CHAPTER ELEVEN

552 6 0
                                    

MABILIS na kumalat sa asyenda ang buong

balita. Si Nanang Dalen ay walang pagsidlan sa

katuwaan para sa kanya.

"Sana'y hindi muna makaalis si Mia, Nanang

Dalen. Para naman makadalo siya sa kasal namin

ni Dash at maging abay."

"Ku, malamang na hindi. Kapag naayos ang

passport niyon ay tuloy-­‐‑tuloy na ang alis ng



kaibigan mo. Hinihintay ko ngang tumawag nang

maibalita ko. Tiyak na matutuwa nang labis si

Mia, Marti. Kung bakit naman kasi hindi mo pa

hintaying makapagtapos ka ng kolehiyo bago

kayo magpakasal ni Dash. Pagkatapos ng

semestre na ito'y isa na lang."

"Si Dash ang nag-­‐‑aapura, Nanang Dalen.

Sinuhestiyon ko na rin iyan subalit nagmamadali

siyang makasal na kami."

"Kayong mga kabataan, padalos-­‐‑dalos. Hindi



n'yo muna kilalaning lubos ang isa't isa. Kailan

lang kayo nagkasama ng isang iyon, ah."

Isang ngiti ang isinagot niya at tinitigan ang

engagement ring. Happiness made her face glow

that she was so lovely. Tama si Nanang Dalen.

Kailan lang sila nagkasama ni Dash. Inamin

nitong minadali siya. But he said he'd waited too

long to even wait for another year.

Kaya naman agad siyang sumang-­‐‑ayon.

Maliban sa kaunting kalituhan sa simula dahil sa



bilis ng pangyayari sa kanilang dalawa'y

maligayang-­‐‑maligaya siya. Happiness she'd never

felt before. Tinanggap siya ng mama ni Dash nang

walang pasubali at sa kabila ng katayuan niya sa

buhay.

Ang tanging lungkot na nadama niya'y wala na

ang mamang niya para makisaya sa kanya.

"BAKIT hindi ka pa pumasok sa silid at matulog,

Marti?" naghihikab na sumungaw si Nanang



Dalen mula sa silid.

Palakad-­‐‑lakad siya sa munting kabahayan.

Pinakikinggan ang malakas na hampas ng hangin

sa bubong. Alas-­‐‑nueve pasado na ng gabi.

Kaninang umaga'y sinuspinde ang klase dahil

idineklarang signal number 2. At umaga pa lang

ay nagsimula nang humangin at umulan bagaman

hindi malakas.

Ngayo'y naririnig niya ang hugong ng malakas

na hangin. Ang pag-­‐‑ingit at hampasan ng mga



sanga ng puno. Kaninang hapunan ay silang

Sweetheart Series 11: My Own True Love By Martha CeciliaWhere stories live. Discover now