———
"How's your day, Mahal?"
I smiled after seeing my wife, silently watching the news, bumungad siya agad sa 'kin pag bukas ko ng pinto. She's smiling pretty, agad niyang kinuha ang suitcase ko at kinuha ang suot kong suit.
I kissed her forehead. "It's good. Nakita mo na siguro sa news?" Tumango naman si Ayi agad, napalingon din ako sa t.v nang lingunin niya 'yon. Mukha ko pala 'yon.
"You're hot." She commented. Natawa naman ako bago ko sinara ang pinto. Umupo na kami sa sofa. "Seriously, you're hot."
Hinipo ko agad ang noo at leeg ko. Damn. Mukhang may sinat nga 'ko. "Wala 'to. Baka sa puyat lang..." Ang akala ko pa namang hot ay ako, literal pala 'kong mainit. Fuck.
Umiling agad ang asawa ko, tumayo ito at may kinuha. Pag balik sa 'kin ay may dala na siyang gamot at tubig. Ininom ko na 'yon dahil mag aaway pa kami kung 'di ko siya sundin. After that, naligo ako habang siya naman ay maghahanda raw ng pagkain. I don't know what happened to her day... I hope it went good.
I sighed deeply. Hindi ko na nabibigyan ng oras ang asawa ko, pero hindi siya galit sa 'kin. She still understand me even though wala na 'ko lagi rito sa bahay. I'm lucky to have a wife like her, a woman who can understand me. After talaga nitong kaso si Reed, mag f– focus na 'ko sa kaniya.
"Wala na 'kong oras mag luto." Sabi ni Ayi habang kumakain kami. "I mean, I just ordered these foods. And, uh..." Ngumuso ito, "I suddenly remember that b– birthday ng kapatid ko... if... if you're free bukas–"
"Sure." Pag putol ko agad habang kumakain kami. Tumango ako rito habang naka-ngiti. "Oo naman, what time? Free ako."
"B– but, it's also okay if you're not." She forced a smile. "Kaya ko naman mag-isa.."
"Sama 'ko. I also want to meet your parents so that I can ask you for marriage once more." I chuckled. "Right? But... okay lang din if ayaw mo pa– I mean– I just want to introduce myself as your husband." I straightened my lips.
Mukhang alanganin si Ayi sa mga sinabi ko kaya nilagyan ko na lang ng lusot. Wala raw sa Cavite ang kapatid niyang mag b–birthday, nasa bulacan daw at doon nag ta-trabaho, currently a college student daw at ina-asahan daw ng magulang niya.
"3 o'clock tomorrow." She said while eating. Humawak pa ito sa kamay ko. "Okay lang ba kay Ace at Basti? Baka magalit sila."
"My friends will understand." I answered before eating again. Kumain na rin siya. Nang matapos kaming kumain ay hinugasan ko na ang mga plato, siya naman ay nag aayos na ng kama na tutulugan namin.
Pag akyat ko sa kwarto ay naliligo na siya. I opened my laptop as I sit in front of my table. Chinat ko agad sila Ace na agad namang tumawag.
[Oh, okay! Wala pa namang warrant of arrest and sa susunod na araw pa ang trial ni Castien...] Sagot ni Ace. [Enjoy!]
[Ingats, lodi!] Sabat naman ni Basti na ikinatawa ko. [Kami na bahala sa kung ano ang dapat bahalain] natawa rin siya.
"Sige, tulog na kami." Pag papaalam ko sa mga kaybigan. "Goodluck to our day. Good evening, everybody." Then, I ended the call.
Sakto namang lumabas si Ayi sa c.r. nag blower siya ng buhok bago nag sketch ng kung ano, ginagawa niya 'yon pag gusto niyang antukin o kung may bumabagabag sa isip siya. Nang lumapit ako sa kaniya ay agad niyang pinakita sa 'kin ang gawa niya.
A two story building with 'T.M' logo on it. Maganda ang labas, wala pa ang loob dahil quick sketch lang daw 'yon.
"What's T.M?" I asked her.
