CHAPTER FIVE

658 4 0
                                    

"ANO'NG nangyari sa pakikipag-­‐‑usap mo?"

salubong sa kanya ni Mia nang lumabas siya ng

accounting office ng kolehiyo.

Mabigat ang buntong-­‐‑hiningang pinakawalan

niya, kinipkip ang gamit sa dibdib. "Unless I

settled my previous accounts, hindi ako

makakakuha ng exams," she said in troubled

voice.



Nasa ikalawang buwan ng first semester siya sa

huling taon niya sa kolehiyo. At prelim na sa

susunod na linggo pero hindi pa siya nagbabayad.

Katunayan ay temporarily enrolled lang siya. At

ang atraso niya sa kolehiyo ay noon pang

nakaraang taon.

Kung hindi nga lang siya estudyante na ng SIC

mula pa sa unang taon niya sa high school ay

baka hindi siya pinagbigyang makapag-­‐‑enrol na

promisory note lang ang ipinakita niya.



Nagpatiunang lumakad si Mia patungo sa

isang bakanteng bench at umupo sila roon. "Bakit

hindi mo i-­‐‑apply ng panibago ang scholarship

mo? Na ang pagbasehan nila ay ang kalagayan

mo sa buhay."

Isang mapait na ngiti ang pinakawalan niya.

"Sana nga'y ganoon na sa simula pa lang. Hindi

ngayon na isang taon na lang at magtatapos na

ako. Bukod pa sa hindi ganoon iyon kadali. The

school gave me full scholarship since high school.



Hindi nila kasalanan kung sa huling dalawang

taon ko sa kolehiyo'y bumagsak ang mga grades

ko."

"Alam mo bang noong isang linggo ko pa

binalak kausapin si Ma'am Gertrudes tungkol sa

problema mo?"

Nagtatanong ang mga matang nilinga niya ang

kaibigan. Si Donya Gertrudes Honteveros ay ang

director ng SIC. Ang tiya ni Mia ay mayordoma

ng mga Honteveros. At si Mia ay paaral ng Don



Gonzalo Honteveros Foundation, ang scholarship

foundation ng yumaong asawa ni Donya

Gertrudes.

"Yes. But Ma'am Gertrudes was too busy these

past few days dahil nga sa pagdating ng anak

niya galing ng ibang bansa. ."

"Anak?"

Umikot ang mga mata ni Mia. "Ano ka ba

naman! Staff ka ng school organ, paano mong

hindi nabasa iyon? Dumating na two days ago



ang anak ni Ma'am Gertrudes mula sa Amerika,

Sweetheart Series 11: My Own True Love By Martha CeciliaWhere stories live. Discover now