CHAPTER 9 From Now On Erase Kris

89 12 7
                                    

CHAPTER 9: FROM NOW ON, ERASE KRIS IN MY LIFE

-PRINCESS POV-

Hindi ko alam kung ano yung pumasok sa isip ko.

Nakatunganga lang naman ako dito sa kwarto.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ba nakipag-break si Jake sakin.

Hindi ko alam kung bakit ba nya ko ginanito.

Wala naman akong ginawang mali sa kanya.

Ang mali lang, nagmahal ako.

Yun yun.

Pero at all naging mali ko rin naman yung pagsama ko kay Kris eh.

Pero at all alam naman ni Kris yung mga limitasyon nya.

Hindi nya naman siguro dapat pagselosan si Kris.

Hay naku hanggang ngayon nasa isip ko pa rin yung mga sinabi sakin ni Jake.

FLASHBACK

“P-princess, magagalit ka ba?”

“Bakit naman ako magagalit? May dapat ba kong ikagalit ha?”

“Oo.”

“Ano nga yun? Sabihin mo na sakin ha?”

“B-break na tayo.”

Dun sa word na yun ni Jake parang gusto kong mamatay sa kaiiyak.

Hindi ko sya gustong saktan, ayoko, hinding hindi ko kayang nasasaktan ka.

Hindi ko alam yung reason, pero bakit kaya?

“Gawa ba yun kay Kris ha? please wag mo namang gawin sakin to.”

Bigla bigla ko nalang syang niyakap habang tumutulo yung luha sa mga mata ko.

Ilang taon din kaming nagsama ni Jake, tapos ganito.

“P-princess im so sorry. I’m so sorry, pero hindi pwedeng umabot kami sa aniversary ni Bea na tayo pa.”

Lalo kong hinigpitan yung yakap ko sa kanya at umiyak ako ng umiyak.

“Ok lang yun sakin. Edi wag mo nalang ipaalam kay Bea na tayo na. I-itigil mo na to Jake ha? wag mo na kung lokohin, hindi na nakakatawa eh.”, humahagulgol kong sabi.

Kinalas ako ni Jake mula sa pagkakayakap ko sa kanya at tsaka ako tinitigan, tapos pinunasan nya yung luha ko sa mata.

“Princess listen to me. Pagkatapos nito magiging masaya ka na ha?”

END OF FLASHBACK

Masaya? Sabihin nya nga kung naging masaya ba ko sa mga pangyayaring yun.

Ni minsan, hindi ako sumaya ng wala sya sakin.

Oo, may mga times na masaya ako sa kay Kris, pero mas masaya ako pagkasama ko sya.

Hindi nya man lang ba naisip kung ano yung pwedeng mangyari sakin pag nawala sya sa buhay ko?

Nasa pagiisip ako nang biglang...

*** Tentenenen... tenen..

Hurry!! Hurry!! The message has been arrived****

Sino naman daw kaya yung tumatawag.

Chineck ko yung cellphone ko kung sino yung nag-message.

Tiningnan ko ung sino.

Umiiling ako habang tinitingnan ko yung pangalan na naka-register sa screen ng cellphone ko.

Ang kulit talaga nitong lalaking to kahit kelan.

Hindi nya ba alam kung ano yung pinagdadaanan ko ngayon.

Nakakainis talaga ang kulit-kulit..

Umiiling na ibinato at pinatay ko yung cellphone ko..

Hindi ko na dapat kinakausap simula ngayon si Kris, kaya hindi maayos-ayos yung relasyon namin eh.

Relasyon? Ano panga bang meron akong relasyon ngayon bukod sa isang ex boyfriend na kailangan ko nang ibaon sa LIMOT!!

Oo, tama kayo diba?!

Dapat ko na syang ibaon sa LIMOT!! T.T

Naiintindihan nyo ba yun ha?!

[Hala?! Hoy Princess FYI hindi naman kami kasama sa gulo nyo diba?!]

Kahit na no!

Ikaw author yung may kagagawan nito..

Kundi mo ginawang ganito yung story namen, hindi naman namin toh mararanasan!

[Abah!, hmm, at ako pa ang sinisi. Hoy! FYI! Dont you ever, ever say that to me. Ikaw kaya ang magsulat ng story. Akala mo madali. Kaimbyerna ka ng beauty ah!]

Ah! Kainis.

Walang katapusang gulo.

Jake naman eh. Binibigay ko naman lahat sayo ah.

Pero bakit hindi mo yun naapreciate ha?

Hindi mo ba alam kung ano yung mga bagay na kaya kong ibigay sayo?

Nagtaklob lang ako ng kumot at tsaka ako umiyak ng umiyak.

Hindi ko alam kung ano ba yung gagawin ko.

Hindi ko alam kung maililigtas ko pa ba yung pagmamahal sakin  ni Jake o hindi na.

Tears For The Second Time Around (Kris Kirkpatrick of Nsync fan fiction)EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon