CHAPTER 26 Oh my nabuko

70 10 4
                                    

CHAPTER 26: OH MY! NABUKO!!

Syempre, dinala ko na si Princess sa ospital.

Nandito nanga yung yaya nya eh.

Yung ate nya tinawagan ko na kanina.

Alalang alala nga yung ate nya kay Princess eh.

At hinimatay pa daw nung malaman sabi nina Louis.

Kaya ipinasabi ko nalang na ako na yung bahala kay Princess.

Yung yayay nya nandito rin na patuloy parin sa pag-iyak.

Siguro naiiyak din yun gawa sa dindanas ngayon ni Princess.

Sabi naman nung doktor ayos nadaw naman si Princess.

Pinagsabay sabay lang naman daw kasi nya yung inom ng gamot na matatas yung dosage kaya daw hindi kinaya.

Mabuti nga daw at naagapan si Princess eh.

Tingnan mo nga naman yang babaeng yan ng katangahan.

Hay naku.

Pumasok na ko sa loob para tingnan si Princess.

Pagpasok ko, nakita ko kaagad yung malungkot na Princess.

Malungkot na malungkot sya.

Blangko yung muka nya at nakatulala sa kawalan.

Daig pa nya yung druglord sa itsura nya eh.

Punong puno ng eyebags yung mata nya.

Super haggard na sya.

Napaawa naman ako nang makita ko si Princess sa ganung kalagayan.

Nilapitan ko kaagad sya.

Lumapit ako sa may katabi ng kama nya.

“Princess . .”, tawag ko kay Princess.

Sa totoo lang hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya sa mga oras nato eh.

Hindi ko alam kung dapat ko pa ba syang i-comfort o hindi na, hindi ko kasi alam, ang alam ko kasi hindi na.

Totoo naman hindi ba?

Sasaktan ko lang kasi sya eh.

Pero alam ko na masasaktan lang naman sya pag hindi ko sya dinamayan ako lang naman yung nakakapagpasaya sa kanya eh.

Wala nanaman syang ibang nakakaramay kundi puro ako lang naman eh.

Sino panga ba?

Hay naku, pinahirapan ko lang yung sarili ko sa sitwasyon na pinasok ko.

Princess naman kasi eh..

Syete!!!

“Princess . . .”

Nakita kong habang nakatingin si Princess sa kawalan eh umiiyak sya.

Panay nang panay yung pagpatak ng luha sa mga mata nya.

Ang syete lang, nakakainis lang naman talaga tong babaeng to.

“Princess ano ba!!! tama na nga!!”, hindi ko na napigilan yung sarili ko, niyakap ko na ng tuluyan si Princess.

Hindi ko na kasi alam kung pano ko sya mapapatahan eh.

At all naman naging isang mabuting kaibigan sakin si Princess.

Wala naman akong natatandaang oras at araw na pinaiyak ko sya ng ganito.

Lagi nya kong pinapasaya.

Tears For The Second Time Around (Kris Kirkpatrick of Nsync fan fiction)EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon