hindi kasya.
"Sandali lang tayo, don't worry." Pag sasalita ni Ayi habang busy siya sa phone niya. "A-abot ko lang 'tong pera - teka..." Huminto kami nang may tanawin siya. Nang tignan ko 'yon ay isa palang batang babae. "Pamangkin ko 'yan, ah!"
Dali-dali siyang tumakbo papunta sa batang naglalaro ng dumi. Nang malapitan namin ni Ayi ang bata ay agad itong yumakap, tuwang tuwa ang bata na nakita niya ang Tita pero mukhang takot na takot ito dahil ayaw kaming patuluyin sa bahay nila.
"Huwag po, nag lalaro po sila Mama." Bulong ng bata sa amin. "Mabaho po ro'n, hindi po maganda sa bahay. Nandoon po ang mga kaibigan nila Mama, bawal daw po sa bata..."
Dagdag pa nito. Nagkatinginan kami ni Ayi dahil doon. Iniwan niya sa 'kin ang bata. "Boyfriend ka po ni Tita po?" Inosenteng tanong nito.
"Ah, opo" Tumango ako. "Ano ang ginagawa nila Mama mo? Puwede ko bang malaman?"
"May makintab po ro'n! Papel po 'yon tapos binabalot po sa chicken po tapos sa isda!" Bibong sagot nito. "Ay, shhh" Nilagay niya ang hintuturo sa mga labi. "Bawal ko po iyon sabihin, papaluin po ako!" Ngumuso ang bata.
Tumango ako. Makintab na binabalot sa isda at manok- foil? Mabaho? Is it drugs? Nag d- drugs ba ang mga magulang ng batang ito?
Nabura 'yon sa isip ko nang biglang lumabas si Ayi, umiiyak at mukhang galit ang mga mata. Kasunod no'n ay isang babae, matangkad ito at payat, no offense pero para siyang puyat. Naka sando itong blue at naka ipit ang mga buhok habang ngingisi-ngisi.
"Yvi, hoy!" Sigaw nito sa asawa ko. Humarap naman si Ayi. "Wala manlang happy birthday? Wala manlang regalo? Hoy, ako ang nag pahiram sa 'yo ng pera bago ka umalis pa- Maynila!" Bumaling naman ito sa akin. "Sino 'to? Shota mo? Wow, big time!" Mahinang tumawa ang babae. "Hi, boss! Ako pala ang kapatid nito ni Yvi. Shota mo ba 'yan? O nag lalandian lang kayo? Malandi kasi 'to sabi ni Mama-"
"Tama na!" Sigaw ni Ayi bigla kaya huminto kaming lahat. Ang bata naman ay nag tago sa likod ko. "Pagod na pagod ako noong nag-aaral ako! Lahat, pinasok ko para kumain kayo tatlong beses sa isang araw kahit ako mismo walang wala na!" Dahan dahang humikbi si Ayi kaya napa-hawak ako sa braso niya ngunit inalis niya ang mga kamay ko. "Alam mo ba 'yon?! Hindi, 'di ba?! Habang ako, butot-balat na sa Maynila, ikaw, ano? Binuntis ka ng boyfriend mo! Ako pa ang nag bibigay ng pang gatas nitong anak mo! Tapos ano?! Ano, ha?! Aabutan kita, ikaw at 'yang mga putanginang tao na kasama mo?!" Huminto ito para huminga. "Drugs 'yon! Emy, drugs 'yon, eh! Sisirain no'n ang buhay mo!"
"Sira na ang buhay ko simula noong namulat ako, Ate!" Sigaw ng babae pabalik. Emy ang pangalan niya. Ngayon ko lang napansin na pareho sila ng mga mata ni Ayi, siguro nga dahil kapatid nila ang isa't isa. "Iniwan mo 'ko, eh, ikaw lang ang kakampi ko! Iniwan mo 'ko mag isa kaya ang mga responsibilidad mo, ako ang kumilos! Oo, sige, salamat, ha?! Salamat sa pagkain, pera at kung ano-ano pa! Sorry kung nabuntis ako! Sorry, ha!" Singhal nito bago dahan dahang umupo at kuhain ang anak niya sa 'kin.
"Sa akin muna tutuloy ang anak mo." Madiin ang mga salita ni Ayi. "Hangga't 'yan ka, hindi ko alam kung kaya mong alagaan ang anak ko- mo." Seryosong sabi nito bago bawiin ang bata. Hindi na tumutol doon ang babae. Sinakay ni Ayi sa kotse ang bata kaya umalis na rin kami.
