CHAPTER 19

69 11 5
                                    

CHAPTER 19: SCHOOL DAY, TEARS DAY..

*PRINCESS POV*

Papasok ako ng school, syempre, kasama ko si Kris.

Sa kanila nga ko natulog eh.

Oo nga pala noh?

Kumusta na kaya si Ate?

Sigurado ako na nag-aalala parin sya sakin hanggang ngayon.

Mamaya nalang ako magpapaliwanag sa kanya pag-uwi ng bahay.

Sigurado ako na kapag pinuntahan ko sya eh busy nanaman sya.

Running for cumlaude kasi yung ate ko eh kaya ganun nalang sya ka-busy lagi.

Minsan nga nakakalimutan na nung kumain eh, dahil nga sa masyado syang busy.

Nag-aalala nga ko para sa kalusugan ni ate eh.

Kami nalang kasi yung naging magkadamay simula nung una.

“O, anong problema mo dyan?”

Ah oo nga pala nandito panga pala si Kris.

“Ah wala naman, iniisip ko lang naman kasi si ate, baka kasi mamaya, nag-aalala nayun.”

“Mamaya ka nalang mag-paalam sa kanya, sigurado naman ako na maiintindihan ka nun eh.”

“Pabayaan mo na, mamaya nalang ako magsasabi sa kanya.”

Pagkatapos nun ay ipinagpatuloy na ulit namin ni Christian yung naudlot naming paglalakad.

Papasok na kami nang gate nang biglang makasalubong namin si Bea.

Kung hindi nyo natatandaan readers, si Bea po yung babaeg jowa ngayon ni Jake.

“Hi!”, biglang bati ni Bea samin ni Christian.

“O-o Bea. What are you doing here?”, nabibigla kong tanong.

Aba, syempre, sino nga ba naman ang hindi mabibigla sa ganito?

Ang maka-face off mo ang iyong karibal.

“Nabigla ka ba na nakita mo ko?”, mataray na sabi ni Bea.

“Ah, h-hindi naman.”, nahihiya kong sabi.

“Ano bang kailangan mo ha? hindi ba nakuha mo na si Jake? Ano pa bang kailangan mo?”, pasinghal na sabi ni Kris.

At alam ko na sa mga oras nayun ay naiinis na si Christian kay Bea.

Hinawakan ko naman sya sa braso para pigilan.

“Ano yung kailangan ko? Kailangan ko syang makausap..”, naka-cross arm na sabi ni Bea.

“Eh ano pa bang pag-uusapan nyo ha?! naagaw mo na diba? Bakit ano pabang aagawin mo sa kanya?”, naiinis na sabi ni Christian.

“Will you please stop stealing my boyfriend?!”

Medyo pasigaw na na sabi nya.

Kaya naman yung ibang tao na nakarinig ay parang na-pause sa kanilang pinagagagawa at tumingin samin.

Syempre, kasunod na nun ay yung mga bulungan.

“P-pero Bea, h-hindi ko sayo inaagaw si Jake. Hindi na kami nagkikita.”, sabi ko nang mahinahon.

“Pero youre stealing him!!”

“Ano bang stealing ha? bingi ka ba?! hindi nanga nag-uusap diba? Kaya sayo na! Sayong sayo na!”

“Bea tama na-.”

Naputol na yung sasabihin ko nang biglang umepal yung babae at sinabunutan ako nang sunod sunod.

Tears For The Second Time Around (Kris Kirkpatrick of Nsync fan fiction)EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon