CHAPTER THREE

695 6 1
                                    

MATAPOS niyang ihatid sina Mia at Tommy sa

sakayan ng bus patungo sa San Ignacio ay

nagtuloy na rin siyang umuwi.

"Hello, cupcake," bati niya sa anak na nakaupo

sa high chair at pinakakain ng yaya nito. Yumuko

at dinampian ng mariing halik sa pisngi ang apat

na taong gulang na batang babae.

"'Karga," wika ni Gerry at itinaas ang mga



kamay.

Umiling siya. "Uh. .uh. Your yaya's feeding

you. Finish your cereal, then we'll watch cartoons

together."

"You won't sleep?"

"Promise." Ginulo niya ang buhok ng anak at

saka pumasok sa loob ng silid.

Inihagis niya ang clutch bag sa kama at umupo

sa armchair. Hinubad ang stockings at high heels

at ipinatong ang paa sa footstall at humilig sa



sandalan.

You've made it, friend. . naiangat mo ang sarili mo

mula sa kahirapan. .

Yes, nagawa niyang baguhin ang sarili sa

nakalipas na mga taon. At ang financial success na

tinatamasa niya ay ang crowning glory ng lahat

ng mga pagsisikap at paghihirap niya. Subalit

lahat ng iyon ay hindi mangyayari kung hindi sa

tulong ni Martin Aragon.

She surveyed the spacious bedroom around



her. Fully furnished. Wall to wall ang carpet. Ang

furniture niya, state of the art. Ang wardrobe

niya'y puno ng mamahaling mga damit, shoes,

and bags, at halos lahat ay designer's label.

And satisfaction filled her.

Nasa tenth floor ng isang kilalang

condominium sa Greenhills ang unit niya. May

maliit na balkonahe sa labas ng silid niya at

natatanaw niya mula roon ang skyscrapers ng

buong Ortigas at Greenhills.



At nasa pangalan na niya iyon, fully paid.

Galing sa sariling pawis. Hindi miminsang inalok

at pinilit siya ni Martin na ito ang bumili ng lahat

ng mga bagay na nasa kanya ngayon. Subalit

tinanggihan niya. She had no intention of hurting

his feelings. Sapat na ang ginawa nitong

pagtulong sa kanya. Subalit hindi niya

tinatanggihan ang mga mamahaling regalo nito,

tulad na lang ng mga alahas niya at ibang mga

gamit ng anak niya.



She also had her own car, a black Honda

Accord, latest model. But she retained her

Sweetheart Series 11: My Own True Love By Martha CeciliaWhere stories live. Discover now