KABANATA 6

22 13 3
                                        

———

"Hindi ko masabi, basta."

Umiling si Ayi sa akin. Tinanong ko kasi kung kumusta ang klase niya, hindi niya masagot dahil mainit ang ulo niya.

"Leche talaga 'yang Antonio na 'yan, Chad!" She shouted in frustration, "Nakaka-inis!"

"Gusto mo ipa kick ko?" Offer ko rito pero tinanggihan niya, "Para 'di ka na inisin, ano?"

Mahina itong tumawa at hinampas ang braso ko. Lunch time niya na at ako naman ay katatapos lang ng first class.

"Sira ka talaga, masisira buhay no'n!" Natawa ito, "Pero, seryoso, Chad. Huwag mo 'yon gagawin, ha? I mean, galit ako sa hayop na 'yon, pero ang kinagagalitan ko ay hindi mo dapat kagalitan, unless may ginawa rin siyang masama sa 'yo."

Ngumuso ako, "May ginawa na siyang masama sa 'kin, ah?"

"Sige, ano?" Inangat niya ang kilay niya.

"Ginalit ka niya" mahina kong sagot dito, "Iyon na 'yon..."

Tumawa lang siya, bumalik na kami sa klase matapos kumain. Mukhang busy siya ngayon kaya hindi ko na kinulit nang maka uwi siya sa bahay. Nauna akong umuwi dahil may sakit daw ang teacher namin, kaya 'yon, maaga dismissal.

"Ayaw ko na mag engineering!" Reklamo nito habang binabasa ang notes niya, "Kapagod!"

I chuckled, "Tara, Pol Sci."

"Huwag mo 'kong ayain sa hukay, Chad." pag tataray nito.

Natawa naman ako, "Seryoso, Ayi. Gusto mo ba... lumipat tayo ng school?"

"Shut up, you're spoiling me so much!" Sumimangot ang mukha nito, "Hindi mo na 'ko ulit gagastusan—"

"Public school, syempre, Ayi." Pag putol ko. Kahit naman sabihin niyang huwag ko siya gastusan, hindi ko mapigilan dahil hindi ko matiis na makita siyang mahihirapan pa kung kaya ko naman tumulong, 'di ba?

Dahan-dahan itong tumango, "Uh, okay. Para 'di na rin ako makita nila Celeste. Nahihiya ako sa kanila..."

"Ako ang bahala sa 'yo" totoo, "Kahit saan pa tayo mapunta, ako ang bahala sa 'yo"

Ngumiti ito sa akin bago tumayo at lumapit sa akin, "I don't know what did I do to be lucky like this now. You're a blessing indeed, Chad."

Blessing daw, sabi ko na nga ba, gusto rin ako nito, eh!

"You're the angel" I smirked. "Hindi 'to bola, ha? Totoo 'to, kinikilig ka pa"

Kinurot ako nito sa tagiliran kaya natawa ako lalo, this woman knows how to make me laugh. Hindi ko makita ang bukas na wala siya, bakit ganito? Ngayon lang ako naka ramdam na para bang takot na takot akong mawalan ng mahal sa buhay, parang... parang hindi ko kaya na.

Ayi let me witness her suffering, may mga bagay siyang sinabi sa akin na hindi alam ng iba. Pinili niyang makasama ako kaysa makipag bati sa mga kaybigan niya. Sobrang laking bagay no'n para sa 'kin. Ibig sabihin noon ay unti unti na akong naka pasok sa buhay niya.

"Huwag mo nga 'kong titigan, tutunawin mo ba 'ko?" Reklamo nito habang nililigpit ang pinag kainan namin, "Crush na crush mo 'ko, ah?"

"Ganda mo naman kasi" saad ko rito habang naka ngiti, "Sobra, Ayi."

Ngiti lang ang sinagot nito sa 'kin. Hindi muna 'ko natulog dahil aasikasuhin ko ang mga school papers namin ni Ayi para lumipat na. Ayaw ko siyang itago sa mga kaybigan niya... pero kung gusto ni Ayi na lumayo muna, pag bibigyan ko naman siya.

