Chapter 6: Kunware

11 2 0
                                    

|Chapter VI



Sonya's POV

Isang  araw nadin ang lumipas simula noong nakulong ako sa stock room ng library 1 sa university. halos isang araw narin kaming hindi nagpapansinan ni sir Sandro, hindi ko alam pero siguro nagtatampo siya dahil nawala ako bigla. Naikwento ko naman sa kaniya nang nangyari sakin pero hindi lang talaga siya umiimik.

Nandito ako ngayon sa garden ng mga Porché. Sabado ngayon kaya dinidiligan ko ang mga daisy na alaga ni ma'am Tanya.

"Look who's here, bilisan mo naman magsaboy ng tubig" saad ni ma'am Samantha habang inuutusang maglatag ng carpet si Cara dahil mag su-sun baiting daw siya.

"Ano bang nangyadi sa inyo ni kuya, bakit hindi yata kayo magkasama kahapon?" biglang tanong ni ma'am Samantha. "Dahil ba'to sa pagkawala mo nung thursday?" dagdag niya pa.

"Sino po nagsabi sa inyo niyan?" tanong ko sa kaniya.

"Ako, naikwento lang sakin ni Isabel. Inutusan daw siya ni sir Sandro na buksanang stock room ng livrary 1 dahil kinulong ka daw dun" saad ni Cara.

"Ano? si sir Sandro, inutusan si Isab—" hindi kona natapos ang sasabihin ko nang biglang aumigaw si Isabel sa dikalayuang manshion.

"Sonya, ipinatatawag ka daw ni manang Fe, tara na!" sigaw niya.

Nagpaalam ako kina ma'am Samantha at Cara. Hindi ko alam pero wala namang naikwento sakin si Isabel na si sir Sandro pala ang nag-utos sa kaniya, basta niya lang daw na naramdaman na nandoon ako.

Nandito kami ngayon sa kusina ni Isabel. Naghihiwa ako ng mga sangkap sa lulutuin namin na menudo habang si Isabel naman ang nagpapalambot ng mga patatas. Inutusan kami ni manang Fe na magluto habang siya naman ang naghahanda ng lamesa, wala ngayon si manag Cora dahil umuwi muna siya pansamantala kahapon dahil may importanteng kukunin sa bahay nila. Kasalukuyan namang hinihiwa naman ni chef Doris, ang bagong chef ng pamilya Porché.

"Sonya, nahihirapan ka ba sa paghihiwa,tulungan na kita" saad ni Isabel nang mapansin niyang mahina ako maghiwa ngayon.

"Tapatin mo nga ako Isabel, may hindi ka ba sinasabi sakin?" tanong ko sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin Sonya?" nagtataka niyang tanong.

"Ang mga sangkap, tapos naba?" biglang tanong ni chef Doris sa amin.

Tinulungan niya akong maghiwa ng mga sangkapa para mapabilis ngunit hindi na kami nag-usap.

Nandito kami ngayon sa likod ng manshion kung saan kita sa malayo ang nagtataasang gusali sa lungsod.
Nakaupo kami ni Isabel sa lumang konkretong upuan na may disenyong puno. Inaya ko siya dito para sabihin sakin kung ano man ang isinisikreto niya tungkol sa pagkakita niya sakin.

"Ano bang gusto mong malaman Sol?" pagbubukas ng usapan ni Isabel.

"Maging honest ka dapat sakin Bella ah" saad ko sa kaniya.

"Sige, I will, promise" saad niya naman.

"Naikwento kasi sakin ni Cara ikwenento mo daw sa kaniya nung ikinulong ako library 1" pag-uumpisa ko.

"Yes oo, totoo naman yun. Ikwenento ko talaga sa kaniya, sorry kung madaldal ako, tinanong niya kase bakit daw nawala ako sa klase nun" saad niya.

"Pero hindi mo naman sinabi sakin na si sir Sandro pala ang nag-utos sayo para pakawalan ako dun." mahinahon kong saad na ikinagulat ni Isabel.

Hindi siya kaagad nakapagsalita at tila ba nababahala. Mukhang hindi niya rin naman nagustuhan na magsinungaling sakin, siguro ay napilitan lang siya.

"Ah eh, ito kasi yan....." ikwenento sa akin ni Isabel ang lahat ng pangyayari sa kung paano siya biglaan na tinawagan ni sir Sandro hanggang sa iniligtas niya ako.

Under Parallel Skies #Season 1Where stories live. Discover now