CHAPTER NINETEEN

664 8 0
                                    

"MOMMY, aren't you coming down with us to

the pool?" lingon ni Gerry sa ina na nasa dining

table habang lumalakad patungo sa pinto

kasunod ang yaya. Bitbit nito sa kamay ang

plastic na salbabida na may mukha ng Powerpuff

Girls.

"Susunod ako, darling. I'll make your favorite

peanut butter and jelly sandwich."



"'Kay," wika ng bata. Binuksan ng yaya ang

pinto subalit nahinto sa paghakbang palabas nang

makitang may tao sa mismong harap ng pinto.

Na marahil ay napigil sa paggamit ng door chime.

"May kailangan ho kayo?" ang yaya.

"Gusto kong makausap si Marti. Nariyan—"

Ang sasabihin ni Donya Gertrudes ay nabitin sa

lalamunan niya nang makita ang batang kasunod

ng unipormadong yaya, in her neon yellow bikini.

"H-­‐‑hello," alanganing bati niya rito.



Tumingala ang bata, dimpled at her. "Hello.

You wanna see my mom?"

Hindi niya agad masagot iyon, may mga

anyong naglalaro sa isip. Niyuko niya ang bata.

"Why, you're so pretty! You must have a pretty

name, too."

"'Course. I'm Gerry."

"Gerry? Hmm. . but you're a—"

"A girl." She giggled. Na para bang

ikinatutuwa na laging isang intriga ang pangalan



nitong panlalaki. "'Tually, my name's Gertrude."

"G-­‐‑Gertrude. ." usal niya. May kabang unti-­‐‑

unting umaahon sa dibdib. Ang anyong naglalaro

sa isip ay lumilinaw. "You have a very nice name.

But surely you have a last name?"

"'Course. It's On. . Onter. ."

"Honteveros, Gerry," dugtong ng yaya para

dito.

She must have swayed, dahil agad na inabot ng

yaya ang braso niya at inalalayan siya. "B-­‐‑bakit



ho, ale? Namumutla ho kayo!"

Napahawak siya sa hamba ng pinto. Muling

niyuko ang bata na ang mumunting kilay ay

nagsasalubong sa pagkakatitig sa kanya.

"I'll guess, you're.. four years old and more,"

aniya at pinilit na ngumiti.

Nahawi ang kunot ng noo ng bata. Namilog

ang mga mata. "You're right!" Itinaas nito ang

kamay at apat na daliri ang ipinakita sa kanya.

"How'd you guess?"



"I. . just know. My name's like yours. I'm

Gertrudes Honteveros."

Lalong namilog ang mga mata nito. "Really?"

Sweetheart Series 11: My Own True Love By Martha CeciliaWhere stories live. Discover now