Chapter 5: Marry Me

14 2 0
                                    

| Chapter V


Nasa sasakyan ngayon ang dalagang si Sonya. Kasama niya si Sandro na hindi parin nagsasalita simula kaninang umaga. Nagkakailangan ang dalawang kabataan. Hindi parin makalimutan ni Sonya ang nangyari kagabi habang hindi naman mamayaw sa kakaisip si Sandro kung paano pasasalamatan ang dalaga dahil alam niyang ito ang nag-alaga sa kaniya kagabi.



Sonya

Nandito kami ngayon ni sir Sandro sa sasakyan. Hindi pa kami nag-uusap simula kaninang umaga at tsaka ano naman ang pag-uusapan namin diba. Hindi niya naman alam na inalagaan ko siya kagabi kasi lasing siya.

Biglang kumatok si manang Cora sa bintana ng sasakyan habang hindi pa ito umaalis. Binuksan ko ito at bigla niya sa aking inabot ang luchbox ko.

"Oh eto na yung lunch mo. Ako na nagprepare niyan, nakalimutan mo ata kasi inabot ka na ng hatinggabi kaka-alaga kay sir Sandro." saad ni manang habang nag smi-smirk siya.

"Manang nama—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig ko si sir Sandro "I knew it" saad niya.

"Oh sige na, may labahan pa akong gagawin" pangiti-ngiting saad ni manang Cora sakin, yung nang-aasar na tawa.

Isinara na ni manang ang pintuan at iniwan ako doon na puno ng hiya. Mas lalong naging uncomfy ang nararamdaman ko ngayon. Sa hindi inaasahan ay biglang umubo si sir Sandro, ubong parang sinadya.

"So, ikaw pala ang nagtopless sakin at naglinis ng kwarto ko" pagbubukas niya ng usapan.

"Sorry sir, nabasa niyo po kasi ng suka ang damit niyo at damit ko" sagot ko sa kaniya.

Nakita ko na parang napahiya siya nang sinabi ko iyon at bigla siyang umiwas ng tingin sa akin.

"Ok, pero hindi parin tama na hinubaran mo ako"

"Eh paano sir, lasing kayo. Magagalit naman kayo kung hindi ko aalisin"

"Basta, naakit ka lang siguro"

"Hala, hindi ah. wait, may karapatan din ako kasi girlfriend mo ako diba?" patawa kong saad.

Parang namula siya sa sinabi ko at mas lalo pa siyang tumalikod sa akin.

"Ano naman ngayon, kunwari lang naman yun and its fake. Ikakasal narin kami ni Bianca after all" saad niya na nagpakirot sa puso ko.

Hindi na ako nagsalita buong byahe namin papuntang university. Masakit mang aminin pero totoong wala kaming pag-asa ni sir dahil arraged na siya kay Bianca.

Nandito na kami ngayon sa university. Namamangha parin ako dito kahit ikalawang araw kona.  May kakaibang aura ang Monroe University talaga.

Bumaba na ako sa kotse at nagpaalam kay sir Sandro na sa may library ako bababa dahil may kukunin lang akong libro dahil hindi ako nakapagreview kagabi kaka-alaga sa kaniya.

Nandito ako ngayon sa first library ng university. Brown painted ang walls nito at may anim na shelf ng mga libro. Hinahanap ko ngayon ang libro na kailangan ko sa assignments nang may biglang naghulog ng mga libro sa kabilang shelf at bigla akong nagulat dahil may tao doon at nakatingin siya sa akin.

"Ikaw ba si Sonya?" saad niya na para bang may gali sakin.

Akmang aalis na ako nang biglang may humarang na isa pang babae sa dadaanan ko kaya bumalik ako nang may humarang ulit na babae sakin.

"Paano ka kaya nagustuhan ni Sandro? You're beautiful, but you aren't rich. I can sense it, you're just a slapsoil." saad nung babae sa shelf na nang makit ko ay napakaganda talaga at matangkad pa.

Under Parallel Skies #Season 1Where stories live. Discover now