#ThePlaygirlsTale
CHAPTER 28
CARIEDEE ANDERSEN
Ang bilis talaga lumipas ng panahon kapag masaya ka. Parang kisap-mata lamang na dumaan ang ilang linggo simula ng maging in a relationship kami ni Andrei.
I treasure every moment with him. Our random dates and the planned one. Lahat ng iyon naging masaya at nakatatak sa utak at puso ko.
Anyway, kalat na kalat na sa Star Prime Academy ang relasyon naming dalawa. May mga natutuwa pero siyempre hindi mawawala ang mga inggitera. Kunsabagay, hindi naman talaga mawawala ang mga iyon. Kung sa teleserye nga, boring kung bida lang at walang kontrabida. Sabi nga, kung may positive, kailangan may negative pa rin para maging exciting ang life.
Siyempre, naikwekwento ko rin kay Eugena 'yung mga kilig moments namin ni Andrei at ang loka-loka, kilig na kilig. Hay! Nakakatuwa lang na maayos na ang lahat sa amin at para na rin kaming bumalik sa dati. Kunsabagay, parehas na kaming mature at hindi na batang-isip. Talaga ba? Hahahaha!
Hindi ko lang maiwasang isipin iyong best friend ni Andrei na si Angelique. This past few weeks kasi ay missing in action siya. As in hindi ko siya nakikitang lumiligid kay Andrei. Natutuwa naman ako na alam niya ang lugar niya pero siyempre hindi ko pa rin maiwasang magtaka.
Oo nga pala, naglalakad ako ngayon sa hallway dahil pupuntahan ko si Mommy. Habang naglalakad ako ay kumunot ang noo ko dahil makakasalubong ko si... sino nga ba ito? Ahhh! Si Kristoff. 'Yung ex-fling ko.
Huminto ako sa paglalakad dahil talaga palang sadya niya ako. Huminto siya sa harapan ko saka ngumiti. Hindi ko maitatanggi na gwapo pa rin siya hanggang ngayon pero mas lamang si Andrei siyempre.
"Hi Carie," nangingiting pagbati niya sa akin. "Or should I call you, Professor Carie," dugtong pa niya saka mas lalong ngumiti.
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Hindi na ako professor ngayon," sabi ko. "Kristoff, right?" tanong ko pa.
Tumango-tango nang mabilis si Kristoff. "How are you?" tanong niya. "Ang tagal mo ring nawala. Ilang years din," dugtong pa niya.
Napangiti naman ako. "I'm happy naman," sagot ko. "How about you?" tanong ko pa.
"I'm fine," sagot ni Kristoff. "Anyway, congratulations nga pala," aniya pa.
Mas lalo akong napangiti. Mukhang nakarating na rin pala sa kanya ang balita.
"Salamat," nangingiting sambit ko.
"Nanghihinayang tuloy ako," wika ni Kristoff. May panghihinayang nga sa boses niya.
Kumunot naman ang noo ko. "Nanghihinayang ka because?" nagtataka kong tanong.
Ningitian ako ng tipid ni Kristoff. "Kasi basta-basta na lang kitang pinakawalan nang umayaw ka na," sabi niya na ikinagulat ko. "Dapat pala ipinaglaban pa kita kahit na ayaw mo na," dugtong pa niya. "Nagsisisi tuloy ako," aniya pa.
Mahina akong natawa. "Ikaw talaga," sabi ko saka pinilit ko pang tumawa.
Sumeryoso ang mukha ni Kristoff. Tinitigan niya ako na medyo ikinakaba ko naman. "I'm still in love with you Carie," seryosong sambit niya.
"Kristoff," wala akong maapuhap na sasabihin sa kanya. Ano nga ba ang dapat kong sabihin. Matagal nang lumipas ang sa amin at wala na akong balak na balikan ang nakalipas na iyon.
Nagulat na lamang ako ng mas lalong lumapit si Kristoff kaya otomatikong napaatras ako.
"Kristoff."
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FIN
Novela JuvenilEven a kind-hearted girl can be the best b*tch in town. (C) 2024 ALL RIGHTS RESERVE 2024