[Copy, sabihan ko 'yung kaybigan ko tungkol sa inyo ng kaybigan mo.] Sagot ni Uncle Janus sa akin, [Political Science, third year, second year, dalawa, tama?] Nag oo naman ako, [Sige na, bukas na bukas din ay iba na ang papasukan niyong school, ipapa-deliver ko na lang ang uniforms na gagamitin, sendan mo ako ng picture niyong dalawa para sa i.d]

Nag send din naman ako agad matapos ang usapan namin na 'yon, si Ayi naman ay biglang tumabi sa akin at yumakap sa bewang ko.

Best part of the day. Kung ganito kami araw-araw kahit hindi pa kami, gugustuhin ko pa. Pero hindi ko maintindihan, ano kaya ang lugar ko sa kaniya? Ayaw ko naman tanungin dahil baka ma pressure siya. Siguro... hintayin ko na lang na sa kaniya na mismo mang galing–

"May sasabihin ako," bulong nito habang naka yakap sa 'kin, "One is good news and one is bad past..."

Kumunot ang noo ko dahil doon. Bad past? Ito na ba iyong ginagawa ni Reed sa kaniya? Kung ito 'yon, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kapatid ko. Baka ma- patay ko siya nang wala sa oras dahil sa sobrang galit ko sa kaniya. No one– after Reed's shit, hindi ko na hahayaang may gumago pa sa babaeng mahal ko.

"Bad past first," rekomemda ko rito na tinanguan naman niya, "Do you want water? Fresh ang mga—"

"Reed forced me to have sex with him." Madiin nitong saad na nakapag pahinto sa akin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa narinig. Agad akong tumayo at lalabas sana ng bahay pero inawat ako ni Ayi, gusto kong pumiglas, gusto kong suwayin ang gusto niya kahit ngayong gabi lang pero hindi ko magawa dahil... dahil narinig ko ang iyak niya.

"Huwag m– mo 'ko iwan, Chad" nautal pa ito, "P– pakiusap, oh. M– mahal din kita, iyon 'yong isa ko pang sasabihin... mahal kita, higit sa kung ano pa ang iniisip mo... kaya please, dito ka lang sa 'kin, h– huwag ka... huwag ka aalis"

Mariin akong pumikit bago sinubukang kumawala sa kaniya pero hindi ko kaya... kahit ako ay nanghihina lalo na nang sabihin niyang mahal niya rin ako.

"Ayi, kaylan pa nangyari 'yon?" Tanong ko rito, "Kaya ka ba naroon sa harap ng kwarto niya? Na gusot ang bistida at halos hindi maayos ang mukha, ha?"

Umiling ito, "Hindi, Chad. Bukod sa pag... bukod sa pag pilit niya sa akin noon... binebenta niya 'ko..."

Lalong nandilim ang paningin ko sa mga sinabi niyang 'yon. Para akong na blangko at nawala sa sarili dahil sa mga sinasabi pa niya. Gustong gusto kong malaman ang nakaraan niya pero hindi ko naman alam na ganito... na ganito para ka sakit ang lahat ng iyon.

"Ano pa?" Pag tatanong ko pa rito, "Lahat, Ayi. Lahat."

Hindi ko gustong pilitin siya. But in order to meet the justice for her, I need to know all the truth and nothing but the truth. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoong kapatid pa ang napunta sa akin, bakit si Reed? Puta, leche.

"Sa kwarto niya, may computers, cameras and more. D– doon, ihaharap niya k– kami..." Huminga itong malalim, "Camera... tao... t– tapos pera... pera ang kapalit no'n..."

Napa pikit na lang ako dahil sa mga sinasabi niya. Naka kuyom ang mga kamao ko at gusto kong saktan si Reed dahil sa mga nalalaman ko pero hindi ko kaya dahil... dahil ayaw kong iwan mag isa sa Ayi rito.

"Ginamit k– ko iyong pera, Chad. P– para sa kapatid ko na nasa... nasa ospital siya... ayaw ko siya mawala, ayaw ko" umiling iling ito habang umiiyak, "Hindi ko kaya... hindi ko kaya, Chad, ayaw ko"

Inilapag ko ang ulo niya sa dibdib ko at doon pinatahan habang pinakakalma ang sarili ko. Forget about my dreams for now, mas uunahin kong kamitin ang hustisya para kay Ayi bago simulang tuparin ang pangarap ko para sa sarili.

You'll see, Reed. I may not win for now, but one day, you're going to lose forever.



end

THE MONTECRISTO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon