CHAPTER ONE

3.7K 16 0
                                    

MULA sa ginagawa'y napaangat ng mukha si

Dash nang pabalyang bumukas ang pinto ng

library at pumasok si Aliana.

"Marti's coming! Siya ang abay sa kasal ni

Mia!" pahisteryang wika nito.

He shook his head impatiently. Muling ibinalik

ang pansin sa ginagawa. Si Aliana'y galit na

lumapit sa mesa at niyuko siya.



"Bingi ka ba?" singhal nito. "Darating si Marti.

At natitiyak kong dito siya tutuloy!"

"So?" walang-­‐‑damdaming sagot niya. Ang mga

mata'y nakatuon pa rin sa ginagawa. Ang kamay

ay umangat patungo sa malaking calculator sa

kanan at nagsimulang magtuos.

Nanlaki ang mga mata ni Aliana. "Is that all

you have to say?"

Isinulat niya ang nakarehistro sa calculator sa

record book. "What do you want me to say,



Aliana?" sagot niya, ang pansin ay nanatiling

nakatuon sa ginagawa.

Nanlisik ang mga mata ni Aliana at marahas na

tinabig ang nasa ibabaw ng mesa. Ang calculator

ay bumagsak sa carpet, ganoon din ang ilang mga

papeles.

Nag-­‐‑angat ng mukha si Dash. His features

tightened. He took a deep breath harshly.

"Now, I got your attention," wika ni Aliana, a

little bit nervously. Subalit sinisikap na huwag



iyong ipahalata sa kanya. Isang ngiting hindi

naman umabot sa mga mata ang pinakawalan

nito at lumakad ito patungo sa minibar na nasa

may dulong-­‐‑kanan ng silid at nagsalin ng alak sa

kopita.

"Masama para sa iyo ang alak, Aliana," aniya

sa walang-­‐‑emosyong tinig.

"Huwag kang magkunwaring nag-­‐‑aalala, Dash!

You don't really care, do you?"

Hindi niya sinagot iyon. Hinubad ang salamin



sa mga mata at inilapag sa ibabaw ng mesa.

Muli'y isang malalim na hininga ang pinakawalan

upang kalmahin ang sarili. Nahahapong

sumandal siya sa high-­‐‑backed chair at tinitigan

ito.

"Sa kabila ng mga ginagawa mo'y hindi ko pa

rin hinahangad ang anumang kasamaan para sa

iyo, Aliana. And I would advice the same thing to

anyone," he said tightly.

Isang ismid ang isinagot ni Aliana roon.



Nilagok lahat ang laman ng kopita. Pagkatapos ay

Sweetheart Series 11: My Own True Love By Martha CeciliaWhere stories live. Discover now