CHAPTER 13 Selos Ako T.T

78 12 7
                                    

CHAPTER 13: SELOS AKO T.T

*FELY’S POV*

Recess time nun, niyaya ako nina Blanca at Louis na sabay na kaming kumain.

Syempre ako pumayag naman.

Sabay sabay kaming kumain sa canteen.

Magkatabi sila, ako naman dun sa may tapat nila umupo.

“Oo nga pala”, biglang banat ng intro ni Blanca.

“Bat nga pala hindi na kayo nagkakasama ni Tim?”, patuloy pa ni Blanca.

Nagulat naman si Blanca nang bigla syang hatawin ni Louis sa may braso.

“Aray! Para san naman yun friend?”, sabi ni Blanca habang sapo yung braso nya.

“Alam mo naman diba na bali-balita sa school na dyowa nya si Lawren?! Alangan namang sumama pa sya kay Fely eh may Lawren na sya!”

“Oo na.”, sabi ni Blanca.

Bumaling naman ulit sakin si Blanca.

“Eh ano bang nangyari sa inyo Fely? Akala ko pa naman ikaw yung crush nyang si Tim.”, sabi ni Blanca.

Si Louis naman umusad pa ng konti kay Blanca para maki-usisa.

“Ano ba kayo? Hindi noh, hindi mangyayari yun.”

“Sayang noh? Pero kung maibabalik lang yung dati nyong pinagsamahan ni Tim edi sana. Back For Good na kayo.”

Oo nga pala.

Alam ni Blanca na naging kami ni Tim.

Kasi kaklase ko si Blanca since elementary.

Kaya alam nyan yung mga bagay-bagay tungkol sakin.

“Naku, Blanca, talagang hindi lang naman siguro kami meant to be ni Tim.”

Masakit mang isipin pero, hindi nga siguro kami nakatadhana ni Tim para sa isa’t isa.

“Alam mo, hindi naman eto yung huli eh. Hindi pa ito yung ending para maggaganayan ka ha?”

Yun yung encouraging word ni Blanca, pero hindi ako na-enourage.

“Malay mo, eto na yung magiging ending namin ni Tim.”

“MALAY MO!, Pero who knows and holds the future?!”, biglang banat naman ni Louis.

“Pero kung ako lang yung may hawak ng tadhana. Hahayaan ko ng sila ng dalawa ni Lawren yung magkatuluyan.”, nanghihina kong sabi.

Syempre, kahit masakit yun nalang yung naisip kong sabihin.

Kahit hindi naman dapat na sabihin ko yun, yun nalang yung sinabi ko.

Sino nga ba naman yung hindi mawawalan ng pag-asa.

“Alam mo, wag mong hilingin yan. Alam ko naman na gusto mo pa rin si Tim hanggang ngayon diba?”, sabi naman ni Blanca.

“Oo naman, kaya lang, ayoko namang mainip sya..”

“What do you mean as mainip?”, sabi naman ni Louis na nagtataka.

“Hay, alam mo naman friend si Ms. Priority. Priority si family, si future, si study at higit sa lahat si sisteret.”, sabi naman ni Blanca.

Napangiwi naman si Louis.

Yung malandi at sosyal na pagngiwi.

Syempre, bakla sya eh.

“Hay naku, eh hindi ba kasama teh sa priority mo yang sarili mo?! Ha?!”, sabi naman ni Louis.

“Siguro, tsaka na muna yung sarili ko.”

Tears For The Second Time Around (Kris Kirkpatrick of Nsync fan fiction)EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon