———
'Ako ang ama ng batang 'yon'
"Chad, naka-uwi ka na pala!" Masiglang bati sa 'kin ni Ayi nang makita niya 'kong naka-upo sa sofa habang naka-tingin sa pinto kung saan sila galing.
Ilang taon, araw-araw, kasama ko siya. Gawa lang ba ni Reed ang mga salitang sinabi niya? O, may nangyaring ganoon talaga?
'Sana nga... sana nga anak ko talaga ang batang 'yan'
"Papa Chad!" Bati naman ni Eloise bago tuloy-tuloy na pumunta sa 'kin. Habang tinititigan ko siya, pumapalit sa mukha niya ang naka-ngiti na mukha ni Reed.
"O, Chad, hindi ka manlang ba hahalik sa anak mo?" Masaya ang boses na 'yon ni Ayi bago rin siya humalik sa noo ko.
Anak ko. Anak ko 'to. Anak 'to ng kapatid ni Ayi na dinala namin dito at inako dahil gumagamit ng droga ang mga magulang nito. Hindi 'to sa 'kin, kay Ayi, kay Reed, o kahit kanino. Ang batang 'to... ay walang dugo ng mga Montecristo. Madrigal ang dumadaloy sa kaniya, dugo ng kapatid ni Ayi. 'Yon, iyon ang tama.
"Investigate about that. Investigate about Ayi. Ace, ask Bryana, siya ang kasama ni Ayi noong halos dalawang taon kaming hindi nagka-sama dahil sa family problems daw niya" Utos ko sa mga kaybigan.
"Chad, okay ka lang ba? Ang lalim naman ng nasa isip mo?" Pag pansin muli sa 'kin ni Ayi habang nilalapag ang mga gamit nila.
Tumango ako. "Tulog muna 'ko, Ayi" Tipid kong sagot bago pumunta sa kwarto namin. I locked it.
I breathe heavily before think what Reed told me. Parang... hindi ko kayang huminga, I cannot breathe properly because of that. Paano naman niya nalaman ang tungkol kay Eloise? How... how did that happen?
Sa loob ng samahan namin ni Ayi, may mga taon na umaalis siya dahil sa problema raw ng pamilya. Pero... hindi naman ako nag-duda ro'n dahil alam ko namang pamilya talaga. Ang gulo. Apat o limang taon na si Eloise. Malapit na kami mag sampung taon ni Ayi. K– kung kay Reed 'to, posible bang nag kita sila limang taon na ang nakaka-lipas?
Did... did my wife cheated on me?
Hindi. Hindi totoo ang iniisip ko. That's all imposible! Her friends like me for her, they all accepted our relationship even though Cassian and Reed ruined three of them. Tanggap nila 'ko bilang Montecristo. Hindi, hindi ako lolokohin ni Ayi.
"No, no! Stop, Reed! Don't visit my mind!" Sigaw ko sa hangin ng kwarto namin. "Go! Fucking go! Alis... umalis ka sa isip ko!"
"Ang batang 'yon ay anak ko!"
"No!" Sigaw ko sa nasa isip. "Hindi! Sa akin 'yon, anak ko siya! Walang sa 'yo!" Umupo ako sa aming kama upang kumuha ng lakas dahil hindi ko maintindihan ang sarili.
Ano, Chad? Kaya mo pa bang tanggapin si Ayi kung anak nga nila ni Reed si Eloise?
Ano na ang nangyayari sa 'kin?
Bakit ganito na ako?
Ako pa ba 'to? Dapat pa ba ang lahat ng ito?
"Chad, open this door!" Dinig kong sigaw ni Ayi mula sa labas.
Hindi... hindi ko 'yon kayang buksan. Hindi... ayaw ko siyang harapin.
"Chad, ayos ka lang ba? What's happening?!" Dagdag ni Ayi, bakas ang pag a-alala sa boses niya. "Chad, Mahal... ano ang problema? Buksan mo 'to, sabihin mo sa 'kin lahat..." Her voice cracked. "Please?"
Umiling ako kahit hindi niya nakikita 'yon. Mabigat... sobrang bigat ng loob ko. Hindi ko pa alam kung tama ang lahat ng hinala ko pero... pero kung 'yon nga... hindi ko alam, ano na ang mangyayari sa 'kin?
What happened to you, Chad Anderson?
Ano na 'ko kung ganoon nga?
Paano na 'ko sasaya kung kay Reed nga?
"Leave me." Madiin kong sagot kay Ayi. "Umalis ka! Alis! Hindi kita... hindi kita kayang harapin ngayon..." Putol putol kong turan. "Hindi mo 'ko... h– hindi mo ako mahal"
Hindi ko na siya narinig matapos 'yon.
Umalis na siya.
Umalis talaga siya.
Dalawang araw, hindi ako lumabas sa kwartong 'yon. Dalawang araw, puro sama ng loob ang nasa sistema ko. Dalawang araw... hindi ko kinayang kumain. Dalawang araw... bago ko naalalang may buhay pa pala akong dapat balikan.
Naligo ako bago lumabas ng kwarto. Pag bukas ko pa lamang ay agad bumuhos ang mga luha ko. I am wrong.
Mali ako.
She's here.
Lumingon ako sa paligid at doon ko napansin na wala si Eloise.
Walang ingay.
Walang gulo.
Katahimikan.
Marahan kong tinapik ang braso ni Ayi, naka-higa siya sa sahig sa tapat ng kwarto naming dalawa. Matigas talaga ang ulo niya... ang sabi ko, bawal siyang lamigin.
"Ang tigas tigas ng ulo mo..." Bulong ko habang inaayos siya papunta sa kama.
Dahil doon, dumilat siya.
"Chad!" Parang gulat pa nitong saad. Agad niya 'kong niyakap at hinalikan sa mga labi panandalian. "Huwag... huwag mo na 'yon uulitin! Bakit ba? Ano? Ano ang problema? May dapat ba tayong ayusin?" Mahina at pumipiyok ang boses niya. "Natatakot ako, Chad..."
Ako rin naman, takot na takot din naman ako, natatakot ako na baka... kaya ganoon niya ka-mahal ang batang 'yon ay dahil siya talaga ang tunay nitong ina.
Kung mangyari 'yon, hindi ko na kayang i-kulong si Reed. H– hindi 'yon ang sabi sa batas pero 'yon... 'yon ang sinasabi ng isip ko. H– hindi ko kaya na may isang bata ang mawawalan ng ama dahil sa 'kin.
"T– totoo ba?" Labag sa loob kong tanong. Inayos ko ang upo ko bago malalim na huminga upang kahit papaano ay mawala ang sakit na nararamdaman ko. "Anak niyo ba 'yan n– ni Reed?" Tuloy tuloy kong turan kahit hindi ko naman 'yon gustong sabihin. I might offend her... but... it's for my own peace.
At least once, I need to think of myself too.
Umiling si Ayi, dahan-dahan. "No! No! Fuck! Hindi... No, my love. Paano... paano niya nasabi 'yon?" Gulong gulo ang boses niya bago dahan-dahan tumulo ang luha. "No! That's not true! I — I can't produce... and if I can, I only want kids from you, C– Chad, husband..." She cried while walking away from me.
Something... inside me rise up. It's hope. No, it's happiness. Hindi nawala 'yon kahit nakita kong umiiyak si Ayi. Bakit? B– bakit ganito?
She needs me... my wife needs me! Why can't I move? Bakit... bakit 'di ako maka-galaw? What's happening... to me?
"That's not true, Chad! Hindi 'yon totoo!" She shouted again, not looking at me.
"Then what's the truth, Ayi?" Walang buhay kong tanong kahit sa loob ko naman ay may nararamdaman ako, ano 'to? Bakit, bakit hindi ko ma-control ang sarili ko?
"She's not mine! She's not ours! She's... she's adopted... by me! Kukuhain ko siya, birthday ng kapatid ko... b– birthday... tapos may drugs... may drugs, Chad! Kinuha ko si Eloise... ayaw ko siyang ma-pahamak... g- gusto ko siya maging anak, Chad..." Tuloy tuloy niyang iyak sa harap ko. "Reed's lying! He is... kahit ipa-DNA mo pa, C— Chad I promise, he's not Reed's child!"
"Bakit ako maniniwala sa 'yo?" Tanong ko bago siya alalayan patayo.
"I am your wife..." She whispered.
end
BINABASA MO ANG
THE MONTECRISTO (COMPLETED)
RomanceChad Montecristo, A law student sa Xavier University sa Cagayan De Oro City who wants a simple life. But because of his surname, he cannot have that. A Montecristo. Gusto lang niyang makamit ang hustiya for all the women that his brother and uncle...
