CHAPTER FIFTEEN

580 6 0
                                    

NAGULAT pa si Marti nang makita ang oras sa

relo niya nang magising siya. Alas-­‐‑nueve ng

umaga. She groaned, at ibinagsak muli sa unan

ang ulo. Tinanghali siya nang gising. Old habits

die hard kahit maaga siyang natulog kagabi.

Hindi niya bahay ito at dapat ay hindi siya

nagpapatanghali ng gising. Natuon ang tingin

niya sa pinto nang umikot ang seradura. Bumukas



iyon at pumasok si Nanang Dalen. May dalang

tray na may lamang umuusok na kape at isang

hiwang papaya.

"Gising ka na pala, hija." Inilapag nito ang dala

sa bedside table.

Napabangon si Marti at nilanghap ang aroma

ng brewed coffee. "Tinanghali ho ako ng gising,

Nanang Dalen. Nakakahiya naman ho—"

"Huwag mong intindihin iyon. Si Dash mismo

ang nagsabing hayaan kang matulog. At masarap



matulog sa probinsiya, Marti. Bukod pa sa pagod

ka sa pagmamaneho kahapon patungo rito. At

maghapon din kayong naglibot nina Mia at Tom."

"Nasaan ho si. si Dash, Nanang?" Tuluyan na

siyang bumangon at dinampot ang tasa ng kape at

nagsimulang humigop. Hindi niya gustong

makatagpo ito sa paglabas niya. At gusto niyang

gugulin ang buong maghapon sa cottage kaysa sa

loob ng malaking bahay.

Nalaman niya kahapon kay Mia na wala pang



isang linggong nakaalis si Donya Gertrudes

patungo sa Europa para sa isang educational tour

sa mga kolehiyo't unibersidad doon na

pakikinabangan ng SIC. Na sa pagbabalik nito sa

katapusan ng buwan ay tuluyan na itong

magreretiro at si Dash ang hahalili bilang direktor

ng SIC.

At kahapon pag-­‐‑uwi nila ni Mia ay

nagpasalamat siya nang malamang hindi pa

umuuwi si Dash at nasa kolehiyo para sa isang



meeting sa mga guro. And she was equally

thankful that Aliana was out of the house the

whole day.

Ang kotse naman niya'y nakita na niyang

nakaparada sa garahe.

"Maagang umalis si Dash, Marti. Pinaghahati

niya ang katawan sa kolehiyo, sa asyenda at sa

opisina."

"Opisina? May opisina pa rin ho ba sa

basement, Nanang Dalen?"



Umiling ang matandang babae. "Wala na. Pero

sa may malapit sa kamalig ay may ipinatayong

dalawang malaking gusali si Dash. Ang

Sweetheart Series 11: My Own True Love By Martha CeciliaWhere stories live. Discover now