Chapter 11: REBELASIYON

30 1 0
                                    

Chapter XI









dry your tears and
when nothing
seems clear,
you'll be safe here. ”
You'll be safe here // Adie (cover)

















SONYA'S POV

Nandito kami ngayon sa parking lot ng university. Kasalukuyan naming hinihintay ang pag-andar ng kotse ni Ace na umaarte sa ngayon. Uuwi na ako at kahit sa pag-uwi ay hindi parin matigil ang pag-agos ng luha ko, pinilit kong tumayo dahil ayokong maging pabigat sa mga kasama ko lalo na kay Isabel.

Madilim na at mukhang kami nalang ang mga estudyanteng natitira ngayon sa buong university. Masiyado ko na yatang naabala ang mga kasama ko dahil inabot na sila ng gabi kakahintay na magising ako.

"Sonya, I am going home na, sabay nalang kayo sakin, mukhang matatagalan pa si Ace" pag-aya sakin ni Clark na sumabay na sa kaniya dahil may kotse rin siya pero kasabay niya rin ngayon si Bianca.. "Oo nga Sol, kay Clark nalang tayo sumabay pauwi" saad naman ni Isabel pero akmang magsasalita na ako nang biglang sumabat si Mich. "Malapit na si Ace, mauna kana" saad nito na may halong pagtataray. Wala nang nagawa si Clark kaya nagpaalam na ito at pinaharurot na ang kotse niya.

"Pinasabay mo nalang sana si Sonya kay Clark, matatagalan pa ako dito Mich eh" reklamo ni Ace kay Mich pero hindi sumang-ayon dito si Mich. "Mas safe si Sonya kapag ikaw ang nagda-drive. Mauna na kami, Sonya palakas ka ha, padayun!" saad ni Mich sabay ng pagpapaalam. Sumakay na ito sa motorsiklo ni John at isinuot ang helmet. Nauna narin sila na umuwi sa amin at sina Katherine, Isabel at Ace nalang ang kasama ko ngayon. Sa amin daw sasabay si Katherine dahil iisang daanan naman daw sila ni Ace at mukhang hindi daw siya masusundo ng driver niya.

Hindi ko parin maisip at matanggap na wala na talaga ang baby ko. Linggo lang nang malaman kong nasa sinapupunan ko siya at ngayon  kinuha na siya sakin.

"Sorry Sol, hindi kita nabantayan ng maayos sa school, hinayaan lang kita, magiging responsible bff na ako." paghingi sakin ng tawad ni Isabel na nagpatawa sakin kahit sandali dahil sa reaksiyon ng mukha niya. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, may dahilan kung bakit nangyari ito" saad ko sa kaniya at pagkatapos noon ay niyakap niya ako.

Bigla naman na hinimas ni Katherine ang likod ko. "Im sure your baby is in a safe place now" saad nito sakin at ngumiti naman ako sa kaniya.

Sana nga, nasa mabuti nang kalagayan ang anak ko ngayon. Hindi ko ikakahiya na dinala ko siya sa sinapupunan ko kahit sa maikling panahon. Hindi ko man siya hiniling, nagpapasalamat ako na kusa siyang ibinigay sa akin.

Naputol ang madamdamin na katahimikan na iyon nang marinig na namin ang pag-andar ng kotse ni Ace.
Tinawag na niya kami upang sumakay na sa kotse niya na mukhang naayos na niya.


Nasa backseat kami ngayon ni Isabel habang magkatabi naman sa harap sina Katherine at Ace. Lagpas na ng ala-siyete at kasalukuyan naming bina-biyahe ang daan pauwi. Sigurado akong nag-aalala na at pinaghahanap na kami ngayon sa manshion.

"Mapapagalitan tayo nito sa manshion" pag-aalala ni Isabel. "Sorry talaga nadamay pa kita" paghingi ko ng tawad kay Isabel "Hays, hindi mo'to kasalanan okay?" mahinahon na sabi ni Isabel.
"Sonya, just relax yourself for now, hindi magugustuhan ng baby mo kapag malungkot ka" pagpapakalma sakin ni Katherine.

"Kath, matanong ko lang, bakit mo pala iniwan si Mich doon sa cr kanina" nagtatakang tanong ni Isabel. Napaisip din ako kung bakit ngaba niya iniwan si Micha at hindi na binalikan. "Ahm ano kase ang tagal niya and may kinuha din ako sa bag ko sa room" saad ni Katherine pero mukhang hindi parin kumbinsido si Isabel "Pero hindi kanaman dumaan sa hallway papuntang room natin ah" saad ni Isabel. Mukhang nagkakaroon na naman sila ng tensiyon kaya sinubukan ko nang pumagitna sa kanila.

Under Parallel Skies #Season 1Where stories live. Discover now