"Sana nga... sana nga ay anak ko 'yan." Huling sambit ng babae bago tuluyang umalis. Hindi na siya tumingin o humabol kay Ayi, sinundan ko siya ng tingin at kasunod no'n ay isang batang lalaki na parang ka-edad lang ng batang kasama ni Ayi.
Habang nasa byahe, hindi ko ma-iwasan ang tumingin sa bata. Magaan ang loob ko rito ngunit hindi ko ma-iwasan na mapansin na parang pamilyar ang mukha niya sa 'kin. Nakita ko na ba siya noon? Hindi ko 'to alam... may nararamdaman ako.
"Call someone, ipahuli mo sila." Madiing bigkas ni Ayi sa akin, tinawagan ko naman agad si Ace para i-report ang drug use sa lugar na 'yon, siya na raw ang c- contact ng mga pulis para sa raid.
"Ayos ka lang ba, Mahal?" Tanong ko rito. Tinititigan niya ang bata mula sa salamin ng sasakyan ko. "What's her name?"
"Eloise." Tipid niyang sagot. "From now on, if someone will ask us kung sino siya. Ang sagot ay sa akin." Sabay tingin niya sa 'kin. "Sa 'kin lang. Sabihin mo... anak ko sa pagka-dalaga. Walang maniniwala kung sabibin natin na sa atin siya. So please..." She breath in and out. "She's mine. She's ours. Can you face this... with me?"
Tipid akong tumango. Gusto ko rin ng anak, at desisyon niya 'to. Ang gusto niya ay gusto ko na rin. Magaan din ang loob ko sa bata. Tumango na lang ako bago i-text kay Bastion na paki-asikaso ang mga papel para legal na siyang maging sa amin. Sakto naman at 'di siya busy sa prosecution office.
Pag uwi sa bahay ay agad pinaliguan ni Ayi ang bata. Higit sa tatlo o apat na taon na siya. Hindi ko masabi, iba ang laki niya. Nag luto na lang ako para sa aming tatlo. Nang matapos sila'y binihisan ni Ayi ang bata gamit ang mga damit niya mismo na maliit. Nag-mukha tuloy bistida.
"Bukas na bukas din, lalabas tayo para bumili." Alok ko habang kumakain. Umiling naman si Ayi.
"It's not safe for you to go outside with us. You're facing a big case, Chad." Seryoso niyang turan. "Kami na lang nila Jen. Eloise must know who are her ninangs."
Kumunot ang noo ng bata. "Hindi po ako marunong mag english." Ngumuso ito kaya mahina akong natawa. "Kaunti lang po. Hindi po kasi ako nag s- school"
"Anong English lang ang alam mo, Eloise?" Tanong ko rito.
"What's your name po." She giggled. "What's your name po?"
I smiled widely. "I am Chad. You can call me Daddy Chad or Papa Chad. Whatever- ay, 'di mo nga pala naiintindihan." Kumamot ako sa ulo ko. "Ako si Chad. Puwede mo akong tawaging Papa Chad o Daddy Chad." Masiglang sagot ko na ikina-tuwa ng bata. Nang tignan ko naman si Ayi ay nahuli ko ang titig niya sa 'kin, agad naman niya 'yong inalis na para bang ini-iwasan niya 'ko.
"Yehey! Wala po akong Papa, eh!" Bigla niyang tinakpan ang mga bibig niya. "Ay, secret daw po 'yon sabi ni Mama ko!"
"Ako ang Mama mo!"
Sabay kaming lumingon ni Eloise kay Ayi nang bigla niyang ibaba ang kutsara at tinidor niya. Malakas iyon kaya nagulat ang bata.
"Ayi, ano ba? She's adjusting!" Madiin kong turan. "You can't force her to call you her Mom that fast?! Hindi highschool 'to o elementary!"
She sighed heavily before hugging the kid and apologizing. "Nagulat lang ako. Sorry. Simula ngayon... Ako na ang Mama mo, okay?"
Nang tumango ang bata ay parang naluluha pa ang asawa ko. Naguguluhan ako. Bakit... bakit ba ganito siya ka-apektado? I don't want to think of something more, alam kong mag tita lang sila. Sana... sana nga 'yon lang.
end
BINABASA MO ANG
THE MONTECRISTO (COMPLETED)
Roman d'amourChad Montecristo, A law student sa Xavier University sa Cagayan De Oro City who wants a simple life. But because of his surname, he cannot have that. A Montecristo. Gusto lang niyang makamit ang hustiya for all the women that his brother and uncle...
