CHAPTER 38

5 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 38

ANDREI FELIX HIDALGO

Pagkatapos ng salo-salo ay sa bagong bahay na binili ko para sa amin ni Carie kami dumiretso. Buhat-buhat ko siya pangkasal habang papasok kami at tuwang-tuwa naman siya.

Pumunta kami sa kwarto. Siya ang nagbukas ng pintuan at ako naman ang nagsara nito sa pamamagitan nang pagsipa. Dinala ko siya sa kama at iniupo doon. Napangiti siya sa akin na sinuklian ko rin ng ngiti.

Napakaganda talaga niya. Napakaswerte ko kasi naging akin siya.

"Maliligo lang ako, hubby," nangingiting wika ni Carie habang mataman niya akong tinitingnan.

Tumango-tango naman ako.

"Hindi ka ba sasabay?" tanong niya sa nang-aakit na boses.

Kinabahan na naman ako bigla. Napalunok ako ng sunod-sunod. Sa reception pa lang, inaakit na niya ako.

Natawa naman si Carie. Palagi na lang niya akong tinatawanan.

"Maligo ka na rin. Alam kong naiinitan ka na rin diyan sa suot mo," saad niya saka pinasadahan pa ng tingin ang katawan ko.

"Ah... eh... pagkatapos mo na lang," nauutal na saad ko saka umiwas nang tingin sa kanya at kung saan-saan dumako ang tingin ko. Hay! Bigla na namang uminit!

Narinig kong natawa na naman si Carie. "Sige na nga," aniya.

Tiningnan ko siya. Tumayo si Caries aka nilapitan ako.

"Pero kung sakaling gusto mo ng maligo, bukas ang pinto at welcome kang pumasok," mapang-akit na bulong niya sa kanang tenga ko.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Sh*t! Napapamura na lang ako sa ginagawang pang-aakit ni Carie sa'kin.

Napangiti naman si Carie. Tinalikuran niya ako.

"Pwede bang pakibaba 'yung zipper nung gown? Hindi ko kasi maabot dahil nasa likod ko," pakiusap niya.

Hala!

Napatingin ako doon. Sa likod ng suot na gown ni Carie, may zipper na mahaba.

"Bilisan mo na ang pagbaba niyan, hubby," nagmamadaling utos ni Carie na halatang naiinip na.

"Okay-okay," wika ko na lang na may kasama pang pagtango-tango.

Huminga muna ako ng malalim. Sa totoo lang, mas lalo akong naiinitan kahit malamig naman ang kwarto dahil nakabukas na ang aircon.

Tiningnan ko ang likod ni Carie. Napalunok ako.

"Hubby," pagtawag niya muli sa akin sa malambing na tono.

Nanginginig ang kanang kamay ko na hinawakan ang pinakataas kung saan nandoon ang hawakan ng zipper. Muli akong huminga nang malalim hanggang sa dahan-dahan ko iyong ibinaba.

Sa dahan-dahan kong pagbaba ng zipper ay unti-unti ko ring nakita ang makinis niyang likod at ang garter ng suot niyang bra na kulay maroon. Sh*t! Hay! Napapamura na naman ako.

"Okay na?" tanong ni Carie.

"Oo," sagot ko sa mababang boses. Tuluyan ko nang naibaba ang zipper at kitang-kita ko ang sexy back niya.

"Thanks!" pasasalamat ni Carie saka humarap siya sa akin.

Nakatingin lamang ako kay Carie. Nakangiti naman siya sa akin.

Hanggang sa manlaki na lamang ang mga mata ko dahil dahan-dahan niyang hinubad ang wedding gown at bumagsak iyon sa sahig.

"Carie!" sigaw ko sabay takip sa aking mga mata gamit ang dalawa kong kamay.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon