Chapter 3 : Bagyo

23 2 0
                                    

|Chapter III




Sonya

Nandito ako ngayon sa kwarto ni sir Sandro. May ipapagawa daw siya sa akin kaya pinapunta niya ako dito. Kasalukuyan siyang may hinahanap sa kaniyang bag at nang kunin niya ito ay isang tumpok ng mga papel.

"Siguro naman matalino ka? nasa honors list ka ba ng dati mong eskwelahan?" tanong niya sa akin at tinanguan ko lamang siya.

"Huwag kang mag-alala, pina asikaso ko na ang mga papeles mo from your old school at na-enroll ka narin in my university." saad niya sabay abot sa akin ng tumpok at makapal na sa tingin ko ay paper works.

"Anong gusto mong gawin ko dito?" tanong ko sa kaniya sabay tapat ng mga papel na iyon sa kaniya.

"Sagutan mo at huwag kang mag-alala dahil survey and self exploratory questions yan. Tinatamad lang ako kaya ikaw ang ipinapasagot ko" masungit niya namang saad.

"Sige po sir, gagawin kona" sarkastiko kong saad sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang ako.

"Huwag kang mangingialam ng mga gamit diyan ah, iyan ang pinaka ayaw ko sa lahat; ang pinapakialaman ang gamit ko." utos niya "Maliligo lang ako, dapat after 30 minutes tapos nayan" dagdag niya pa.

Ano? Paano ko ito masasagutan sa loob ng 30 minutes eh hanggang 150 item ito, differet subjects pa, hmmp.

Nagdaan ang mga oras at wala pang 30 minutes ay tapos ko na ang mga questions. Gusto ko nang lumabas pero baka magalit siya sakin kapag nakita nalaman niyang hindi ako nagpaalam, hindi naman ako pwedeng sumigaw dahil soundproof yung pintuan sa banyo niya.

Maglilibot muna ako dito sa kwarto niya, siguro naman pwede yun kasi wala naman akong pakikialaman.

Nilibot ko ang paningin ko at pumukaw sa atensiyon ko ang isang glass cabinet kung saan may nakadiaplay na mga litrato at trophies.

Nang lumapit ako doon ay nadatnan ko ang mga childhood pictures niya. Napakacute na bata, pero wala talaga silang pagkakahawig ni Samantha. Napansin ko rin ang mga litrato ng awards niya sa paglalaro ng basketball at chess, nakita ko rin ng parang preneserve na childhood brace niya ata.

Siguro naman wala siyang girlfriend, mukahang magiging olats ako kapag meron. Maganda naman ako at inaamin ko iyo pero ang estado ko sa buhay ay ulila na at walang sariling bahay.

Nakita ko ang isnag litrato, hindi si Samantha o ang mga magulang niya ang kasama niya kundi sa tingin ko ay lola niya. Akmang hahawakan ko na ito nang sitahin niya ako: "Sinabi kong wag kang gagalaw ng mga gamit ko diba?" saad niya.

Napayuko naman ako sa hiya. "Sorry sir hindi ko sinasadya" saad ko sa kaniya. Nakasuot siya ngayon ng pantulog niya habang pinupunasan ang basa niya buhok.

"Natapos mo naba ang ipinapagawa ko sa'yo?" tanong niya sakin at tumango naman ako sa kaniya.

"Opo sir, pero may itatanong ho ako sa inyo. Sino po itong kasama niyo sa litrato?" tanong ko sa kaniya.

"Why are you interested" tanong niya.

"Sige ho, okay lang na huwag niyong sabihin" saad ko sa kaniya pero nagsalita siya agad.

"She's my lola. She died last year and worst, hindi parin ako nakamove on" saad niya. "Kung itatanong mo kung anong cause of death niya, isnag car accident kasama ako. I saw her dying with me in her embrace" dagdag niya pa. "I was having my treatment sa hospital for my anxiety attack that night na iniligtas kita" kwento niya.

"Sorry sir, pinakwento pa kita." saad ko sa kaniya ngunit tinalikuran niya lang ako at pumunta na sa desk niya at nagbasa ng libro.

Hindi naman pala purong pusong bato itong amo ko, may mamon din pala sa dibdib niya. Siguro pinatigas lang siya ng mga nangyari, katulad ko, sa massacre at trauma na naranasan ko.






Under Parallel Skies #Season 1Where stories live. Discover now