CHAPTER TWELVE

559 7 0
                                    

"ANG GANDA ng lugar na ito kapag ganitong

gabi, Dash," wika niya nang mula sa pagsundo sa

kanya sa SIC ay hindi agad sila umuwi. He

brought her to the hills. Nakatanaw iyon sa

malawak na karagatan ng San Ignacio.

Above, a crescent moon hung over the sea, a

silver arc in the sky, at iniilawan iyon ng milyon-­‐‑

milyong mga bituin.



Hinagkan nito ang ibabaw ng ulo niya.

Nakaupo ito sa ibabaw ng hood ng sasakyan at

nakayakap sa kanya mula sa likod. "Noon pa

ma'y dito ko na pinangarap na itayo ang bahay

para sa babaeng kakasamahin ko sa habang-­‐‑

buhay, Marti. The girl of my dreams. . ang ina ng

magiging mga anak ko."

"Hmm. . and who could be that girl?" she

teased.

Dash bent and gave her a not-­‐‑so-­‐‑gentle bite on



her shoulder that she gave a half-­‐‑scream. Tumawa

si Dash at bumaba at humakbang patungo sa gilid

ng burol at niyuko ang ibaba.

"Palalagyan ko ng riprap ang mga gilid. Baka

humulagpos ang lupa at mahulog ang mga anak

ko. Perhaps we could build a stairway down to

the beach."

"Gaano katagal bago mo maipatatayo ang

bahay?"

"I've contacted the architect already. Siguro'y



sa isang buwan ay sisimulan na ang trabaho.

After our wedding, it's half-­‐‑way done. It would be

a three bedroom house, Marti. May espasyo para

sa panibagong bedroom kapag lumalaki na ang

pamilya."

A breeze drifted across the warm dark waters

of the sea, at banayad niyong inililipad ang buhok

niya. At maliban sa ilaw na nasa unahan ng

sasakyan ay madilim ang buong paligid. But the

happiness she felt illuminated her face.



Iyon ang nalingunan ni Dash sa kanya. Mula sa

dimmer ng pickup, he gazed at her for a long

moment, and she saw the raw desire and passion

in his eyes.

Her body instantly responded. Her nipples

hardened and warmth flowed her body.

Pinuno ni Dash ng hangin ang dibdib at

humakbang patungo sa passenger seat at

binuksan iyon. "Get inside. Baka nag-­‐‑aalala na si

Nanang Dalen sa iyo," he commanded in



controlled voice.

She was disappointed. "Wala pang alas-­‐‑otso.

Maaga kaming pinauwi," protesta niya.

Sweetheart Series 11: My Own True Love By Martha CeciliaWhere stories live. Discover now