#ThePlaygirlsTale
CHAPTER 65
ELLAINE GARCIA RICAFORT
Magmula ng mawala si Harris ay napuno ng kalungkutan hindi lamang ang puso ko kundi pati na rin ang bahay. Sobrang sakit para sa akin at sa mga anak ko ang nangyari ngunit wala naman akong magawa para kaagad iyong maibsan.
Araw-araw, ginagawa ko na lamang abala ang sarili ko sa trabaho, sa pag-aalaga sa aking mga anak at sa mga pwedeng gawin sa bahay. Gusto kong kahit papaano ay makalimot sa sa sakit at kalungkutan. Ang mga anak ko, namimiss na nila ang daddy nila. Gusto nila na muli itong makasama.
Humugot ako ng malalim na hininga. Muli kong tiningnan ang mga papel na hawak ko. Binuga ko ang hininga na hinugot ko.
"Potassium Chloride ang naging sanhi ng cardiac arrest niya na naging dahilan ng pagkamatay niya. Sa aming pakiwari, may nag-inject nito sa dextrose na nakatusok naman sa kanya."
Naalala ko ang sinabi sa akin ng pulis na kinausap ko. Pina-imbestigahan ko ang pagkamatay ni Harris. Ang lakas kasi ng pakiramdam ko na may mali sa biglaan niyang pagkawala. Oo, may sakit siya kaya nga magpapagamot na siya at kahit na hindi man siya gumaling sa gamutan, at least kahit papaano ay mapapatagal pa nito ang buhay niya ngunit nakakapagtaka lang na sa isang iglap, bigla siyang mawawala.
Hinahanap na rin 'yung nurse na huling tumingin kay Harris nu'ng mga oras na bago siya nawala. Malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman siya ngunit kahit ang ospital ay blangko sa pagkakakilanlan nito. Napakalinis niyang magtrabaho dahil ultimo mga CCTV ay hindi man lang siya nakuhanan kaya wala pa ring lead kung sino siya. Ang nurse on duty na nakatoka sa asawa ko ay may ibang pasyente naman na inaasikaso nu'ng mga oras na iyon at may patunay at witness siya kaya naman lalong lumaki ang paghihinala kong may mali sa nangyari. Sa tingin ko nga, tagalabas ang may gawa nito kay Harris.
Pero sino kaya? Wala naman akong kilala na may galit sa kanya.
Huminga na lang ako ng malalim. Hindi ako susuko. Kailangan kong malaman ang katotohanan sa totoong nangyari kay Harris. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung ano ang totoo.
---
"Nandito ka ulit," wika ko kay Andrei. Nasa sala kami ngayon. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang sa single sofa naman ako nakaupo.
Ningitian ako ni Andrei. Bahagya rin siyang tumango-tango. "Kailangan kitang puntahan ng madalas para hindi ako masyadong nag-aalala," sabi niya.
Napangiti na lamang ako ng tipid. "Salamat," saad ko. "Pero hindi mo naman kailangan gawin iyon. Okay na ako at ang mga anak ko," dagdag ko pa.
Malaki ang pasasalamat ko na laging nasa tabi ko si Andrei at handang dumamay lalo na sa mga panahong kailangan na kailangan ko pero may pag-aalinlangan rin ako lalo na at may asawa siyang tao. Baka mamaya, isipin na naman ng asawa niya na may relasyon kami ni Andrei.
"Wala iyon," aniya ni Andrei. "Hindi naman kita pwedeng pabayaan," dugtong pa nito.
Napangiti na lamang ako ng maliit sa sinabi ni Andrei.
ANDREI FELIX HIDALGO
Magmula ng mawala si Harris ay lagi na akong umaaligid kay Ellaine at dinadamayan siya. Masyado kasi akong nag-aalala sa kanya at baka kung anong gawin niyang masama lalo na at alam ko na hanggang ngayon ay sobra pa rin ang kalungkutang nararamdaman niya dahil sa pagpanaw ng kanyang asawa.
Naramdaman ko na lamang na nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong slacks. Hindi ko na lamang 'yun pinansin dahil alam ko naman na si Carie lang iyon. Lately, mas tumindi ang pag-aaway naming dalawa at mas pinipili ko na lang na lumayo sa kanya para hindi na kami masyadong magkagulo pa.
Tiningnan ko si Careen at Raikku na kalaro ko ngayon dito sa sala nila. Napapangiti ako habang nakatingin sa kanila. Nakakatuwa silang pagmasdan.
Pero ang isa sa gumugulo na naman sa akin ngayon ay ang pagkakahawig nila sa akin, lalo na ni Raikku. Ewan ko ba pero simula nu'ng makita ko sila noon, nakikita ko ang mukha ko sa kanila at may nararamdaman din akong kakaiba na hindi ko maintindihan.
Posible bang kamukha nila ako gayong si Harris ang ama nila? Siguro nga kasi lahat naman ng meron sa mundo, posibleng mangyari.
"Kumain na muna kayo."
Dumating si Ellaine galing sa kusina. Dahan-dahan niyang inilapag sa mesa ang tray na naglalaman ng isang plato ng cookies saka tatlong baso ng orange juice.
"Wow!" tuwang-tuwa na magkasabay na saad ng kambal na nag-unahang kumuha ng cookies saka kumain.
Napangiti na lamang ako sa kanila. Ang cute.
"Ikaw? Kumain ka na din," alok sa akin ni Ellaine nang tingnan niya ako.
Tiningnan ko siya. Mas lalo akong napangiti. "Salamat," pasasalamat ko.
Lumapit ako sa mababang mesa at sinaluhan ang kambal sa pagkain. Si Ellaine naman ay nakatingin lamang sa amin habang nakasilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi.
"Kumain ka rin kaya," pag-aaya ko kay Ellaine. "Ikaw ang naghanda nito kaya dapat kumain ka rin," dagdag ko pang sabi.
Napangiti naman si Ellaine sa sinabi ko. Tumango-tango siya saka lumapit siya sa amin. Nag-indian sit siya sa tabi ng kambal at kaharap ko naman. Kumain na rin siya ng inihanda niyang miryenda.
Napapangiti ako. Ang saya-saya ng pakiramdam ko ngayon. Sobrang saya na tipong sana hindi na lang ito tumigil pa.
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FIN
Novela JuvenilEven a kind-hearted girl can be the best b*tch in town. (C) 2024 ALL RIGHTS RESERVE 2024