CHAPTER 35

6 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 35

ANDREI FELIX HIDALGO

Magaling na ako at nakalabas na rin ako ng ospital. Thanks to Carie na talagang inalagaan ako mula sa umpisa hanggang sa maghilom ang mga sugat ko.

Napakasaya ko kasi maayos na kaming muli ni Carie at nagkakasama na. Nagkausap na kami nang masinsinan at ngayon ay iniintindi namin ang bawat isa.

Purong tiwala, bukod sa pagmamahal, dapat may purong tiwala rin para magtagal ang isang relasyon. 'Yan ang natutunan naming pareho ni Carie matapos ang mga nangyari.

Masaya rin ako dahil nabalitaan kong buntis si Eugena. Magkakaroon na rin ng kapatid si Cardee na alam kong pinakamasaya ngayon. Ang hirap din kayang maging only child kasi naranasan ko iyon.

"Bakit ka nangingiti diyan?" tanong sa akin ni Carie na katabi ko. Nasa loob kami ngayon ng isang bagon ng ferris wheel na kasalukuyang mabagal na umiikot.

Yes, nagde-date kaming dalawa dito sa amusement park.

Tiningnan ko si Carie. Mas lalo akong napangiti.

"Masaya lang kasi ako. Sobrang saya ko."

Napangiti si Carie sa naging sagot ko. Hay! Sobrang ganda ng girlfriend ko.

Inayos niya ang pagkakasuot ng salamin ko sa mata. Pamaya-maya ay niyakap niya ang braso ko at sinandal ang ulo niya. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Grabe! Ang ganda ng view dahil sa mga makukulay na ilaw sa ibaba.

"Sana hindi na matapos ito," mahinang wika ni Carie na ikinatingin ko ulit sa kanya.

"Ang alin? Itong pag-ikot ng ferris wheel?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Natawa si Carie. Nakakatawa ba ang sinabi ko?

"Sira! Siyempre 'yung kaligayahan nating dalawa," natatawang sambit ni Carie.

Napaisip ako. Maya-maya ay tumawa din ako. Kumamot din ako sa likod ng aking ulo.

"I'm just joking," sabi ko pero ang totoo, nawala talaga ako at para hindi niya mahalata, kunwari ay nagjo-joke lang ako. Hahaha! "Pero ito hindi joke, hindi matatapos ang kaligayahan natin kung hindi tayo maghihiwalay," pagpapatuloy ko pa. "Hangga't umiikot ang mundo natin sa isa't-isa, magiging masaya lang tayong dalawa," wika ko pa.

"Sa tingin mo ba maghihiwalay pa tayo?" pagtatanong pa ni Carie.

Umiling-iling naman ako. Siguradong-sigurado ako na hindi.

"Hindi ako papayag," sabi ko. "Kahit kamatayan, hindi tayo mapaghihiwalay," dagdag ko pa.

Napangiti si Carie sa sinabi ko. "Ako din hindi papayag," aniya.

Napangiti naman ulit ako.

Hinalikan ko si Carie sa tuktok ng ulo niya.

"Uy! Fireworks!" pasigaw na bulalas ni Carie na nakatingin na ngayon sa labas ng bintana.

Napatingin din ako sa bintana. Napangiti ako sa pagkamangha. "Wow!" Ang ganda ng fireworks. Nagliwanag ang buong kalangitan dahil sa makukulay na fireworks.

Humigpit ang pagkakayakap ni Carie sa braso ko habang sabay naming pinapanuod ang fireworks display.

Maya-maya ay tiningnan ko muli si Carie. Lumaki ang ngiti ng labi ko. "I love you," bulong ko sa kanya.

Tiningnan naman ako ni Carie. Ngumiti siya sa akin. "I love you too," sinserong wika niya.

"I love you more," malambing kong dugtong.

"I love you more and more," naglalambing na wika ni Carie.

"I love you more and more and more," nangingiting sambit ko.

"I love you forevermore."

Napangiti ako at ganun din siya.

Hay! Sinong mag-aakala na hahantong kami ni Carie sa ganito? Ang akala kong bituin na hindi ko maabot-abot noon, ngayon ay hawak ko na.

Natapos ang fireworks display kasabay nun ay ang paghinto na rin ng ferris wheel sa pag-ikot.

"Bakit ganun? Parang ang bilis ng ferris wheel umikot?" pagtatanong ni Carie.

Napangiti ako.

"Oo nga," pagsang-ayon ko kay Carie. "Gusto mo ba sakay ulit tayo?" nangingiting tanong ko pa.

Tinawanan ako ni Carie. "Hindi na. Nagugutom na rin kasi ako," aniya.

Ningitian ko si Carie. "Sige at kumain na muna tayo tapos sakay pa tayo ulit sa ferris wheel saka sa iba pang mga rides," sabi ko sa kanya.

Napangiti si Carie sa sinabi ko. Sabay na kaming tumayo ni Carie saka lumabas ng bagon.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ko. May mga fast-food resto naman dito sa loob ng amusement park.

"Doon na lang," sagot niya saka itinuro niya ang isang fast-food resto na may bubuyog na mascot sa harapan.

Napangiti ako. Gusto ko rin doon kasi bumabalik ako sa pagkabata.

"Edi tara na!" pasigaw na pag-aaya ko.

Muling niyakap ni Carie ang braso ko at sabay na kaming naglakad papunta sa fast-food resto na kakainan namin.

Hay! Ang saya lang ng ganito at gaya ng gusto naming dalawa ni Carie, sana hindi na ito matapos pa.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon