CHAPTER 67

3 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 67

ANDREI FELIX HIDALGO

After office hours ay pumunta na ako sa bahay nila Ellaine. Kasama ko ngayon si Cardee. Si Carie ay hindi sumama sa amin at gusto na lang magpaiwan sa bahay. Pupunta kasi kami sa Batangas para magbakasyon. It's time to relax and to unwind.

Nakarating na kami sa bahay nila Ellaine.

Lumabas na kami sa kotse. Napangiti ako nANg makita ko sila Ellaine na nasa labas na pala ng bahay nila at hinihintay kami.

"Hi Tito!" sabay na pagbati ng kambal sa akin na lalo kong ikinangiti kasi ngiting-ngiti sila.

"Hello Andrea and Raikku. Excited na ba kayo?" tanong ko.

"Yes!" magkasabay na pasigaw na sagot ng kambal.

Napangiti na lang ulit ako. Tiningnan ko si Ellaine na nakatingin sa akin at nakangiti. Buhat-buhat niya si Kamil.

"Hi Tita!" pagbati naman ni Cardee kay Ellaine.

Tiningnan ni Ellaine si Cardee saka ngumiti.

"Hello," balik-pagbati ni Ellaine. "Hindi ba kayo nahirapan sa pagpunta rito?" pagtatanong niya pa.

"Hindi naman po," sagot ni Cardee.

"Mabuti naman," natutuwang salita ni Ellaine.

"Tara na at umalis na tayo," pag-aaya ko sa kanila.

Sumakay na kaming lahat sa kotse ko. Sa likod ang mga bata habang kami naman ni Ellaine sa harapan.

"Wear your seatbelt, mga anak," paalala ni Ellaine.

"Yes mom!" sagot ng kambal.

Napapangiti ako. Para kasi kaming isang pamilya ngayon at sa totoo lang, gusto ko ito. Gustong-gusto.

Pinaandar ko na ang kotse saka na kami sumuong sa biyahe. Ako ang nagda-drive.

"Bakit hindi mo kasama si Carie?" tanong sa akin ni Ellaine.

Sandali ko siyang tiningnan at muli ko ring ibinalik ang tingin sa daan.

"Wala siya sa mood," sagot ko. "Baka meron siya ngayon," dagdag ko pa.

"Ganun ba?" tanong ni Ellaine.

Tumango-tango na lang ako.

"Mabuti naman at pumayag siya na kasama kami," wika pa ni Ellaine.

Napangiti ako ng tipid. "Actually, hindi niya alam na kasama kayo," sabi ko.

"Hala! Baka naman magalit siya kapag nalaman niyang kasama niyo kami," saad ni Ellaine na gulat na gulat.

Umiling-iling ako. Sandali ko ulit siyang tiningnan.

"Hindi mo kailangang mag-alala diyan. Kung malaman man niya ito ay ako ng bahala magpaliwanag sa kanya," sabi ko saka ningitian siya. Ibinalik ko na rin ang tingin ko sa daan.

"Okay," narinig kong sambit na lamang ni Ellaine.

Ilang oras ang lumipas at nakarating na kami sa rest house dito sa Batangas. Isa ito sa pagmamay-ari ng pamilya ko at madalas na dito kami nagbabakasyon. Ipinarada ko sa tabi ang kotse.

"Ang ganda rito," namamanghang sabi ni Ellaine nang makababa kami sa kotse.

Napangiti ako. Inayos ko ang suot kong eyeglass. Mabuti naman at nagustuhan niya ang lugar. Kunsabagay, maganda naman kasi talaga rito.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon