CHAPTER TWENTY

831 10 0
                                    

"MARTI!" bulalas ni Nanang Dalen nang

makilala ang pinagbuksan ni Lucy ng malaking

pinto.

Nginitian niya ang matanda. "Kumusta na po

kayo, Nanang Dalen?"

Ang tangkang sasabihin ng matanda'y napigil

nang patakbong pumasok sa sala si Gerry

kasunod si Donya Gertrudes. Inikot ng bata ang



paningin sa buong kabahayan.

"This house is as big as Lolo's, Mommy. And I

saw horses. Could I ride on it?"

"S-­‐‑siya ang anak mo?"

"Si Gerry, Nanang Dalen. Gerry, kiss Lola

Dalen. ."

Sumunod ang bata at dinampian ng halik sa

pisngi ang matandang babae na agad yumuko at

kinarga ang bata.

"Kamukhang-­‐‑kamukha ka ng—"



"Careful, Dalen," babala ni Donya Gertrudes,

nakatago ang ngiti. "Baka magkamali ka ng

pagsasabi kung sino ang kamukha ng apo ko."

"Kamukha ka ng Lola Gertrudes mo, hija!"

Nagkatawanan ang dalawang matanda. Subalit

si Marti'y nanatiling kinakabahan.

"N-­‐‑nasa itaas ba si Dash, Nanang Dalen? Nasa

labas ang pickup niya."

"Nasa silid niya, Marti. Heto nga't dadalhin ko

sana sa itaas ang hinihinging yelo."



Tinitigan niya ang ice bucket na inilapag ni

Nanang Dalen sa sahig nang kargahin si Gerry.

Humakbang siya patungo roon at dinampot iyon.

"Ako na ang magpapanhik sa itaas."

"Marti. ." si Nanang Dalen. "M-­‐‑mainit ang ulo

ni Dash."

Alanganin niyang sinulyapan si Donya

Gertrudes na nagbuntong-­‐‑hininga at tumango.

"Huwag mong sabihin sa anak kong ako ang

dahilan kaya ka narito, Marti. Hindi niya



magugustuhan ang ginawa ko."

Walang kibong tinungo niya ang hagdanan

nang muling magsalita si Donya Gertrudes.

"Marti. ."

Lumingon siya.

"For whatever it is worth, gusto kong malaman

mong ang silid ni Dash ay nanatiling silid niya.

He never once shared it with Aliana."

She gave a fleeting smile at nagpatuloy sa

pagpanhik. Kahit paano'y may kasiyahan siyang



nadama sa dibdib sa sinabing iyon ng donya.

Dash made love with her for the first time in his

room.

Nasa harap na siya ng pinto nang magsimulang

Sweetheart Series 11: My Own True Love By Martha CeciliaWhere stories live. Discover now