CHAPTER SEVEN

617 8 1
                                    

ANUMANG tanggi ang ginawa ni Marti ay hindi

pumayag si Dash na hindi siya maihatid.

"Nakita mo at hanggang ngayon ay marami

pang hindi nakakasakay," ani Dash nang

makalabas sila ng campus at madaanan ang ilang

estudyante at mga taong kasalukuyang nag-­‐‑

aabang ng masasakyan. "Puro puno ang jeep at

tricycle. Mahihirapan kang umuwi."



Lumunok muna siya bago sumagot. "M-­‐‑

malapit lang naman dito ang tinitirhan ko, Mr.

Honteveros. Sa may bayan lang at nilalakad ko

lang iyon."

Nilingon siya nito. "Nagbibiro ka ba? Halos

isang daang metro ang layo ng bayan mula sa SIC,

Marti!"

"Kung araw-­‐‑araw mong nilalakad iyon ay

malapit na lang."

Umiling si Dash. "Not in this weather. Besides,



gabi na. And I feel responsible. Paano kong

makatagpo ka ng masamang tao?"

Isang pinong ngiti ang pinakawalan niya. May

kung anong kasiyahan ang nadama. Maliban sa

ina at kay Mia ay walang tao siyang kinaringgang

nag-­‐‑aalala sa kanya.

"Hindi naman Maynila ang San Ignacio, Mr.

Honteveros."

"Dash."

"W-­‐‑what?"



"Call me 'Dash', Marti. Hindi mo ako professor

at hindi ako empleyado ng SIC. Hindi naman

siguro milya-­‐‑milya ang walong taong agwat

natin, 'di ba?"

Hindi niya alam kung ano ang iisipin doon. At

nang sulyapan niya ito'y nasa daan nakatutok ang

buong pansin nito. Nagkaroon siya ng

pagkakataong pagmasdan at pag-­‐‑aralan ng lihim

ng mukha nito.

He was very attractive. At mga mata nito'y



kasing-­‐‑itim ng balahibo ng uwak na lalo pang

pinaitim ng makakapal na kilay at pilikmata. He

had his mother's eyes. Iyon lang ang nakikita

niyang inihawig nito sa ina. And he possessed a

body of an athlete.

At hindi niya masisisi ang mga nababalitang

kababaihang nahuhumaling dito.

Nagulat pa siya nang lingunin siya nito. His

lips twitched as he smiled. "I hope nakaabot ako

sa pamantayan mo, Marti."



She expelled her breath slowly. Embarrassed,

ibinaling niya sa labas ng bintana ang pansin.

Dash chuckled softly.

Sweetheart Series 11: My Own True Love By Martha CeciliaWhere stories live. Discover now