CHAPTER FOURTEEN

544 6 0
                                    

ANG PAGBAGSAK ng hinog na mangga sa lupa

ang nagpabalik sa isip ni Marti sa kasalukuyan.

Tinitigan niya ang bungang bumagsak di-­‐‑

kalayuan sa tabi niya. May tuka iyon ng ibon at

labis na ang pagkahinog.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at pinahid

ng likod ng palad ang mga mata. She sniffed.

Sadness and anger filled her. Galit, dahil ang



akala niya'y hindi na niya mararamdamang muli

ang pait na nadama niya nang magkasunod sa

gabing iyon.

Pero ang paninikip ng dibdib niya'y patunay

na muling nabuksan ang akala niya'y naghilom

nang pilat. Muli iyong nagdugo. How she hated

to be here. Kung hindi lang dahil kay Mia ay

isinumpa niyang hindi na muling tatapak sa

lupaing ito.

Tumayo siya at nagsimulang maglakad sa gitna



ng kaparangan. Subalit hindi pa siya nakakaapat

na hakbang ay lumusot na sa kung anong hukay

sa damuhan ang suot niyang high heels.

She uttered an unlady like oath.

Hindi siya makababalik sa kotse niya upang

kunin mula sa mga bagahe niya ang sandalyas.

Inilagay iyon ni Dash sa likuran ng pickup nito.

"Damn. . damn. . damn!" Hinubad niya ang

high heels at binitbit. She just had to walk

barefoot on the grass, kung hindi niya gustong



matapilok na muli at malinsag ang buto sa

sakong.

She started walking. Iniiwasang makatapak ng

mga siit at dawag. Subalit hindi pa siya gaanong

nakalalayo mula sa pinanggalingan niya'y narinig

na niya ang makina ng paparating na sasakyan.

Lumingon siya.

Si Dash. Binaybay ng four-­‐‑wheel drive ang

bukirin. Nagpagiwang-­‐‑giwang ang pickup sa

madamo at hindi pantay na lupa. Gusto niyang



tumakbo palayo. But it would be churlish.

She stopped at hinintay ang pagtapat nito sa

kanya. Marahas na bumalandra pabukas ang

pinto ng passenger seat.

"Get in and don't be stubborn, Marti," wika

nito, his face grim. "Hindi biro ang lalakarin mo."

Bumaba ang mga mata nito sa high heels niyang

bitbit. "Barefoot?" A sudden spark of amusement

lit his dark eyes. But it was gone in seconds.

"Babalatan ng siit at dawag ang mga paa mo."



Sweetheart Series 11: My Own True Love By Martha CeciliaWhere stories live. Discover now