CHAPTER 13

15 2 0
                                    


#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 13

CARIEDEE ANDERSEN

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Matutuwa dahil buntis ako at siguradong si Chris ang ama o hindi kasi magulong mundo na ang dadatnan ng bata sa oras na isilang ko na siya.

Nagbuntong-hininga ako ng malalim. Sa totoo lang, naguguluhan at nag-aalala ako ngayon sa kung anong mga gagawin ko. Siguradong madi-disappoint ang pamilya ko sa oras na malaman nila ito.

Hay! Hindi ko pa confirmed kung buntis ako dahil hindi pa ako nagte-test pero sa totoo lang ay iyon ang pakiramdam ko kaya mas lalo akong nag-aalala.

Nasa loob ako ngayon ng kwarto ko dito sa bahay. Dito ako dumiretso sa halip na sa condo unit ko.

Habang nakaupo ako sa gilid ng kama ay tinitingnan ko ang hawak kong pregnancy test kit na nabili ko sa drug store bago umuwi. Nagpasya na akong umuwi kahit hindi pa tapos ang field trip. Nagpaalam na lang ako na aalis na dahil masama ang pakiramdam ko.

Huminga ulit ako ng malalim. Kailangan kong malaman kung ano ba ang tunay na dahilan ng mga kakaibang nangyayari sa akin kaya dapat akong mag-test.

Lumipas ang halos isang oras na nakaupo lang ako bago nagpasyang tumayo na at pumunta sa banyo dito sa loob ng aking kwarto. Sa pagpasok ko sa malaking banyo ay isinara at ni-lock ko ang pintuan.

Muli kong tiningnan ang pregnancy test kit. Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Puno ng kaba ang dibdib ko. Para akong bibitayin sa oras na malaman ko na ang resulta na lalabas sa pregnancy test.

Huminga ako ng malalim. Binasa ko ang instruction kung paano gamitin ang pregnancy test kit at sinunod ito.

Natapos ko ng gamitin ang pregnancy test kit at ngayon ay nakaupo lang ako sa toilet bowl at hinihintay ang magiging resulta. Napatingala ako. Ipinikit ko ang aking mga mata.

Habang tumatagal, mas lalong dumadagundong sa kaba ang dibdib ko. Habang tumatagal, mas lalo akong nag-aalala.

'Ano kayang magiging resulta? Mali lang ba ako ng hinala?'

Napabuga ako ng aking hininga. Kailangan kong maging kalmado ngunit hindi ko naman magawa.

Nagtatalo ang magkabilang side ng utak ko. ang isa ay sinasabing sana positive para magbunga ang ginawa nila ni Chris at baka ito na ang maging dahilan ng pagkakabalikan naming dalawa at maging isang masayang pamilya na kami at ang kabilang side naman ay nagsasabing negative sana para wala ng maging problema.

Problema nga ba talaga ito?

Lumipas ang halos trenta minutos. Nasa loob lang ng kanang kamay kong nakasara ang maliit at hugis kwadrado na pregnancy test. Tiningnan ko ang bagay na iyon. Mas lalo akong kinabahan.

Lumipas pa ang ilang minuto. Tila timer ang bawat paglipas ng mga segundo. Hanggang sa maisipan ko nang tingnan kung ano ang resulta.

At ang resulta...

MISIS CARMELA ANDERSEN

Kakagaling ko lang sa eskwelahan at nandito na ako sa bahay. Nalaman ko mula kay manang na umuwi si Carie kaya labis akong natuwa. Matagal-tagal na rin kasi ng huli siyang umuwi rito.

Kaagad akong umakyat at tinungo ang kwarto ni Carie. Na-excite akong makita siya. Alam ko na malaki ang ipinagbago ni Carie simula nang maghiwalay sila ni Chris na napalapit rin naman sa akin. Walang sinabi sa amin si Carie sa dahilan kung bakit sila nag-break pero sa tingin ko ay malalim ang dahilang iyon, kasing-lalim ng pagbabago ng anak ko. Sa nakikita ko nga, hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya ng dahil dun.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon