CHAPTER SIX

558 4 0
                                    

"ISN'T he gorgeous?" bulong ng isang dalagang

propesora sa katabing kasamahan.

"Kanina ngang tinitigan ako'y hindi ko

malaman ang gagawin ko," sagot naman ng

kausap.

Si Aliana na naririnig ang usapan ng dalawang

dalaga'y umikot ang mga mata at lumayo sa mga

ito. Mula sa rim ng juice glass niya'y sinulyapan



niya ang topic ng mga ito. Si Dashiel Honteveros.

Nasa ikalawang taon siya sa kolehiyo nang

umalis patungo sa ibang bansa si Dash. They were

nodding acquaintances. At bagaman ginawan

niya ng paraang humigit pa roon ay hindi

nangyari dahil iba ang grupo ni Dash na nasa

graduate studies na nang mga panahong iyon.

She smiled to herself. Nagawan niya ng paraan

na naroroon siya sa munting salusalong iyon

dahil bukod sa reliever-­‐‑secretary siya ng dean, si



Mr. Genaro, ay kaibigan pa ng mama niya ang

asawa nito na isa ring professor. Nang mag-­‐‑alok

siya ng tulong sa pag-­‐‑aasikaso sa pagkain ay agad

itong tinanggap ni Mrs. Genaro.

Humakbang siya patungo kay Dash. Isang

mapanuksong ngiti ang ibinigay niya rito. Ang

kausap nito'y mataktikang tumalikod.

"Again, welcome back, Dash. Anyway, totoo

ba ang bali-­‐‑balitang magreretiro na ang mama mo

at ikaw na ang susunod na direktor ng SIC?"



Some curious faces turned their way. Isa ang

nagsegunda sa tanong na iyon ni Aliana. "Don't

let my mother hear you say anything about her

retirement. She'll sack you all." Isang tawa ang

pinakawalan nito na sinabayan na rin ng lahat.

"Hindi pa magreretiro ang Mama. Subalit

ipinaubaya na niya sa akin ang pamamahala sa

buong asyenda," patuloy nito.

"A big responsibility but less glamorous," wika

naman ni Aliana, smiling seductively. "Do you



think you can cope, Dash? I mean, with all those

cows and horses and coconuts.. " Nagkibit ito.

"You're a city boy. ."

Dash smiled perfunctorily. "Dito ako lumaki at

nagkaisip, Aliana. Besides, I've missed this place

terribly." Pagkuwa'y niyuko nito ang relo at

nilinga ang buong silid. "It's past nine o'clock,"

he announced to everybody. "Nalimutan natin

ang

oras

at

masama

ang

Sweetheart Series 11: My Own True Love By Martha CeciliaWhere stories live. Discover now