|Chapter IV
BIANCA'S POV
"I am ready, this is my day" saad ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. I am very excited to meet my future arranged husband, si Sandro Porchè.
"This really your day ma'am" saad ng personal maid kong si Lily
"Huwag ka ngang sasabat diyan Lily, baka ma-jinx mo pa ang araw ko" sita ko sa kaniya. Bigla siyang natahimik sa gilid, ang pinaka hate ko talaga ay ang nakikisawsaw sa moment ko.
Nakasuot ako ngayon ng white fitted dress. I am getting ready to meet Sandro, my arranged husband. Wala pa akong alam kung ano ang characteristics niya but I know mayaman siya at siguradong may itsura.
"You're so beautiful my daughter. Siguradong magugustuhan ka ni Sandro" saad ni mommy habang inaayos ang buhok ko.
"No man can't say no to my beauty, I am greater than any woman in this house." I said confidently.
"Siguraduhin mong mapapa oo mo ang pamilya Porchè, alam mo naman Bianca na malapit nang ma bankrupt ang pamilya natin" saad ni mommy habang hinihigpitan ang paghawak sa buhok ko.
"I will never fail you mom" saad ko sa kaniya.
Nandito ako ngayon sa sala sa manshion ng mga Porchè, hinhintay ang arranged husband ko. Ilang sandali pa ay bumaba na sa hagdan sina seniorita Tanya at senior Giovanni.
Nagbeso sila nina mama at papa at nagbatian."Ciao, seniorita Matilda. Ito na ba ang mapapangasawa ng anak ko?" saad ni senior Giovanni kay mommy sabay tingin sa akin at ngiti.
"Opo, siya na ang pinakamamahal naming anak" sabat naman ni daddy.
"Napakaganda mo iha, siguradong magugustuhan ka ni Sandro" saad ni seniorita Tanya sabay hawak sa dalawa kong kamay.
"Nais rin namin makita ng binata" saad ni mommy sa kanila.
"Paumanhin, kung paghihintayin muna namin kayo dahil nagsimba pa si Sandro." saad ni senior Giovanni.
"Inuna niya pa ng pagsisimba kaysa sa anak ko?" saad ni mommy na nagpabago ng ekspresyon sa mukha ng mag-asawang Porchè. "Ang ibig sabihin ko'y, napakamaka Diyos ni Sandro. Bagay na bagay sila ng anak ko at talgang mabuting unahin ang simbahan kaysa pamilya" pahabol ni mommy upang pahupain ang tensiyon.
Paano niya nagawang unahin ang ibang bagay kaysa sa akin? Mukhang hindi ko madaling mapapaamo ang lalaking ito.
SONYA’ POV
Nandito kami ngayon ni sir Sandro sa simbahan. Kakatapos lamang ng misa at taimtim kami ngayong umuupo. Nakaluhod ako nga4yon at tinatapos ang rosaryong ipinalangin ko.
Pinilit ko si sir Sandro na magsimba kapalit sa pagpayag kong maging girlfriend niya, pero sayang kasi kunwari lang.
Tinapos ko ang rosaryo ko sabay upo sa upuan. Nakatanaw lang si sir Sandro sa Altar na talaga namang napakaganda kahit sinple lang ang disenyo with matching renaissance inspired arts.
"Sir Sandro, pwede poba magtanong?" saad ko sa kaniya.
"Bakit, ano ba iyon?" saad niya sakin sabay tingin kaya umiwas ako at tinaanw nalng ang altar.
"Marunong ho ba kayo magrosaryo at bakit po wala kayong altar sa bahay niyo?" tanong ko sa kaniya.
"Marunong akong mag rosary, sa totoo nga ay si lola sa akin ang nagturo" sagot niya naman sakin. "Natigil lang kasi ipinagbawal ni daddy ang lahat ng may kaugnayan sa religion simula nang mamatay si lola, masiyado siguro silang naapektuhan sa pagkamatay ni lola" malungkot niyang saad.
YOU ARE READING
Under Parallel Skies #Season 1
RomanceSeason 2 is out now! A not typical love story that will revolve around Sonya and Sandro's unraveling love within themselves. Sonya, a hopeless, a suicidal woman who will be saved by Sandro, her knight in shinning armor in a near death experience. Sh...