"The Montecristo. Uh, it's a law firm building I want you to have..." She smiled sweetly. "So that you can remember me everytime you're going to enter that building." Humalik ito sa braso ko bago ngumuso sa 'kin, bahagya naman akong bumaba upang bigyan siya ng halik.
"Naa-alala naman kita lagi, ah?" Ngumiti ako rito. "You want me to have that?" Tumango siya. "Then we will have that. Mag iipon ako, pag iipunan ko 'yan..." Tumayo siya't yumakap sa 'kin. "Our law firm."
"Yours, Mahal. Law Firm mo." Pag tama niya pa, pero mali 'yon.
"Ang akin ay iyo rin. My achievement is your achievement too, you're my wife, lahat ng nakikita mo na mayroon ako... sa 'tin 'yon... kasabay kitang nangarap, kaya sa 'tin ang lahat" I smiled. Ngumiti lang din siya sa 'kin bago mahigpit sa yumakap.
"Sana ikaw pa rin ang makilala ko sa susunod kong buhay..." Bulong niya sa akin. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko ro'n dahil sa takot... takot ulit. "Hanapin mo 'ko, ha? Hahanapin din kita." Dagdag pa niya sa mga sinabi.
Hindi ko alam ang isasagot ko, hinagod ko ang likod niya bago paulit-ulit hinalikan ang ulo niya. She's opening that topic again, and I'm still not ready to face that. Kahit kaylan, hindi ko yata kaya i-handa ang sarili ko sa mga ganoong bagay. Her, leaving me, also means that my breath left away. Over acting na kung over acting, but if she's going to leave me... then I'd rather leave this world too.
"Kahit 'di mo 'yan sabihin, Mahal." Sagot ko rito habang inaayos ang sarili. "Gagawin ko 'yan, dahil ikaw lang ang gusto kong makasama ngayon... at sa mga susunod pa."
Nang antukin kami ay tabi kaming natulog. Nauna naman akong magising kaya ako na ang nag luto ng umagahan, hinanda ko na rin ang mga damit namin na susuotin mamaya sa birthday ng kapatid niya. Humanap ako ng damit na pareho kami o bagay sa isa't isa para tuwing may titingin sa 'ming dalawa ay agad papasok sa isip nilang ako ang lalaki sa buhay ni Ayi.
"You're so early..." Her morning voice told me. "8 am pa lang. Alas tres pa ang alis natin, 'di ba?" She pouted.
Ngumiti lang ako bago ipa-tikim sa kaniya ang luto kong almusal. Scrambled eggs with potato, nakita ko lang 'to sa Facebook kagabi, masarap din daw dahil sinubukan na ni Ace kasama si hon.
"Gusto mo 'to?" Tinuro ko 'yong bacon sa gilid, umiling naman siya. "Oh, okay"
"You won't force me?" She chuckled. Kumuha siya ng bacon at kinain 'yon. "Sometimes, kapag alam mo namang makaka-buti sa tao, ipilit mo."
"Forcing isn't my thing, Ayi. Kung ayaw nila, hindi ko naman sila pipilitin na gustuhin ang bagay na ina-alok ko." Paliwanag ko rito. "Alam ng tao ang mabuti sa kaniya, suporta lang ako."
Hindi na siya sumagot matapos 'yon, kumain na lang kami at nanood ng t.v. Laman na naman ng balita ni Cassian at ang pamangkin niyang kulang sa pansin. Natawa lang ako, wanted na rin si Reed. Makukulong na rin siya 'di kalaunan. Malapit na kami mag simula... malapit na sila sa katapusan nila.
"Magic..." She whispered. "Dati, ako ang ginigipit niya... ngayon... malapit na siyang makulong." Nanginginig pa ang boses nito. "He deserve that... lahat 'yan, kulang pa. I can..." Mariin siyang pumikit bago tumulo ang luha niya. "I will be your witness... I can.."
end
BINABASA MO ANG
THE MONTECRISTO (COMPLETED)
RomanceChad Montecristo, A law student sa Xavier University sa Cagayan De Oro City who wants a simple life. But because of his surname, he cannot have that. A Montecristo. Gusto lang niyang makamit ang hustiya for all the women that his brother and uncle...
