CHAPTER 6

17 3 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 6

ANDREI FELIX HIDALGO

Matapos akong iwan ni Carie sa garden ay ilang minuto pa akong nanatili doon bago nagpasyang umalis para pumasok sa klase.

Sa totoo lang, marami pa akong gustong malaman tungkol kay Carie at sa mga nangyari sa buhay niya kaya nagpasya akong alamin iyon. Wow naman! Maga-ala detective ako nito.

Papasok na ako sa classroom nang makita ko muli si Cariedee na may kasama na namang ibang lalaki. Sa totoo lang, may bahagi sa akin na naiinis sa mga nakakasama niya. Sa tingin ko kasi parang hindi gagawa ang mga iyon ng maganda kay Carie.

Teka nga lang, nagseselos ba ako? Agad-agad? Napailing-iling ako. Ewan!

Iyon na nga, nakatingin lamang ako sa dalawang naghaharutan habang naglalakad sa hallway. Napabuga na lamang ako ng hininga saka umiwas nang tingin sa kanila. Hindi ko na lang sila papansinin.

Tuluyan na akong pumasok sa classroom at pumunta sa upuan ko saka naupo. Pamaya-maya ay pumasok na rin ang dalawa. Kaklase din pala namin iyong bago niyang lalaki. Tsk!

Umupo na sila Carie at 'yung lalaki naming kaklase na kasama niya sa kanilang mga upuan malapit sa inuupuan ko.

Hindi ko naman maiwasan na habaan ang tenga ko para marinig ko ang pinag-uusapan nila. Oy! Hindi ako tsismoso, medyo lang. Hehehe!

"Babe, tuloy ba tayo mamayang gabi?" narinig kong tanong ng lalaki na kasama ni Carie.

"Oo naman, tuloy na tuloy iyon," pagsagot naman ni Carie sa tono ng kalandian. Hay! Hindi na siya nagtanda doon sa pagkalat ng scandal niya.

Pero curious ako, ano kayang gagawin nila mamayang gabi?

"Gawin mo rin sa akin 'yung ginawa mo kay James," pakiusap ng lalaki.

"Gusto mo rin bang videohan?" nakakalokong tanong ni Carie.

"Hindi! Gusto ko tayo lang ang makakaalam sa gagawin natin mamaya," nasasabik na wika ng lalaki na hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Narinig ko ang malanding tawa ni Carie.

Hay! Hindi ko na kailangang alamin pa kung ano ang mangyayari sa kanila mamayang gabi kasi mukhang tama na ang nasa utak ko. Hindi ba natatakot si Carie sa mga consequences ng actions niya? Napailing-iling na lamang ako.

Pamaya-maya ay natigil ang pakikinig ko sa kanila dahil pumasok na ang professor sa classroom at kaagad na ring nagsimula ang klase.

Matuling lumipas ang oras at natapos na naman ang isang klase ngayong araw. Tiningnan ko ang pwesto nila Carie at nakita ko silang naghahanda na para sa paglabas nila dito sa loob ng classroom.

Nakasunod lamang ang tingin ko kay Carie at sa kasama niya hanggang sa makalabas na sila ng classroom. Napaismid na lamang ako.

Pamaya-maya ay naisipan kong magtanong sa kaklase kong si Alex. Nilapitan ko siya at humila ako ng upuan at doon naupo.

"Alex," tawag ko sa kanya na ikinatingin naman niya sa akin.

"Oh?" Si Alex na napatigil sa pag-aayos ng gamit niya.

Ngumiti ako. Inayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko sa mata at mas tinitigan si Alex.

"Magtatanong lang sana ako," saad ko sa kanya.

Kumunot ang noo ni Alex.

"Hmmm... gusto ko lang magtanong tungkol kay Carie. Kilalang-kilala mo ba siya?" tanong ko. Sa totoo lang kasi, oo sikat siya sa school pero dahil dakilang nerd ako ay wala akong naging pakiealam sa kanya noon.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon