CHAPTER 12

13 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 12

CARIEDEE ANDERSEN'S POINT OF VIEW:

Dumating ang araw ng pagpunta namin sa flower farm ng Star Prime Academy dito sa Tagaytay. Dito gaganapin ang aming field trip. Mamamasyal kami dito at the same time ay kakalap nang ilalagay namin sa report bilang bahagi ng final project namin.

Nililibot ko nang tingin ang buong paligid habang mabagal akong naglalakad. Humahalimuyak ang bango ng mga bulaklak sa paligid at napakagandang tingnan ng mga ito. Saktong-sakto pa na maaliwalas ang panahon ngayon kaya mas lalong magandang mamasyal.

"Sweet heart, tara doon tayo," pag-aaya sa akin ni Vincent na siyang kasama ko.

Si Vincent ang boyfriend ko ngayon dahil matagal na kaming break ni Johan na ewan ko kung ano na ang lagay ngayon. After break-up ay wala na akong pakiealam pa sa mga ex ko.

Tiningnan ko si Vincent. Ningitian ko lang siya ng maliit saka muling tumingin sa paligid.

Nagpunta kami ni Vincent sa lugar na tinuro niya. Nasa gitna na kami ngayon ng mga bulaklak. Hay! Ang ganda rito infairness.

Napangiti ako dahil nakapukaw sa aking atensyon ang mga madidilaw na sunflower. Hinawakan ko ang mga iyon at mas lalo akong napangiti.

"Ang ganda rito, sweet heart," natutuwang pagpuri ni Vincent.

Tumingin ulit ako sa kanya saka tumango-tango. Sang-ayon ako sa sinabi niya.

Oo nga pala, this past few days ay mga napapansin akong kakaiba sa pakiramdam ko. Bumibigat ang aking pakiramdam sa hindi ko malamang kadahilanan. Mabuti na nga lamang ngayon at hindi ito masyadong umaatake. Ewan ko ba, baka may sakit na ako ng hindi ko alam o sadyang napagod lang ang katawang lupa ko dahil sa kung ano-anong ginagawa ko.

Naglibot-libot pa kami dito sa loob. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita ko na naman sila Chris at Eugena na sweet sa isa't-isa. Hay! Pwede bang kahit isang oras lang ay hindi magtagpo ang mga landas naming tatlo? Sa tingin ko naman ay hindi naman ganoon kaliit ang mundo para palagi kaming magtagpo. Kainis!

Anyway, sa nakikita ko sa kanilang dalawa ay hindi ko maiwasang isipin na totoo ang sinabi noon sa akin ni Chris na hindi na niya ako mahal. Ouch naman iyon sa akin.

Pero dahil sa may nangyari sa aming dalawa at naramdaman ko na mahal pa rin niya ako kaya may bahagi sa akin na umaasa pa. Oo na, tanga na kung tanga ako. Ganoon naman talaga kapag nahulog sa patibong ng pag-ibig, lahat nagiging tanga at hindi naman ako exempted.

Tumingin na lamang ako sa ibang direksyon. Natawa ako kasi nakita ko naman si nerd.

Magpapaalam sana ako kay Vincent para puntahan si nerd pero doon ko napansin na wala na pala siya sa tabi ko. Nilibot ko nang tingin ang paligid at ayun, nakita ko siyang kasama na ang mga kaibigan niya. Hindi man lang nagpaalam ang lalaking ito. Kaloka siya!

Napailing-iling na lamang ako at muli kong tiningnan si nerd. Napangiti ako saka naglakad patungo sa kanya.

Natawa ako sa nakitang reaksyon ni Andrei nang makita ako. Gulat na gulat ang mokong. Nakakagulat ba ang beauty ko para maging ganyan ang reaksyon niya? Kunsabagay, sobrang ganda ko rin naman kasi.

"C-Carie..." nauutal na sambit ni Andrei. Hala! Kinakabahan ba siya?

Nag-smirk na lang ako. "Hi, handsome," bati ko sa kanya using my seductive voice.

Ngumiti si Andrei nang tipid saka mabilis na umiwas nang tingin sa akin. Napapansin ko lagi sa kanya na hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"Long time, no see," sabi ko sa kanya.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon