CHAPTER 6 What The Hell is This?!

96 11 8
                                    

CHAPTER 7: WHAT THE HELL IS THIS?!

*CHRISTIAN’S POV*

Nasa may mall kami nina Christian.

Andito kami sa world of fun.

Naglalaro ng kung anu-ano.

Kami nian Jerry ay nasa may basketballan since mahilig akong magbasketball.

Bale lima kaming nandito.

Ako, si Jerry, si Louis, si Chevy at syempre si Luigi na first time lang makakasama sa mga trip namin.

Ipapakilala ko ba sila sa inyo?

Wag na sayang ang oras.

Pero syempre, dahil ako yung tipo ng taong daldalito eto na. Ipapakilala ko na sila sa inyo.

Si Jerry, uhm ano nga ba si Jerry.

Sya yung kwela sa tropa. Magaling syang magpatawa komikero yan samin eh. May babae yang gusto. Ewan ko kung gusto nya talaga o joke lang yung panliligaw nya. Myembro ko yan sa Crazy Boys.

Eto namang isa na myembro ko rin sa Crazy Boys ay si Louis. Na parang may pagka-bakla na ayaw lang iladlad. Pero in love sya sa isa naming ka tropa na si Blanca na childhood friend nya. Kahit naman paulit-ulit nyang ideny yun, yun at yun pa rin yung lalabas dun.

[Sina Blanca at Louis po yung bida sa susunod kong story. Yung ‘MY GAY BESTFRIEND’. Abangan nyo po yung story]

Eto namang isa si Chevy. Sya yung payatot samin. Matinik yan sa chicks pero kung gaano yan katinik sa chicks, ganun naman katorpe sa one and only Linzey nya.

 [Yung story po nila ay ‘FAME TAME FAKE’ para lang po sa mga hindi nakakaalam]

Yung isa naman si Luigi. Sya yung busy person ng barkada. Kailangan nya pang kumita ng malaki para lang magkapera. Lovelife? Zero eh. May gusto bang mag-apply. Pero hindi pa daw sya ready eh kaya sa susunod nalang kayo ha?

“Hoy! Mga nang-iiwan kayo ah!”, sabi naman ni Eva na hinampas ako sa likod.

“Aray!”, daing ko.

“Para san ba yun ha?!”, naiinis kong sabi sa kanya.

“Dahil nang-iwan kayo!”

“Anong nang-iwan si Jerry may sabi na iwan ka namin.”

Bigla namang tumingin si Eva kay Jerry.

Si Jerry naman, dali-daling humarutot ng takbo.

Si Eva naman, agad na hinabol si Jerry.

Hindi naman namin maiwasan na hindi matawa.

“O pare yan na pala si Erika eh, bitbit yung alaga nyang abnormal.”

Pagkasabi ni Chevy nun ay sabay-sabay kaming nagtawanan.

Pano ba naman kami hindi matatawa.

Dahil yun dun sa dalawa naming ka-tropa. Si Kian at Erika. Si Kian kasi, sya yung tipo ng lalaki na magugustuhan mo na lahat sa kanya, yun nga lang may sakit sya sa pag-iisip. Which lead para gabayan sya ni Erika.

Kasama din nila si Charles. Chaleo yung tawag namin dyan na binyag nung kapatid nyang si Angel na kung hindi pa nila sasabihing magkapatid sila eh baka mapagkamalan na naming may gusto si Chaleo kay Angel. At bakit hindi? Nek, nek nyo! Kayo na bahalang mag-research sa buhay ni Chaleo. Pano? Tingnan nyo sa baba.

[Basahin nyo po yung ‘GAP BETWEEN OUR LOVE’ feautured dun yung makukulit kong Bestfriend sa BST. Wala ba kayong ikakaway dyan?]

Hindi lang kami makukumpleto dahil wala si Alex. Yung pinakang-astig sa grupo. Yung lovelife nyan? Sorry taken na eh. In-love kasi sya kay Mhelannie Shou na sa tingin namin ay hindi na toot toot. Pero mahal na mahal nya talaga eh.

Tears For The Second Time Around (Kris Kirkpatrick of Nsync fan fiction)EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon