CHAPTER 70

5 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 70

CARIEDEE ANDERSEN

It's my birthday today... my fake birthday.

Siyempre kailangan kong panindigan at maging masaya sa araw na ito pero sa totoo lang, bukod sa hindi ako masaya, hindi ko rin ramdam na espesyal ang araw na ito. Kunsabagay, bakit nga ba magiging espesyal ang araw na ito para sa akin eh hindi naman talaga ito sa akin.

Wala pa si Andrei dito sa bahay. Birthday na birthday ko pero ayun at nagtatrabaho siya. May inihanda kaya siyang surprise para sa akin? Napangiti ako. Siguro naman meron.

Bigla tuloy akong na-excite. Sana hindi ako mabigo sa pag-asa kong may surprise siya para sa akin.

Naalis ang tingin ko sa TV at nalipat ang tingin ko sa phone na nakapatong sa mesa nang marinig kong tumunog iyon. Kaagad kong kinuha ang phone at nakita kong tumatawag si Andrei. Napangiti ako.

"Hello, Hon," naglalambing kong wika sa kanya.

"Carie," pagtawag niya sa akin.

Nagsalubong ng bahagya ang noo ko. "Bakit ka napatawag?" tanong ko.

"Pumunta ka dito sa office. Dumiretso ka sa rooftop," aniya ni Andrei sa kabilang linya.

Napangiti ako. Mas lalo akong naging excited. Sabi ko na nga, eh! May surprise siya para sa akin. Sigurado iyon.

"Ngayon na ba?" tanong ko.

"Oo," sagot niya.

"Okay. I'll be there in an hour," saad ko sa kanya.

"Okay. Bye,"

Mas lalo akong napangiti nang ibaba na niya ang tawag. Para akong bulateng nagkikikisay dahil sa kilig. Hindi ko na lang pinansin ang nanlalamig niyang boses dahil ayokong masira ang excitement ko.

"Kailangan kong magbihis at mag-ayos ng maganda. I will make sure na ako pa rin ang magiging pinakamagandang babae sa paningin niya," nangingiting bulalas ko.

Tumayo na ako saka nagpunta sa kwarto ko. Bahala na muna si yaya kay Cardee.

---

Napapangiti na lamang ako sa mga taong tumitingin sa kagandahan ko. Hindi ko sila masisisi kasi talagang nag-ayos ako ngayon. Full pack make-up at sinuot ko ang dress ko na branded na nabili ko online at talaga namang maganda.

Patuloy lamang ako sa paglalakad na parang model ng may panira akong nakita. Napahinto ako sa paglalakad.

Huminto si Ellaine sa harapan ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka bumalik din sa mukha ko at ngumiti. Tinaasan ko naman siya ng kanang kilay.

"You look stunning," puri niya sa akin. Parang walang nangyari sa aming hindi maganda kung pakitunguhan niya ako ngayon. Hindi ba siya galit sa ginawa ko sa kanya nung nakaraan? O baka naman nadala na. Mabuti naman kung ganun. Napaismid ako.

"By the way, I heard na birthday mo pala ngayon," nangingiting sambit pa ni Ellaine. "Happy birthday," pagbati pa niya.

"Thanks," sabi ko saka ningitian siya.

"Enjoy your day. Sana maging masaya ka ngayong araw na ito."

"I will," sagot ko.

Napangiti lalo si Ellaine.

"Anyway, I have to go at may kailangan pa akong puntahan," pagpapaalam niya.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon