CHAPTER 33

55 10 4
                                    

CHAPTER 33: THE TWO SISTER’S CONVERSATION

-PRINCESS POV-

Ewan ko, naisipan ko nang umuwi ng school.

Pano masakit nanaman yung ulo ko.

Ewan ko, hindi ko na kaya ata yung araw na to.

Ang hirap para sakin ata.

Imbes na maging masaya ako, kasi officially naging kami na ni Kris.

Hay naku, ang kulit naman kasi nya eh.

Sabi nanga kasi sa kanyang wag nalang naman sana eh.

Na ayoko muna syang sagutin dahil baka mamaya lumabas na ginagamit ko lang sya.

Pero sya yung makulit eh.

At tsaka hindi naman siguro masama na ipagkatiwala ko sa kanya yung puso ko diba?

Kasi nga eh, alam ko naman kung gaano sya naging mabuti sakin.

At tsaka hindi nya naman ako sasaktan.

Sya kasi yung nagbibigay ng panyo sakin sa twing pinapaiyak ako ni Jake.

Hay naku, ansakit talaga ng ulo ko.

Pagpasok ko nang bahay ay nakita ko si Ate na umiiyak sa sala.

Kaya naman kahit naka-uniform palang ako at nilapitan ko muna sya at ipinagpamamaya ko muna yung pagbibihis.

Lumapit naman ako sa may katabi nya.

Siguro ikinagulat nya yung pagpunta ko dito kaya naman biglang nabigla yung tingin nya sakin.

Ako naman nag-smile sa kanya.

Pinilit nya namang ngumiti kahit na umiiyak sya.

“Ate, bakit ka umiiyak?”, tanong ko kay Ate.

Si ate naman humarap lang sakin na blangkong blangko yung muka, kasabay ng pagtulo ng luha nya.

Dahil sa nakikita ko kay Ate niyakap ko sya ng mahigpit..

Yung mahigpit na mahigpit..

Hay naku, nakakatouch naman tong si ate kung makayakap sakin parang wala nang bukas eh..

Kasi naman yung yakap ko sa kanya yung mild lang, eh sya naman eh halos yakapin na ko na parang ayaw na kong bitawan.

Tapos tsaka sya umiyak ng umiyak sakin.

“Ate ano ba? tahan nanga..  tama na ha? wag ka nang umiyak..”, sabi ko sa kanya.

Na sa totoo lang eh hindi ko naman alam talaga kung ano yung dahilan ng pag-iyak nya..

“Ate, bakit ka ba kasi umiiyak ha?”, tanong ko sa kanya habang patuloy parin syang umiiyak.

At nakayakap parin sakin ha..

Kaya naman ang ginawa ko.

Kinalas ko na sya sa pagkakayakap sakin at tsaka ako humarap sa kanya.

Syempre yung face to face dapat.

“Ate sabihin mo nga sakin kung ano yung iniiyak mo.. ha?”, sabi  ko kay ate.

Pero si ate patuloy lang na umiiyak.

“Hay naku ate, dont tell me na dahil nanaman yan inagawan kita ng kumot kagabi ha?”

Pabirong sabi ko sa kanya.

Magkatabi kasi kami minsan ni ateng matulog at lagi ko syang napapaiyak kasi nga inaagawan ko sya ng kumot.

Medyo napatawa naman yung ate ko dun sa sinabi ko.

Tears For The Second Time Around (Kris Kirkpatrick of Nsync fan fiction)EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon