CHAPTER TWO

1K 13 0
                                    

SHE WAS driving slowly and with extra care. In

about one and a half hours ay nasa Asyenda

Honteveros na siya. Umalis siya ng Manila nang

wala pang ala-­‐‑una ng madaling-­‐‑araw. Hindi niya

gustong tanghaliin sa daan.

It was almost six o'clock in the morning. At

halos hindi niya makita ang daan sa kapal ng

fogs. Humugot siya ng tissue paper sa kahon sa



tabi ng hand break at pinahiran ang condensation

sa windshield ng kotse niya.

This was one thing she liked best in San

Ignacio. Ang makapal na fogs sa umaga kahit sa

panahon ng tag-­‐‑init.

The first town, ang Trinidad, ay isang

progresibong bayan. May dalawang first run

theatre—bagaman lagi nang may ka-­‐‑double ang

palabas—typical sa mga sinehang pamprobinsiya;

may isang kilalang burger station; isang malaking



kolehiyong panlalaki, ang St. Vincent; and a

general hospital.

But she didn't pass through the town proper

much as she wanted to. It would take her another

hour. Sa short cut siya dumaan at nakatipid siya

sa biyahe. Iyon ang orihinal na daan bago

nagkaroon ng national road many years ago.

Sa loob ng limang taon ay walang ipinagbago

ang San Ignacio. Hindi ito kasimprogresibo ng

Trinidad, but it wasn't a sleeping town either.



Katunayan ay mayroon itong isang malaking

pabrika sa boundary ng Trinidad at San Ignacio,

ang textile mills. Mayroon din itong konserbatibo

at maliit na subdivision. Nag-­‐‑iisa sa bayang iyon.

Ang progreso ay hindi kasing-­‐‑bilis ng

sinundang bayan. Marahil dahil ang kalakhang

bahagi ng lupain ng San Ignacio ay mga

pribadong tao ang nagmamay-­‐‑ari.

Habang patuloy siya sa mabagal na pagma-­‐‑

maneho'y natanaw niya ang kolehiyo kung saan



siya nag-­‐‑aral, ang St. Ignatius College, o ang SIC.

A fleeting sense of nostalgia filled her. Subalit

hindi iyon nagtagal at agad niyang pinalis sa isip

at damdamin. Walang dahilan upang buhayin pa

ang nakaraan. Kung hindi dahil kay Mia ay wala

siya rito ngayon.

"You've been working too hard, Marti," wika

ng kapatid niya sa ama, si Joshua.

He was six years her junior and very tall at

eighteen. And she couldn't believe that they'd get



Sweetheart Series 11: My Own True Love By Martha CeciliaWhere stories live. Discover now