CHAPTER 10 : Trahedya

18 1 0
                                    

Chapter X

Warning! Some scenes in this chapter may be inappropriate for people with sensitive imagery.







SONYA'S POV

Nandito ako ngayon sa kusina ng manshion. Hindi ko parin makalimutan ng nangyari kagabi, sinabihan ako ni sir Sandro na maganda daw ako. Sol, no huwag ka nang magpapaloko sa lalakeng yun, hmmp.

"Huy, tulala ka ata, ano bang iniisip mo?" biglang tanong sakin ni Isabel sabay hampas sakin. Nahalata niya atang tulala ako sa gilid kaya niya ginawa iyon.

"Ah eh, gusto mo bang sabay tayong mag lunch mamaya, libre ko" pag-iiba ko ng usapan pero mukhang hindi ito tumalab dahil ngumiti lang siya sa akin nang nakakainis.

"Oo na, alam kona ang iniisip mo" saad ko sa kaniya kaya pinanghahampas niya ako sa saya at kilig na kaniyang nadarama.

"Oh ano, pinuri niya ang ganda mo nue? Anong sabi niya, may nangyari ba?" saad ni Isabel na nagpagulat sakin.

"Hala, pwede ba, ang dumi ng isip mo" sabi ko nalang sa kaniya pero bigla niya akong tiningnan ulit ng nakakainis."Walang nangyari, pwede ba at pinu—" hindi kona natapos ang sasabihin ko nang biglang nagsalita sa likod namin si Samantha, kanina pa pala siya nandoon at naghihintay ng breakfast niya.

"Kuya would never do that, he will never be inlove with a maid, his personal maid" saad ni Samantha sabay diin sa 'personal maid'. Hindi naman na ako nakaimik dahil narinig ko na iyon mismo sa mga bibig ni Sandro, hindi siya sakin magkakagusto.

"Nandiyan ka pala ma'am, gusto niyo po ng sandwich" pag-aya ni Isabel kay ma'am Samantha pero bigla siyang nagdabog at pinalo ang kamay ni Isabel na nagpabago sa reaction nito.

"I don't want your sandwich! I don't want to consume the germs in your dirty hands" saad nito kay Isabel. Naiiyak na ngayon halos si Isabel dahil mukhang masakit ang pagkakapalo sa kamay niya. "Sonya, make me one" biglang utos nito sakin.

"Yes ma'a—" hindi kona natapos ang pag gawa ko sa kaniya ng sandwich nang bigla niyang patalsikin sakin ang laman ng ketchup holder na para sa sandwich. Sakto sa damit ko ang pagkakatalsik niya, hindi ko ito nagustuhan dahil huling uniporme kona ito ngayong week, hindi kona alam ang gagawin ko ngayon, nakakainis pero hmmp.

"Bakit niyo po iyon ginawa ma'am" pag-angal ni Isabel kay ma'am Samantha. "I know Bianca would be happy if she'll know this news" sabat ni ma'am Samantha kay Isabel sabay kuha sa sandwich na hawak ni Isabel at umalis na sa harapan namin.

"Patanggi-tanggi pa kukunin din pala, sana nga may bacteria talaga yang sandwich ko para mapatay kana" saad ni Isabel pagtalikod ni Samatha. Bigla naman akong natawa kaya nagtaka siya "Anong tinatawa-tawa mo diyan Sol, paano na yang damit mo?" pag-aalala niya sa akin.

"Ano kaba, magbibihis nalang ako. Hindi naman na require ang uniform kasi friday naman" saad ko sa kaniya para pakalmahin siya.

"Sasabay kaba samin ni Cara papuntang university?" tanong niya sakin. "Sige, wait lang kukuha ako ng pe—" hindi kona natuloy ang sasabihin ko nang biglang sumulpot si Cara at nagsalita.

"Hindi ka pwedeng sumabay samin, tinatawag ka ni sir Sandro doon sa garahe" saad niya at nagkatinginan naman kami ni Isabel sabay hampas niya sakin na tila ba mas kinikilig pa siya kaysa sakin. "Halika na Isabel, baka maiwan tayo ng sasakyan" utos ni Cara kay Isabel, tiningnan naman ako ni Isabel ng nakakainis bago siya sumunod kay Cara.

Hindi ko alam pero may kung anong saya akong naramdaman ngayon. Sa ilang nagdaan na araw ay hindi narin ako nakakasabay kay Sandro papunta sa eskwelahan. Sa pagkakataon nato, hindi na ako mahuhulog ng madali, pipigilan ko ang emosiyon ko dahil baka isa lang ito sa mga pinaplano niya.

Under Parallel Skies #Season 1Where stories live. Discover now