chapter x x i v : moment of serenity

8 1 0
                                    


[★★★]

Whatever I saw that day, I tried my best to keep it at the back of my mind. Vaughnn never mentioned it. Hence, I never thought of it as something that relevant.

I have heard about his father, but he never really talks about him. Judging na hindi naman sila close ng mommy niya, I assume na baka ayaw niya lang din pag-usapan namin daddy niya.

And so as days progressively passed, the four of us just found ourselves more and more inclined towards our studies.

The goal was simple: together, in our dream university.

Bahala nang mag-isip mamaya kung ano-anong course ang kukunin namin. Ang mahalaga at priority namin sa ngayon, makapasa kaming apat sa iisang university.

Tuloy, napunta kami ngayon dito sa kwarto ko. Nandito na naman ang mga maiingay.

Sa lahat-lahat ba naman kasi ng lugar na pwede nilang pagtambayan, ewan ko, bahay ko talaga ang pinakapaborito nilang tambayan.

"Talagang kailangan dito pa sa bahay ko hihintayin ang results, ehh noh?" irap ko ng mga mata kina Mel, mga kamay kong nasa bewang.

Nagmamagaling na naman kasi ang dalawa sa harapan ng desktop ko.

"Bestie, maganda kasi wifi dito sa inyo," lingon ni Mel para tignan ako. "Isa pa, tahimik. Madadama natin maigi 'yung saya kapag pasado nga tayo."

"Hindi ba, Xeno?" tapik nito sa balikat ng kaibigan namin.

Masyado namang tutok si Xeno sa screen para sagutin si Mel. Tuloy, tumango na lang ito.

"Bestie mo mukha mo," irap kong muli. "Nakakadiring pakinggan, alam mo 'yun?"

Tumawa na lang ng bahagya si Mel bago muling lumingon sa screen. Halos kalahating oras na silang dalawa ni Xeno dyan. Refresh ng refresh ng page, kakahintay sa results.

Banas na ako sa dalawang 'to. Kailangan, halos araw-araw, nandito na din sila sa bahay ko?

"Lupit lang ng kaibigan nating 'to, ehh noh?" siko ni Mel kay Xeno. "Pagdating kay Vaughnn, pwede araw-araw, tapos kapag tayo, kulang na lang ipagtabuyan?"

"O, tapos?" panliliit ko ng mga mata dito. "Jowa ka? Jowa ka?"

Nagtawanan na naman ang tatlo sa akin. Bwiset talaga 'tong si Mel. Laging inaasar relasyon ko kay Vaughnn.

"Sus, hindi lang namin kayo ma-iwan mag-isa, ehh," pang-aasar ulit nito. "Hindi lang kayo makagawa ng mga kababalaghan ninyo."

"Excuse you?! Para po malaman ninyo, wala pang nangyayari sa pagitan namin ni‐--"

"Okay, okay, tama na 'yan," awat ni Vaughnn mula sa likuran.

Buti naman, naisipan niya ring sumingit at ipagtanggol girlfriend niya.

"Girlfriend ko po 'yang inaasar niyo. Hindi mo gugustuhing magalit 'to, sige ka."

Parang sira, marahan akong hinatak ni Vaughnn pa-upo sa isa niyang hita. Namalagi ang mga hita ko sa pagitan ng sa kaniya, isa naman niyang kamay ang umaalalay sa bewang ko.

"Wala pang nangyayari, mhmm?" paghina ng boses nito habang hinahawi ang buhok sa mukha ko. "Kamo, hindi pa lang 'yung mismong gawa, pero may nangyayari na rin."

Inirapan ko ito ng mata. Edi may nangyayari kung may nangyayari.

Pinisil nito matapos ang mga pisngi ko, mukha ko namang nakabusangot lang sa kaniya. As if sasabihin ko 'yung mga 'yun sa kaibigan namin?

"Gago," bulong ni Xeno mula sa kawalan.

Napalingon naman kami ni Vaughnn kaagad dito. Ano na namang nakita ng lalaking 'to?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Umaasa (Ba Sa Wala?)Where stories live. Discover now