KABANATA 30

20 3 0
                                        

———

"Pumasok ka na. Aalis kami ni Eloise."

I swallowed hard when I heard Ayi's voice repeatedly in my mind. She became so cold, hindi niya 'ko tinabihan kagabi. She didn't even kiss me. Basta ang atensyon niya, naroon sa bata.

It's not bad. I mean, we've been dreaming of having a kid. Siguro... Hindi lang talaga akma yung reality sa mga naiisip ko, siguro ganito talaga 'yon. 'Di lang ako sanay dahil biglaan 'to nangyari. Tama. I need to accept that from now on, Ayi will give her time to that kid... our child rather. Kahit na hindi man namin ito tunay na anak ay tatanggapin ko ito. 'Yon ang gusto niyang marinig, na gusto ko na rin lalo na't bungisngis ang bata, parang si Ayi lang noong college kami.

"Lalim ng iniisip mo, Attorney! Alam mo na ba ang balita?" Pag basag ni Ace sa katahimikan ko. Umiling naman ako.

"What's new?" Kumunot ang noo ko.

"Pasado na. Hearing na ni Cassian! Ikaw ba hahawak? O, ako na? Hindi si Bastion ang Prosecutor, 'yong German daw." Ngumuso si Ace. "Feeling ko, magaling siya."

Tumango naman ako. "Ikaw na humawak kay Cassian. Sa witness ako— kami ni Uncle." Malalim akong huminga. "Pare, paano ba maging tatay?"

Agad namang maayos na umupo si Ace bago ako tignan sa mga mata. Pinalo pa niya ang braso ko bago dahan-dahan tumawa.

"Tatay ka na?! Congratulations!" Masiglang saad nito. Huh?! Hindi ba sinabi ni Basti sa kaniya 'yong papers na pina-ayos ko?!

"Oo. May anak si Ayi... sa... basta, noong dalaga pa siya." Palusot ko, 'yon naman kasi ang utos ni Ayi sa 'kin. "Anak ko na rin 'yon! Huwag ka na maraming tanong!"

Dahan-dahan naman siya tumango. Kumuha siya ng papel at ballpen bago kuhain ang laptop niya't i-harap sa 'kin.

"Ilang taon na 'yong bata, Attorney?" Seryoso niyang tanong. "Ah! Ito ba 'yong anak- ay, anak pala ni Ayi." He chuckled. "Anyway, ito ba 'yong galing doon sa pina-raid mong lugar? Grabe, Attorney! Alam mo bang lahat ng mga 'yon, nasa listahan ng most wanted! Ang alam ko, may isa pa ngang bata na lalaki roon, eh! Nasa DSWD. Puwede niyo i-claim 'yon ni Ayi kung gusto niyo." Ngumuso pa ito.

"Sabihin ko kay Ayi 'yan. Uh, around four or five na si Eloise." Pag sasalit ako. Agad naman akong huminto nang ma-realize ang nasabi. "Pina-kaba lang kita. Mga eight to ten."

Parang tinik ng isda ang nabunot sa dibdib ni Ace nang marinig ko ang pag buga niya ng hangin. "Kinabahan talaga 'ko!" Muli siyang bumalik sa laptop niya. "Ito, Pare. Hindi ko alam kung effective 'to pero basta. Huwag mo raw i-spoil, kaso kung ikaw ang ama? Baka kapag humiling ng isang bansa 'yon, ibigay mo, eh!" Tumawa pa.

"Ano akala mo sa 'kin, sira ang ulo?" Umiling iling ako. "Ikaw nga, binili lahat ng plane ticket ni Bry, eh! Sino ang mas sira sa 'tin, huh?"

"Ikaw pa rin! Seventy Million, Dude!" Sabay tawa nito. Kasunod no'n ay pag pasok si Basti. Taka itong tumingin sa 'min bago may binigay. "Ano 'to?"

Binuksan ko rin 'yon. Oh, birth certificate.

Eloise Madrigal Montecristo

Father: Chad Anderson Montecristo
Mother: Amoricia Yvi Istrella Madrigal

"Salamat, Junior!" Masaya kong turan. "Siya nga pala. Na-meet mo na ba si Prosecutor German?" I asked, out of curiosity. "Nasa Pinas na ba? I am so excited to meet him!" Like a woman, I giggled.

Umiling naman si Basti. "Not yet. Pero oo, narito na sa 'tin. Someone came into my office days ago, hiningi ang tungkol sa kaso ni Cassian. Binigay ko 'yong basic informations. Hihintayin kong si German mismo ang pumunta sa 'kin." Seryosong sambit nito, hindi rin naman siya nag-tagal sa opisina ko dahil marami pa raw siyang gagawin.

THE MONTECRISTO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon