#ThePlaygirlsTale
CHAPTER 62
ELLAINE GARCIA RICAFORT
Hindi na ako mapakali. Si baby Kamil ay pinaalaga ko na muna sa yaya dahil hindi na rin ako makapag-focus sa kanya dulot nang matinding pag-aalala ko para kay Harris.
Palagi na lamang sumasakit ang ulo niya at mas tumindi pa ang panghihina ng kanyang katawan. Pinipilit ko na nga siyang magpa-ospital na ngunit tanggi naman siya nang tanggi at minsan ay nagagalit pa dahil ang kulit-kulit ko raw. Hindi ko naman siya gustong kulitin, sobra lang din naman kasi akong nag-aalala para sa kanya.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko, may tinatago talaga siya sa akin na ayaw niyang malaman ko kaya ayaw niyang magpatingin sa doktor. Bakit ba kasi ayaw niyang sabihin sa akin? Dahil ba sa mag-aalala ako? Natural lang naman na mag-alala ako dahil asawa niya ako. Sa totoo lang, dahil sa ginagawa niya ay mas lalo lamang niya akong pinag-aalala.
Napahinga na lamang ako ng malalim. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama para hindi magising ang natutulog na si Harris.
Nakatitig lamang ako sa kanya. Namumutla siya lalo na ang labi niya. Namayat rin ang mukha niya at pansin na pansin ko iyon.
Kinagabihan ay gumising si Harris. Kailangan niyang kumain kaya inaya ko siya.
"Tara na at kumain na tayo, Hon."
Tumango-tango ng bahagya si Harris bilang sagot sa sinabi ko.
Inalalayan ko si Harris sa kanyang pagtayo ngunit isang hakbang pa lamang ang ginagawa niya ay natumba na siya at nawalan ng malay. Nanlalaki ang mga mata ko sa pagkasindak habang nakatingin sa kanya na nakahiga na sa sahig ng aming kwarto.
"Harris!!!" natataranta kong malakas na sigaw. Bigla na lamang tumulo ang luha ko.
Yinugyog ko siya nang yinugyog. Ginigising ko siya ngunit ayaw niyang magising.
"Harris!" patuloy ako sa pagyugyog sa kanya.
"Haris!!!" malakas na sigaw ko ulit. Sobra-sobra na ang pag-aalala ko para sa kanya.
---
Pabalik-balik ako ng lakad sa labas ng emergency room. Hindi ako mapakali sa sobrang pag-aaala. Nanginginig ang buo kong katawan.
Ano bang nangyayari kay Harris? Bakit siya nagkaganun? Naturingan niya akong asawa ngunit wala man lamang akong alam sa tunay na kalagayan niya.
"Maupo ka muna."
Huminto ako sa paglalakad at tiningnan si Andrei na nakatayo malapit lamang sa akin. Nakikita ko ang pag-aalala sa kanya.
Siya ang kasama ko sa pagdala kay Harris dito sa ospital. Wala na kasi akong ibang matawagan na pwedeng tumulong sa akin bukod sa kanya.
Umiling-iling ako. "H-hindi ko na alam ang gagawin ko," nanghihinang sambit ko.
Hindi nagsalita si Andrei at nanatili lamang mataman na nakatingin sa akin.
Tila ang bagal ng paglipas ng oras. Gusto ko na nga itong hilahin para malaman ko na kung nasa maayos na bang kalagayan ang asawa ko.
Lumipas pa ang hindi ko nabilang na oras. Mabilis akong napatingin sa pintuan ng emergency room dahil narinig kong nagbukas iyon. Kaagad kong nilapitan ang doktor.
"Doc, kumusta na ho ang asawa ko? Ligtas ho ba siya?" sunod-sunod kong tanong.
Tiningnan ako ng doktor. Ningitian niya ako ng maliit. "Sa opisina tayo mag-usap," mahinang saad niya sa'kin.
Napatango-tango na lamang ako. Tiningnan ko si Andrei, bahagya ko siyang ningitian at tinanguan lang niya ako.
Sumunod na ako sa doktor na nauna na sa akin papunta sa opisina niya.
---
Hindi ako makapaniwala.
Hindi maaari.
Napailing-iling ako ng mariin. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng masaganang luha mula sa aking mga mata.
"H-hindi 'yun totoo... h-hindi... hindi 'yun totoo!"
Hindi pwede! Hindi siya pwedeng mawala sa amin!
"I'm sorry Mrs. Ricafort but your husband is having a stage four brain tumor. Nalaman namin na umiinom pa siya ng mga gamot and he's undergoing treatments kaya kahit papaano ay nakakaya niya 'yung sakit but now, hindi na nagrerespond ang katawan niya sa mga ito."
"Pero Doc, malakas pa siya nun. Saka maingat naman siya sa kanyang katawan. Paano nangyari iyon? Wala na bang ibang paraan para gumaling siya?"
"Pwede siyang gamutin via chemo theraphy and other medications ngunit dahil kalat na kalat na ang cancer cells sa kanyang utak, there's no guarantee that he will survive."
Napailing-iling na lamang ako. Hindi ko matanggap. Bakit sa kanya pa ito nangyayari?
Iniisip ko ngayon, paano ang mga anak namin? Ang babata pa nila para mawalan ng ama.
At ako, paano naman ako? Mahal na mahal ko siya tapos malalaman kong maaaring iwan na pala niya ako.
Huminto ako sa paglalakad. Namalayan ko na lamang na nasa harapan ko na si Andrei. Nakatingin siya sa akin na puno ng pag-aalala.
Lalo akong napaiyak. Bigla ko siyang niyakap dahil pakiramdam ko, mawawalan na ako ng lakas para tumayong mag-isa.
Umiyak ako nang umiyak sa dibdib ni Andrei at hinayaan lamang niya ako. Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa aking likod para siguro mapagaan ang pakiramdam ko.
Pero hindi nun mapapagaan ang pakiramdam ko... lalo na kung alam kong anytime soon, mawawala na si Harris sa amin.
"Hindi siya pwedeng mawala... hindi pwede," parang batang sambit ko ng paulit-ulit.
Pakiramdam ko, hindi ko makakayang mawala si Harris. Pakiramdam ko, tuluyang guguho ang mundo ko sa oras na iwan na niya kami.
Bakit, Harris? Bakit mo inilihim ito sa akin? Bakit? Bakit? Bakit?!
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FIN
Teen FictionEven a kind-hearted girl can be the best b*tch in town. (C) 2024 ALL RIGHTS RESERVE 2024