|Chapter 1
Trigger Warning! Some scene in this chapter are sensitive that it may be inappropriate for young readers.
Pilipinas, May 2003
"Ano bang papel mo sa mundo Sonya? Prinsesa ka ba para hindi bumangon diyan at hintayin na subuan pa ng pagkain?" sigaw ng isang ale na rinig sa buong eskinita ng barangay Alepores.
Kilala bilang bungangera at lulong sa bisyo niyang madiyong si Aleng Sita. Hiwalay na sa asawa kaya mag-isang pinapalaki ang anak niyang si Sonya.
Magandang dalaga na may mga mapupungay na mata na may pagkasingkit, pinong itim na buhok at makinis na mga balat na kay puti ng buhangin sa Boracay ang kaniyang anak. Palibhasa ay naman niya ito sa amang intsik na hindi na niya nakilala pa dahil bunga lamang siya ng isang aksidente nang sinubok ni Sita ng mundo ng mga pokp*k.
"Opo nay, gigising na po ako" saad ng dalagang si Sonya habang iminulat ng mga mata sa sinag ng araw na galing sa bukas nilang bintana sa bahay nilang dalawang palapag na gawa sa kahoy. Nanalangin siya sa munting altar na kaniyang ginawa galing sa mga imahe ng santo na iniwan ng kaniyang lola simula nang pumanaw ito. Amoy na amoy niya sa kaniyang kwarto ang inilulutong pagpag ng kanilang kapitbahay.
"Magsaing kana diyan" saad namn ng kaniyang ina na inaayos ang mga baraha at binibilang ang perang napanalunan niya galing sa paglalaro sa isang burol kagabi.
Binuksan ni Sonya ang kaldero at hinugasan ito upang simulan na ng pagluluto. Naligo siya sa poso sa gilid ng bahay nila at pagkatapos nito ay naghanap ng itatapat na ulam sa nakataklob na planggana sa kanilang hapag-kainan ngunit nadismaya siya sa kaniyang nadatnan, alak at chichiryang nilalanggam lang ang nandoon.
"Nay, wala bang ulam?" saad ng dalaga na kumukulo na ang tiyan sa gutom. Umagahan nalang ang kulang ng dalaga upang pumasok na siya sa kaniyang paaralan.
"Wala, matuto kang magtipid" sigaw ng kaniyang ina na ikinasimangot niya.
Mag iisang libo din ang hawak na pera ngayon ng kaniyang ina ngunit ni piso ay hindi siya nito binigyan ng pambaon. Wawaldasin lamng ito ng kaniyang ina sa panibagong laban niya sa Tong-Its na kung papalarin man ay uuwing doble ang nasa kamay ngunit kung aabutan ng malas ay uuwing kumakalam ang sikmura.
Binuksan nalng ng dalaga ang kaldero at kumuha ng kakaunting kanin doon upang itapat ang chichiryang nasa hapag nila. Kakaunti man ngunit masaya na ang dalagang nakakain siya dahil minsan papasok siya sa paaralan na tubig lamang ang baon sa sikmura.
Disiotso na ngunit hindi sigurado ang kinabukasan na aapakan niya. Magkokolehiyo na siya sa mga susunod na buwan at mukhang hindi niya ito mararanasan dahil bulsa ng kaniyang ina ay walang laman at kung meron man, walang nakalaan para sa kaniya.
SONYA POV
Naglalakad ako ngayon papauntang eskwelahan, araw-araw hinaharap ko ang mahigit 1kilometrong kalsadang ito. Nag-iisip kung ang pagbangga nalang ng mga sasakyan sa katawan ko ang tanging susi sa pagod na nararamdaman ko.
Nagugutom ako, hindi lang sa pagkain na isinusubo ngunit pati sa
pagmamahal na isang ina. Oo, buhay pa siya pero parang wala naman siya. Nakakpagod na mabuhay pero anong gagawin ko, hindi ko kayang sumuko."Nasaan ang id mo" saad ng gwardiya ng paaralan namin. Nginitian ko siya ngunit seryoso at mukhang galit siya.
"Magandang umaga po, wait lang" saad ko sa kaniya. Mukhang badmood talaga siya kapag nakikita niya ang mga katulad kong tawagin nila ay kutong lupa dito sa paaralang ito.
Nandito ako ngayon sa loob ng silid- aralan namin nasa ika-labing dalawang baytang ako ngayon. Nakatulala dahil gutom at walang makain habang tinatanaw ang mga kaklase kong kumakain ng mga masasarap na pagkain.

YOU ARE READING
Under Parallel Skies #Season 1
RomansaSeason 2 is out now! A not typical love story that will revolve around Sonya and Sandro's unraveling love within themselves. Sonya, a hopeless, a suicidal woman who will be saved by Sandro, her knight in shinning armor in a near death experience. Sh...