CHAPTER 29 I miss you Princess

78 11 4
                                    

CHAPTER 29: I MISS YOU PRINCESS

*KRIS POV*

Siguro nagtataka kayo kung bakit karamihan ng POV eh sakin naggagaling.

Kasi naman, kasalanan ko ba naman kung paborito ako ng writer nito.

Si Princess nga yung bida pero ako yung laging nag-p-POV.

Ako na! Ako na talaga!!

Hindi nyo ba alam kung gaano ka-adik si author sakin.

Wag nyo nang tanungin dahil mababaliw nanaman yan.

[Assuming ka! Ang kapal ng muka mo ah!]

Anong nang kapal?

Hoy! Hinilamusan ko pa to!

Hay naku, balik POV nanga tayo.

Syempre, wala naman akong kasabay ngayong vacant kundi si Cielo yung makulit kong kaibigan.

Makulit??

Oo nga pala, moody kong kaibigan i mean.

Kasi naman, hindi pa kasi pumasok si Princess eh.

Hindi ko tuloy alam kung ano yung gagawin ko.

Hay! Ano ba tong mga sinasabi ko?

Hindi ko dapat sinasabi yung mga ganitong bagay.

Hay naku, makapag-focus nanga lang kay Cielo.

“Hoy pare, uhm mukang badtrip ka ngayon ah. .”

Natigilan tuloy ako kay Cielo.

Paano naman nang lingunin ko sya eh nakita on gisang bakol nanaman yung muka nya.

Sino nga ba  naman ang magkakaron pa ng gana sa ganitong kaibigan?

Hay naku, buti pa si Princess.

Kahit ganun si Princess hindi naman ako nabobored na kasama sya.

Minsan nga eh kahit medyo nakokornihan ako sa joke ko tumatawa lang si Princess.

Eh itong si Cielo kahit ata joke pa ni Vice Ganda korny na sa kanya.

Oo, hindi talaga mahilig si Cielo sa mga jokes.

Minsan nga tinatanong ko sya kung emo ba sya eh.

Pero ang lagi nya lang sagot.

‘Hindi nga ako emo’.

Ok kung hindi edi hindi, hindi naman bagay sayo eh.

Kaya hindi magka-girlfriend eh.

“Bad trip talaga! Kabanas na ah!!”, namumulang sabi ni Cielo.

“T-teka bakit ba ha?”, tanong ko naman sa kanya.

“Wala! Dont talk to me.”

Sabi ni Cielo sabay cross arm at sumandal pa sa pasilyo ng corridor.

Oo nga pala, hindi ko nasabi sa inyo na nasa corridor kami.

“A-ano ba kasi yun ha?”

Kahit kelan talaga tong si Cielong kasamahan.

Nakakabanas!

Kung si Princess kaya daw yung kasamahan ko ngayong araw na to?

Siguro kanina pa ko tawa ng tawa.

Eh dyusko!

Kapag ito namang si Cielo yung kasamahan mo dyusmiyo de garapon!

Nakakainis na kasamahan!

Tears For The Second Time Around (Kris Kirkpatrick of Nsync fan fiction)EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon