[★★★]Kararating nga lang namin ni Vaughnn sa school at agad akong dumeretso sa banyo nito.
Hangga't maari, ayaw ko muna siyang makita. Ayaw ko muna siyang makasama--- ayaw ko muna siyang maka-usap.
Harap-harap ang malaking salamin na nakasabit sa may lababo ng CR namin, muli kong binanlawan ang aking mukha ng malamig na tubig na nanggagaling sa gripo ng lababo, washing off my makeup that had already been stained because of my crying.
Staring at my messed-up reflection, a tear or two can't help but to fall down my cheeks.
Hindi ba ako kasugal-sugal..?
Bakit ganoon? Bakit hindi niya pa
ako magawang ligawan?Kung ayaw niya akong matawag ng
ganoong mga bagay, bakit hindi niya
lagyan ng label 'tong namamagitan
sa amin?Bakit puro siya 'tamang panahon'?
Puro . . pangako?Hindi pa ba siya handang magcommit
sa akin? Puro salita lang ba talaga
lumalabas sa bibig niya?Napakaraming tanong ang umiikot sa ulo ko ng mga pagkakataong iyon. Pangako, pangako. I had always been afraid of promises. Alam ko naman na mahal ako ni Vaughnn, pero bakit..hanggang pangako lang?
"Ma- mahal ka naman niya, mhmm? Mahal ka ni Vaughnn.."
"..He promised na liligawan ka naman niya, hindi ba?"
Unti-unti, kahit anong pilit kong itanggi, tuluyan na nga akong nilamon ng mga kinatatakutan ko. Seeing my crying reflection on the mirror, hindi ko na nga mapigilan ang mabalik sa nakaraan..
That same girl, begging for someone to just fulfill their fucking promise. Ten years had already passed, yet hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga matakbuhan ang masalimuot na gabing iyon..
"Papa.."
"..Papa, huwag ka nang umalis!"
"Birthday ko po ngayon, ohh.."
"Dito ka na lang, ang lakas-lakas ng ulan sa labas.."
Tulad ng mga ulap na naghahasik ng matinding kalungkutan nito sa lupa, naroroon ako, mahigpit na nakakapit sa damit ng aking Papa, umiiyak habang sinusubukan ang lahat para pigilan ito sa pag-alis.
Gabi na noon. Sobrang lakas na ng mga hangin at pag-ulan na dumating sa puntong pinahihintulutan na ang lahat na manatili na lang sa tahanan.
Pero, ibahin mo ang Papa ko..
Gusto niyang lumabas. Kailangan daw niyang lumabas.
Ayon sa kaniya, may nakakita na daw kay Mama, hindi kalayuan sa tinitirhan namin ng mga panahong iyon.
Gusto niyang kumpirmahin kung si Mama nga ba iyon, at kausapin na rin siyang bumalik na sa piling namin.
Mahal na mahal ni Papa si Mama..
Nawasak siya ng iniwan kami ni Mama.
Kaya, kada pagkakataon na lamang na may magsasabi sa kaniya ng posibleng tinitirhan ni Mama, hindi siya nag-papaawat. Pupuntahan at pupuntahan niya ito, kahit na minsan, niloloko na lang rin naman siya ng mga ito.
At ng mga pagkakataong iyon, kahit na sobrang lakas na ng mga kulog at pag-ulan, it was still the same.
Pursigido siyang mahanap muli ang Mama ko. Kahit na ang posibleng kapalit nito ay ang sariling buhay na nito.
YOU ARE READING
Umaasa (Ba Sa Wala?)
RomansaJeanne Yurikko Mendoza was an ordinary HUMSS student in her final year in senior high school. She was classified as simply a "nobody", having no close friends, and only socializing with others when it was required. Hangga't maari nga, mas gugustuhin...