CHAPTER 2 Meet my ate

172 20 15
                                    

CHAPTER 2: MEET MY ATE

**PRINCESS POV*

Iyak lang ako ng iyak sa kwarto namin.

Nakahiga ako, hawak ko yung cellphone ko, nagbabakasakaling baka mamaya tumawag o mag-text si Jake.

Apology dun sa nangyari.

~tok tok tok~

May kumatok sa pituan ko.

“Sino yan?”, pinilit kong ayusin yung boses ko.

Ayokong marinig nila ate na umiiyak ako.

“Ate Fely mo.”

“Anong kailangan?”

“Wala, gusto ko lang pumasok.”

Anong oras na ah.

Halos mag-aalas dose na ata ng gabi, pero gising pa rin si Ate Fely.

Bakit naman kaya?

“Sige pasok.”

Pagkasabi nun ay narinig ko naman yung pagbukas ng pinto, hindi naman nagatagal ay magkatabi na rin kami ni Ate.

“Ayos ka lang ba?”

“Oo naman?”

“Nakita kasi kita kanina, namumugto yung mata mo. Kaya pinuntahan kita.”

Kahit talaga kelan, ang pagka-usisera nitong si Ate.

“Ok lang ako, napuing lang kasi ako kanina kaya ano hayun. Medyo naiyak ako at namugto yung mata ko. Kritikal kasi yung pagkaka-puwing sakin eh.”

Pagkaka-kritikal ko hane?

Parang doktor lang.

Natawa naman si Ate dun sa sinabi ko.

Ako naman, binlingan ko sya ng tingin na ‘Anong nakakatawa dun?’.

“A-ano ka ba? Wag ka na ngang denial! May pakriti-critical ka pang nalalaman, ang sabihin mo, may nagpaiyak na naman sayo.”

Oo meron, pero nek nek mo!

Hindi ko sasabihin sayo yun.

“Ano nga yun? Sabihin mo na sakin.”

Hay naku, hindi ko alam kung ano yung pwede kong ipalusot kay Ate.

Ah, oo nga pala.

Madlang readers, hindi pa nga pala kasi alam ni Ate na may boyfriend na ko kaya hirap pa kong sabihin sa kanya yung mga ganitong bagay.

“Ate, wala yun. May nakaaway lang kasi akong kaklase, kaya ako umiyak.”

Nakaka-inis talaga tong ate ko kahit kelan, napaka-kulit.

“Sino namang kakalase?”

Sabi ko na sa inyo eh.

May pagka-tsismosa talaga yang ate ko.

May pagka-dakila.

Number one sa kadakilaan.

Napaka-tsismosa.

“Naku! Makulit eh! Kaya hayun, sinaway ko e ayaw pasaway, sabi pa hindi daw ako dapat president ng klase.”

Kung may tsissmosa syempre, dapat magaling kang actress.

Ako naman yun, yung best actress samin.

“Wag mo na silang pansinin, mga naiinggit lang yun sayo.”

Kahit naman tsismosa si Ate, madali parin syang mauto.

“Oo nga eh, pero s-syempre, nakakaiyak parin.”

Lumapit sakin si Ate at tsaka ako niyakap.

“Alam mo bunso, hindi ka dapat laging ganyan, dapat, lagi kang matatag, persident ka pa naman ng klase mo. Hindi sa lahat ng oras lagi ka na lang iiyak ha?”

Sabi ni Ate habang yakap ako.

Umiyak lang ako ng umiyak, emphasis para naman kunwari e umiiyak talaga ako.

Kumalas na si Ate ng pagkakayakap sakin.

“Tama na ha? Babalik na ko sa kwarto ko ha?

Ingatan mo yang sarili mo.”

Tuluyan nang umalis si Ate ng kwarto ko.

Ako naman, naiwan parin dun na tulala.

Maswerte parin ako at nagkaroon ako ng ateng kagaya ni Ate Fely.

Sana one time, makatagpo din yung ate ko ng lalaking mamahalin nya.

Yung hindi sya papabayaan.

Masyado kasing mabait si Ate para saktan eh.

Tears For The Second Time Around (Kris Kirkpatrick of Nsync fan fiction)EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon