CHAPTER 11 Kris Unfavorable side

83 12 7
                                    

CHAPTER 11: KRIS UNFAVORABLE SIDE

*CHRISTIAN’S POV*

Nandito kami ngayon sa mini bar ni Alex.

Pero wala nanaman dito si Alex.

Ewan ko, nakikipag-landian siguro sa girlfriend nya.

Libre naman kami dito e. Palibhasa, barkada kami ni Alex.

Si Louis ay Jerry yung kasama kong nag-iinom dito.

Uminom lang ako ng pangatlong bote nang biglang magsalita si Jerry.

“Huy, ano bang ipinagsesenti mo dyan ha?”

“Pinagsesenti?”

“Oo, nagsesenti ka. Alam ko kung ano yung mga moods mo. Kabisado na namin yan.”, sabi pa ni Jerry.

“Ako? *tinuro ko yung sarili ko* hindi ako nalulungkot ha. *pinilit kong ngumiti*”

Tapos nun ay bigla akong bumanat ng tawa.

Tawa na nagpangiwi naman sa kanila.

“Tss, tama na. Itigil mo na yang kaek-ekan mo!”, nakangiwing sabi ni Louis.

“K-kaekekan?”, sabi ko habang tumatawa.

“OO, hindi bagay sayong mag-artista. Sa theater ka nalang muna.”, sabi naman ni Jerry.

Dahil dun, tumigil na ko sa pagtawa at sumeryoso.

Ewan ko, pero hindi ko alam kung bakit ba ko ganito.

Naiisip ko lang naman si Princess.

Naiisip ko kasi kanina nung umiiyak sya.

Ganun pala kasakit na hindi ka na mahal ng mahal mo.

Nakakainis, parang nakikita ko yung reflection ng babaeng yun kay Princess.

“Ano?*umusad ng kaunti si Jerry para lumapit sakin* ano na yung pinagpuputok ng nguso mo dyan ha?”

“Wala, wala to, never mind.”, sabi ko sa kay Jerry.

Ayokong sabihin yun kay Jerry.

Wala naman syang alam.

Una sa lahat, si Louis lang yung pinagsabihan ko nun dahil napakadaldal ng bunganga nitong si Jerry.

Kalalaking tao eh, bibig-manok.

Baka pag sinabi ko kay Jerry yun, alam ko yung ugali nyan. Ipagdadadaldal nun yun kay Eva na kaibigan ni Princess at pag nalaman yun ni Eva.

Patay tayo dyan.

“Bahala ka nga dyan kung ayaw mong sabihin. Masasayang yung oras ko sayo, imbes na may chiks ako ngayon eh.”, tumayo na sya at tuluyan na kaming iniwan ni Louis dun.

Lumingon muna si Louis.

Bale tiningnan nya kung nakaalis na si Jerry at tsaka bumaling sakin.

“Ano na bang problema ha? si Princess na naman ba ha?”, biglang intro ni Louis.

Tumungo muna ako bago ako tuluyang sumagot.

“O-oo.”

“Baket? Tungkol nanaman ba yan sa boyfriend nya?”

Tumunhay ulit ako at hinarap ko si Louis.

“Nagb-break na sila.”

Biglang nagulat si Louis sa sinabi ko.

“Oo, break na sila.”

Alam ko naman yung ugali ni Louis na may pagka-parrot.

Paulit-ulit yan, kahit nasabi mo na, uulitin pa.

Tears For The Second Time Around (Kris Kirkpatrick of Nsync fan fiction)EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon