Chapter 2 : Adobo

27 3 0
                                    

|Chapter II





Iminulat ni Sonya ang kaniyang mga mata at nagulat sa nadatnang lugar pagkagising niya; Malaking kwarto, marangyang mga kagamitan, malambot na kama.





Sonya

"Nasaan ako, anong lugar ito?" tanong ko sa sarili ko nang madatnan ko ang napakagarang kwarto. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaki at parang pinagsamang bahay namin at ng kapitbahay namin 'to ah.

May kaunting kirot sa dibdib akong naramdaman nang maalala ko nanaman ang mga nangyari kahapon.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwal noon ang magandang lalaki na may kasamang babae sa palagay ko ay nasa edad 60 na.

Ang lalaking yun ang kasama ko kagabi, iniligtas niya ako.

"Gising kana pala, mukhang kailangan mo na diyan bumangon kasi may trabaho ka pang gagawin" saad ng lalaking iyon at sinuway naman siya ng kasama niyang babae.

"Paumanhin na miss, ganiyan talaga si Senior. Masungit siya at lalo na hinigaan mo ang kama niya" saad naman ng babae.

"Bakit siya magagalit? Ako ba nagdala ng sarili ko dito" saad ko naman sabay taas kilay sa lalaking iyon ngunit huminga lang siya ng malalim at iniwasan ako ng tingin.

Nang tingnan ko ang damit ko ay nakabihis na ako. Mukhang magandang damit pantulog at madulas ang tela, pangmayaman talaga.

"Mawalang galang na po pero pwede bang magtanong anong nangyari kagabi?" tanong ko sa kanila.

"Hindi mo maalala?" masungit na saad ng lalaki.

"Magtatanong paba ako kung alam ko? Basta ang naalala ko lang ay niligtas mo ako" saad ko.

"Yaya Cora, alisin mo na nga yan sa harap ko. Sabihin mo na rin kina Isabel na palitan ang bedsheet ko" saad niya sabay pagpapalabas sa amin.



Sumunod ako sa babae at nadaanan namin ang sobrang laking bahay. Iba't-ibang mga litrato at halos kasing laki ng tv.

"Ako nga pala si Cora, ang mayor doma ng manshion at mag tatatlong dekada na akong nagtratrabaho sa mga Porchè. Si sir Sandro iyong kanina ang panganay na anak ng mag-asawang Porchè at tama ka, iniligtas ka nga niya kagabi kasi muntik kana magpakamatay kagabi."
pagbubukas naman ng usapan ni manang Cora daw.

"Eh bakit ako nandito manang, diba sana iniwan niya nalang ko doon sa ospital?" tanong ko sa kaniya pero tumawa lang si manang Cora.

"Naghahanap din kasi kami ng bagong personal maid niya. Hindi ko na kasi kayang pagsabayin ng pagiging mayor doma at personal maid niya" saad niya naman at natawa ako.

"Ang laki-laki na nun manang kailangan pa niya ng personal maid?" natawa nalang kami ni manang sa sinabi ko.

"Eh paano kung hindi ako pumayag?" tanong ko at tiningnan ako ni manang sa mata.





Nakasuot na ako ngayon ng pang maid na kasuotan. Malaki daw kasi ang bayad at kapag personal maid ay libre ang pag-aaral ko at okay nayun kasi dito narin ko titira. Sinabi ko na kina manang ang sitwasyon ko at pinapayag narin nila ang mga boss nila.

Mukhang okay naman katrabaho yung Sandro nayun, pogi naman siya at mataas ang sweldo at bonus na yung libreng pag-aaral.

"Magandang umaga sa lahat, siya nga pala ang bagong makakasama natin dito sa manshion. Siya si Sonya" pagpapakilala sakin ni manang Cora sa iba pang kasambahay sa manshion.

"Hi ako nga pala si Isabel" saby lahad ng kamay ng isang babaeng Isabel daw ang pangalan. Matangkad, morena at bilugan ang mga mata, maganda siya.

Tinanggap ko naman ang inalok niyang shake-hands at ngumiti sa kaniya.

Under Parallel Skies #Season 1Where stories live. Discover now